Sino ba ang hindi nag-hahangad ng isang happy ending??? Mala Snowhite,Cinderella at iba pang mga prinsesang may happy ending at may mga prinsipe. Totoo nga bang may Happy Ending sa panahon ngayon? O umaasa lang tayo na mangyayari rin saatin yung mga nangyari sakanila. Umaasa ka na may makakasama ka sa pagtanda mo, May aakay sayo pag hirap ka ng lumakad, Yung kasabay mo sa pagkain, Katabi mo sa pagtulog at Kasama mo sa lahat ng problema dadamayan ka kahit anong mangyari. Sabi nga:
"Masakit umasa pero wala namang aasa kung walang mga paasa" Pero baka hindi naman talaga nila intention yun baka talagang nag assume ka lang? Bakit? Dahil gusto mo siya? Mahal mo na? Madaling mainlove mahirap mag move on
Sana lahat ng tao mabilis makamove on para yung mga nasasaktan wag mastuck wag umasa na naman at huwag MAGPAKATANGA kagaya ko.
Mas magiging mahirap kung lagi mong nakikita at nakakasama. Yung tipong lalapitan ka lang pag may kailangan. Minsan sweet minsan parang di ka niya kilala o nag eexist sa mundo niya. Ganon naman talaga wala ka nang magagawa kung may gusto siyang iba. Ang magagawa mo na lang ay magmove on kasi alam kong masakit. Masakit lalo pag nakikita mo siyang may kasamang iba at napakaclingy niya sa lahat ng babae o lalaki. Syempre eto ka na naman nasasaktan walang imik emo na naman pang MMK ang peg pero pag lumapit na naman kilig na naman ang pwet ni ateng o ni kuya. Halo-halo talaga ang emotion pag-nagmamahal nandiyan yung ngingiti-ngiti ka na para kang baliw,nandiyan yung selos inggit at mga insecurities mo sa taong malapit sa kanya at nilalapitan niya,Yung pag may kasama siyang iba magiging malungkot ka na lang bigla, At syempre yung kilig pag lumalapit siya sayo. Iba talaga nagagawa pag naiinlove ka at umaasa ka.
BINABASA MO ANG
Diary ng Umaasa
Teen FictionWag ka ng umasa masasaktan ka lang magpapakatanga ka lang aasa ka lang sa wala umaasa ka sa taong hindi ka kayang mahalin at magustuhan anong tawag dun diba katangahan mafa fall ka na lang sa mali pang tao sa susunod dapat bago ka mafall siguraduhin...