Ako ang kasama mo pero siya ang nasa-isip mo. Ako ang nasa tabi mo pero siya ang hinahanap-hanap mo. Ako ang laging kausap mo pero ang isip mo ay nasa kanya. At higit sa lahat Kaibigan mo lang ako at siya ang mahal mo. Minsan naisip ko na baka kaya ka lang lumalapit sakin dahil may kailangan ka sakin. Hindi dahil sa kailangan mo talaga ko na maging kaibigan at kausap. Minsan naisip kong napipilitan ka lang ba kaya mo ako kinakausap? Sabihan mo lang ba ako ng problema mo? At kung nasasaktan ka nandiyan ako sa tabi mo. Mahirap magpanggap na masaya sa harap mo na okay lang sakin yun. At sobrang hirap na itago ang nararamdaman ko. Ayokong gumawa ng move para magkasira tayo at alam ko naman na sobrang labo na magustuhan mo ako. Ayokong umamin dahil takot ako sa magiging reaksyon mo. Takot akong mareject at ayokong magpakadesperada sa taong alam ko naman na wala talaga akong mapapala. Dati sinubukan ko nang magconfess sa isang tao napakatanga ko nung ginawa ko yun dahil naisip ko napakababaw ko naman at napakadesperada ko para ako yung gumagawa ng move. Halos mahiya ako sa sarili ko at sising sisi ako na ginawa ko yun at sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko na ulit uulitin yun. Pero bakit ngayon sabi ko iiwas na ko sayo kasi ayoko ng mahulog pa lalo sayo dahil ayokong masayang nanaman ang nararamdaman ko. Pero bakit sa tuwing hindi mo ako kinakausap nalulungkot ako? Bakit sa tuwing mag- isa ka gusto kitang lapitan? Bakit lagi kitang tinitingan? Bakit tuwing nakaonline ako ikaw agad ang hinahanap ng mata ko kung nag chat ka ba? At higit sa lahat bakit namimiss kita pag hindi kita nakikita? Minsan naisip ko na sana hindi na lang kita nakilala at napalapit sayo kasi nahuhulog na ko sayo at unti unti akong nasasaktan na kahit anong gawin ko hindi hindi mababaling sakin ang atensyon mo dahil nasa kanya ang buong atensyon at pagmamahal mo na kahit kailan ay hindi mapapasa-akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/60039048-288-k842789.jpg)
BINABASA MO ANG
Diary ng Umaasa
Подростковая литератураWag ka ng umasa masasaktan ka lang magpapakatanga ka lang aasa ka lang sa wala umaasa ka sa taong hindi ka kayang mahalin at magustuhan anong tawag dun diba katangahan mafa fall ka na lang sa mali pang tao sa susunod dapat bago ka mafall siguraduhin...