Chapter 8-1: Wounds

22 1 0
                                    

CHAPTER EIGHT 1: "I wish I should've said yes. I wish I was able to say I love you."

"Badtrip!"

Natawa nalang si Vanessa nang makita niyang hindi na makapagtimping, pinagtatapon ni Iev ang mga lanterns na nasa harap nito."Mukhang may isa pa palang natitirang bagay sa mundong ito na hindi kayang gawin ng isang Chronus Governor, ah," ngingiti-ngiting komento niya.

Binalingan siya nito. Matalim ang tingin."We're not perfect. Nobody is."

She rolled her eyes."Cliche."

"But true," dugtong naman nito saka namaywang pagkatapos."Besides, screw those freakin' lanterns. Damn! Those lantern suppliers should've just assembled it from the very start. Hindi gan'tong tayong mga mamimili pa ang napeperwisyo. Tayo na nga 'yong nagbabayad, tayo pa 'tong nahihirapan." Napaismid ulit ito nang muling tapunan ng tingin ang mga lanterns. Wari'y sobra-sobra ang pagka-disgusto nito sa mga dekorasyong iyon. Na sa kasalukuya'y, nagkalat na sa sahig.

"Hayaan mo, 'wag kang mag-alala, kaibigan. Ipapanukala ko iyang hinaing mo sa Senado sa susunod na pagbubukas ng sesyon," natatawang biro niya.

He smirked."Ha-ha. Funny."

She chuckled."Chill, men. Ang dugo mo. Tumataas na."

Naglakad ito patungo sa table kung saan siya nama'y nag-aayos ng mga artipisyal na bulaklak na gagamitin din nila para sa pagpapaganda ng venue. Pinagsisipa nito ang mga nadaraanang lanterns."Screw you, lantern. Get a life!"

Napailing nalang siya nang makarating ito sa lamesang inuukopa niya."Malala ka na, Pre. Pati lantern kinakausap mo?"

His lips twitched a bit."Wala akong ka-talent talent sa mga ganitong gawain. Screw it."

Napabuntong-hininga siya."Doon ka nalang kina Maggie. They're cooking dinner," suhestiyon niya."Hindi mo naman trabaho 'yang mga lanterns, eh."

"They're talking over some girly stuffs there. I don't want to incorporate myself with drama's against my kind."

Natawa siya sa sinabi nito."Hm. Fair enough. Doon ka nalang kina Marcus. They're trying to build some posts. Atleast they're all a bunch of dudes. You can, for sure, incorporate yourself on drama's against my kind."

"We don't do that. Isa pa, galing na ako doon kanina and ..." naningkit ang mga mata nito."Hey! Are you trying to drive me away from here?"

Sandali niya itong sinulyapan bago muling ibinalik ang tingin sa mga bulaklak."Nuh-uh. I'm trying to help you."

Humalukipkip ito na parang bata."Dito lang ako."

"Bahala ka."

Nasa loob sila ng pinakamalaking Function Hall ng Saint John University na sakop ng Northeast Division kung saan gaganapin ang Acquaintance Ball. Tatlong araw nalang at Ball na. Kaya naman puspusan na ang paghahanda at pagsasagawa ng Planning Board ng mga gawaing dapat pang bigyang pansin para sa darating na event. Tinututukan nila maging ang mga pinakamaliliit na detalye. Lahat sila may pinagkakaabalahan. At dahil ilang araw nalang bago ang nasabing malaking event, napagkasunduan ng lahat ng miyembro ng Planning Board, maging ng lahat ng mga may kinalaman sa gaganaping Acquaintance Ball, na mag-overnight sa SJU. Para mas mapadali ang pagtatapos at maisagawa na agad lahat ng kailangan pang gawin.

Noong mga nakaraang linggo, kung saan kasa-kasama niya halos oras oras si Iev, napatunayan niyang wala na nga talaga siyang magagawa pa para sa nararamdaman niya sa binata. Napagtanto niyang sa tuwing pinipigilan niya ang nararamdaman niya, mas lumalakas lang ito. And so, hinayaan niya nalang. Wala din namang makakaalam at walang makakaalam. Except for her bestfriends, of course. Isa pa, maayos narin naman ang pakikitungo nila ni Iev sa isa't-isa. Nag-aasaran at nagkukulitan. They're good friends now. If not good, Well, atleast they consider each other as friends, more likely. It's a good start. Hindi pa lubusan pero unti-unti niya naring tinatanggap na hindi na nga talaga posibleng bumalik pa ito sa kanya. Hindi na din siya umaasa. Nasasaktan siya tuwing kasama ni Iev si Nicky. Hindi niya naman talaga maiiwasang masaktan lalo na't palagi silang magkasama ng binata. Pero hindi niya na gaanong pinaparusahan ang kanyang sarili. Wala din naman 'yong maidudulot na kapaki-pakinabang sa kanya.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon