Chapter 2: Regrets

27 1 0
                                    

CHAPTER 2: 'You may not see me, but I'm here. Always.'

"Hi, Van!"

Napalingon siya sa bumati sa kanya at napangiti."Hey, Governor Kureusawa," pabirong bati din niya.

He frowned."I really don't like formalities between close friends. That's why I always sleep."

"You always sleep for so many more reasons, Xandros," natatawang wika niya."Speaking of, himalang hindi ka ata tulog ngayon. Magugunaw na ba ang mundo?"

"Nah. Xynn and the others disturbed my nap. Inutusan nila akong bumili ng pagkain. Tulog nalang daw kasi ako ng tulog. Psh," iritadong sagot nito.

Tumawa naman siya."May point din naman pala sila eh."

 Sumimangot si Xandros.

Ang cute nga naman ng lalakeng 'to. Kung hindi lang siguro nakalaan na sa iba ang puso niya, malamang eh isa na siya sa mga babaeng naloloka't nahihibang dito. Pero dahil nga't siyay umiibig na sa iba't mukhang bigo pa, wa-epek na sa kanya si Xandros o ang kahit na sino pang gwapong lalake dito sa mundo ngayon. Isa pa, sadyang kaibigan lang din naman talaga ito para sa kanya.

But Xandros, without any doubt, can surely make any woman fall in love with him without even trying to lift a finger. Well ... Any woman except her, atleast. Who wouldn't be? Xandros is one of Chronus' nine student leaders. He's SJU's Southwest Governor, gwapo, matalino, mayaman. Pero isa rin naman siyang taong palaging tulog. Yes, tulog. Once in a blue moon lang ito gising. At isa sa mga pagkakataong mulat ito ay ngayon.

"I really don't see what's so wrong with sleeping," maya-maya ay wika nito habang pumipili ng pagkain.

"Walang negative sa pagtulog pagdating sa'yo, Xandros. Paborito mo eh," sabi niya naman.

"Kasi wala nga naman talaga."

"I won't argue," pagsuko niya nalang para walang mangyaring gulo. Bumaling siya sa kumukuha ng order niya."Kuya, pakidala nalang po sa table 32, ah? Marami po 'yan eh. Hindi ko makakayang dalhin lahat. Thank you."

May tinawag naman si Xandros na kung sino matapos din nitong mag-order ng kung anu-anong pagkain sa menu."Carl, ikaw na ang magdala ng mga 'yan kina Xynn. Pakisabi mabulunan sana sila."

Napakamot lang ng ulo ang tinawag ni Xandros na Carl."Ah ... Okay? Sige po, Governor Kureusawa."

"Xandros," pagtatama nito. Lumingon ito sa kanya pagkatapos."Van, una na'ko, ha?"

"Oh? Saan ka nanaman pupunta?" tanong niya.

Humikab ito bilang sagot."I'm sleepy. Sige, ah? Bye." anito't saka umalis.

Napailing-iling nalang siya."Sweetdreams, Xandros."

Napagdesisyunan niyang bumalik na sa table nila ng mga kaibigan niya nang ma-finalize ang order nila. Napahinto lang siya ilang metro mula doon nang makita ang mga kaibigan niyang kausap si ...

"Hoy, Iev! Ikaw na lalake ka, ha? Tapatin mo nga kaming unggoy ka, walanghiya ka talaga. Kayo na ba talaga ni Nicky, ha?" malditang tanong ni Ziella."Sumagot ka ng matino dahil kita mo 'to? Nakikita mo?" tinutok nito kay Iev ang tinidor na hawak nito."Sira 'yang mukha mo kapag nagloko ka."

Tumango-tango sina Frea, Aria at Micah bilang pag-sang ayon sa plano ni Ziella.

Napakamot nalang ng ulo ang binata at tila hindi alam ang sasabihin."Eh? Teka ... Papatayin niyo ako kapag wala akong sinabi, tama ba?"

Nagsitanguan sina Ziella.

"Eh?" tila nag-isip pa ito."Repeat the question nalang, Zie."

"Eh kung tusukin na kita ngayon?" inis na sabi ni Micah.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon