Ang sakit sakit sobra. Hindi ko na kaya bakit lagi na lang ako? May ginawa ba kong mali? Umasa na naman ako na akala ko ako na pero hindi pa rin pala hindi pa sapat. Oo nga hindi mo na siya mahal pero bakit may iba na naman? Lagi na lang ba akong maghihintay? Lalapit ka lang sakin kung may problema ka o kaya naiinis. Ang sakit sobra kasi pag bored mo lang ako gustong kausap o pag wala kang ibang makausap. Anong silbi ng mga kaibigan mo at sakin ka pa lumalapit? Bakit sa lahat ng tao ako pa? Nahihirapan na ko. Umalis ka ng walang pasabi. Hindi mo ako pinansin binlock mo ko panandalian at sinabing huwag mo muna akong kausapin dahil ayaw mong maissue nung hindi na kita kinakausap ikaw namin yung lapit ng lapit at eto naman ako si Tanga kahit saglit na oras lang yan masaya akong kausap ka parang walang nangyari noon parang hindi na naman ako nasaktan. Bakit sila bumabalik kung kailan kaya na natin at handa na tayong maglakad palayo. Kung kailan masaya na tayo bigla bigla silang eepal at eto ka nanaman si tanga aasa na naman. Gustong gusto ko ng sabihin sayo na sana huwag mo na akong kausapin pa kaya lang hindi ko magawa. Bakit? Kasi umaasa ko na mababalik pa yung dati yung closeness pero panandalian lang pala yun. Dahil kinabukasan back to reality na bukas wala na namang pansinan. Kakausapin ka lang niya paghihingi siya ng advice sayo, may itatanong o di kaya magpapaturo sa mga lessons niyo. Ayaw mong maissue pero ikaw yung lumalapit nagpapakita ka ng mga bagay na hindi naman ginagawa ng magkaibigan tapos sasabihin mong
" Bumalik yung feelings ko para sa kanya" Nakakagago lang umasa. Ayos na ko eh pero dumating ka nanaman at nagulo na naman lahat umasa nagpakatanga na naman. Akala ko kasi ako na eh kala ko ako na pero hindi pala. Sabi nila" Time heals all wounds" Oo nga naman Time heal all wounds pero pag tanga ka ata kailangan mo ng iumpog yung ulo mo sa pader para magising sa katotohanan na kahit kailan hindi magiging ikaw ang mahal niya at gusto niya. Isa ka lang dakilang labasan ng mga problema niya Human Diary niya. Diba lahat ng sakit may lunas? Pero sana may gamot din para sa puso para yung mga nasasaktan hindi na masaktan at maging manhid na.

BINABASA MO ANG
Diary ng Umaasa
Fiksi RemajaWag ka ng umasa masasaktan ka lang magpapakatanga ka lang aasa ka lang sa wala umaasa ka sa taong hindi ka kayang mahalin at magustuhan anong tawag dun diba katangahan mafa fall ka na lang sa mali pang tao sa susunod dapat bago ka mafall siguraduhin...