Chapter 1: Never the same

57 2 0
                                    

This is Iev's, the Northeast Governor's story.

Character Analysis:

Name: Gabryel Iven Von Archer 

Nickname: Iev 

Age: 20 years old 

Course: BS Civil Engineering 

Claim to fame: SJU's Northeast Chronus Governor 

Eye color: brownish /soft black

CHAPTER ONE: "Now she's left with nothing."

Depressed na naglalakad papuntang Student Council Office si Vanie. Kagagaling niya lang ng School Paper Office at ngayon nama'y papunta sa nakatakdang meeting ng Student Council para sa gaganaping Acquaintance Ball. Pagod na siya. Gutom narin. Kanina pa siya paroo't parito dahil sa dami ng kanyang mga kailangang gawin at habuling deadline. Ikatlong linggo palang mula nung mag-umpisa ang pasukan pero heto siya't mukhang hindi na aabutan ng buhay bukas.

Pagpasok niya'y wala pa namang tao kaya't umupo siya sa isa sa mga silya dun at tumingala sa kisame. Taimtim niyang kinausap ang mga butiki doon."Sa mga tao, kuliglig, insekto at kung sinu-sino pang nandiyan sa itaas, sa kung sino mang nakakarinig sa akin ngayon, hindi ko na kaya. Dinggin niyo naman ang aking mga hinaing at sana'y magpaulan na kayo ng pagkain at tamaan niyo na ng kidlat lahat ng mga may ipapagawa pa sa akin. Sige na. Minsan lang 'to. Kahit sa loob ng limang segundo lang."

Seryoso siyang 'nananalangin' nang may mag-salita.

 "Mukha kang timang diyan."

Masama ang tinging bumaling siya sa biglang umistorbo sa kanyang 'pagdarasal' na nasa may gawing pinto."Lumayas ka dito, Niccolo. Nagno-novena ako, wag kang istorbo."

Sa halip na umalis ay nagdire-diretso lang ito sa loob ng naturang silid at kampanteng umupo sa isa sa mga silyang nandoon kagaya niya. Inismiran niya nalang ang Student Council President nila.

"Ano nga uli ang relihiyon mo, Van? Hindi ko kasi alam na may ganyan na palang pati kisame dinadasalan. Iba na talaga ang panahon natin ngayon," umiling-iling na pang-aasar pa nito.

"Wala kang pake. Sasagot 'yan. Mamaya lang tatamaan ka na ng kidlat. Mag-hintay ka lang," aniyang sinusulit ang bawat minutong nakaupo lang siya't nakakapag-pahinga kahit papaano."Tsaka, huwag mo nga akong kausapin. Hindi kita kilala. I don't talk to strangers."

"Ang gwapo ko namang stranger."

"Eiw."

Tinawanan lang siya nito.

Napaismid naman siya."Abnormal ka din, eh, 'no? Paano ka ba naging presidente ng isang College Student Organization?"

"Gwapo nga kasi ako."

"Eiw."

 Lalo lang itong natawa. Wala. Baliw na. Napailing nalang siya."Adik."

"Gwapo," pagtatama nito."Sungit mo naman ngayon, Van. Meron ka?"

Binato niya ito ng nakitang nakalamukos na papel."Bastos."

Sinalo lang nito iyon at tumawa pa."Ito naman. Nakakamatay ang sobrang highblood."

Wari niyang natutuwa ito sa epektibong pang-aasar nito sa kanya ngayon. Niccolo knew how short-tempred she was."Hindi ako highblood. Pagod ako at sobrang gutom. Usually, kapag nasa ganitong stage ako, nangangain ako ng mga kutong-lupa. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, tumahimik ka't nagpapahinga ako dito," sagot niya na may halo na ring pagbabanta.

"Hindi naman ako kutong-lupa, ah. Teka ... Kutong-lupa nga ba ako?" tila naguguluhan pa ito.

She gave him a bored stare."Seriously, do you really want me to answer that, Niccolo?"

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon