Minsan kailangan natin isakripisyo ang isang bagay para sa isa pang bagay. Maaring para mas maging maayos ang isang bagay o mapasama pa ito. Isa na ako sa mga taong nagsakripisyo. Sinakripisyo ko ang nararamdaman ko para sa isang tao. Isang taong mahal ko at gusto ko. Bakit? Dahil gusto ko siyang sumaya at tatanggapin kong hindi ako ang mahal niya. Hindi ako umamin kahit gustong gusto ko siya. Bakit nga ba? Una dahil babae ako at natuto na ko sa pagkakamali ko noon nung umamin ako sa isang lalaki. Para akong napahiya nung napagtatanto ko ang mga pinaggagagawa ko. Naisip ko sa sarili ko babae ako bakit ako yung nagtatapat bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Nung mga panahong yun lumayo siya sakin. Nasayang ang pagkakaibigan namin napunta sa wala. Dahil don ipinangako ko sa sarili kong hindi ko na uulitin yun. Pangalawa ayokong lumayo yung tao sakin dahil lang sa nararamdaman ko. At pangatlo dahil alam ko namang iba ang gusto niya so why would I take the risk. Sayang lang ang oras at laway ko sa pagcoconfess sasaktan ko lang lalo ang sarili ko at ipapahiya sakanya. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili sa taong hindi ako gusto. Dahil kung pipilitin ko pa mas maraming masasaktan at ayokong maging selfish. Gusto ko siyang sumaya kahit hindi ako ang dahilan nang pagsaya niya. Gusto ko siyang sumaya dahil mahal ko siya. Ang pagmamahal ay hindi lang puro recieve kailangan mo rin matutong magbigay hindi lang puro ikaw ng ikaw. Dahil kung mahal mo talaga ang isang tao you will learn to let them go. Papakawalan mo sila at hindi mo na ipagpipilitan ang sarili mo. Matuto kang magbigay. Masakit pero kakayanin para sa ikaayos ng lahat. Para walang masayang. At walang pagsisihan sa bandang huli. Maaring hindi siya ang tamang tao para sakin. Pero tatanggapin ko ito ng maluwag sa aking kalooban dahil alam kong may darating na mas better pa na kaya akong mahalin kagaya ng pagmamahal na kaya kong ibigay. This is my unconditional love. I can sacrifice my own feelings to the one that I love the most.
BINABASA MO ANG
Diary ng Umaasa
Teen FictionWag ka ng umasa masasaktan ka lang magpapakatanga ka lang aasa ka lang sa wala umaasa ka sa taong hindi ka kayang mahalin at magustuhan anong tawag dun diba katangahan mafa fall ka na lang sa mali pang tao sa susunod dapat bago ka mafall siguraduhin...