Chapter 8-2: Healed

23 1 0
                                    

CHAPTER EIGHT 2: "Will you take me?"

"Okay! Find your partners, people! We're about to start. Gather round. C'mon!" Tonette clapped his-or her-nail-polished finger nails, calling for their attention. Ito ang baklang kasama nila na siyang magtuturo sa kanila ng sayaw para sa Acquaintance Ball.

Agad naman na nagkagulo ang lahat dahil sa paghahanap ng kani-kanilang kapareha.

Nilapitan niya ang kaibigang si Marcus."Marcus, tara partner tayo, gusto mo?"

Napakamot ito ng ulo."It'd be an honor sana, Van-van. Pero fixed na kung sino ang mga magkakapareha, eh."

Kumunot ang noo ni Vanessa."What do you mean?"

"May ginawa na silang listahan ng mga magkaka-papareha kanina. Nasa bulletin board ata."

"Ah, ganoon ba? Okay, sige. Thank you, Marky."

"Basta ikaw, Van-van, walang problema," nakangiting wika nito.

Nagtungo na siya sa bulletin board pagkatapos magpaalam kay Marcus. She approached it, tracing each name on the list by hand."Marcus and Kayla ... Gelo and Shey ... Georgy and Kim ... Me and ..." Natigilan siya nang mabasa kung sino ang kapareha niya.

"Me and ..."

"Iev."

"Vanessa."

Napasinghap siya at napalingon sa nagsalita.

And again, there he was. Standing. Staring straight to her eyes. There was something. Really something about the way he looked at her.

'Now what's it this time, huh? Tama na. Please lang naman!' she could hear her inner Vanessa yelling at her with exasparation.

Kung ganoon, hindi pa pala tapos sa pakikipaglaro sa kanila si Kupido. Re-opened scars and wounded hearts weren't enough, eh? Ngayon, pinag-partner pa talaga sila.

Ilang sandali din silang nagtitigan lang. Walang nagsasalita. T'was like, their silently studying each other.

Buti nalang at lumapit si Tonette sa kanila kundi walang mangyayari't buong gabi lang silang magtititigan. And just the thought of it makes her whole system cringe. She can't stand Iev's queer and gawky stare. Not after their latest conversation. Kung pwede nga lang sana, huwag silang magkita at magkalapit ngayon, eh.

"Bravo!" ani Tonette na nakangising pumapalakpak-palakpak pang lumapit sa kanila. "Look at you two! Bagay na bagay nga naman talaga. Tama lang na pinag-partner ko kayo! Bonggabells ang beauty ko!" Hinila sila ni Tonette sa gitna ng dance room."Since kayong dalawa ang heads ng event na ito, nararapat lamang na kayo ang magkapareha, diba?"

Napadako ang tingin niya sa kaibigang si Ziella. Nakatingin din ito at halatang nag-aalala na para sa kanya. Her friend mouthed,'You're gonna be okay. Be strong.' Marahan lang siyang tumango dito.

"Teka, before anything else, Vanie, Fafa Iev, okay lang ba sa inyong dalawa na kayo ang magka-partner? Baka may mga ka-churvahan, ah. Mahirap na. Ang wrinkles natin, alalahanin!"

Iev looked at her while answering."Nah. It's fine."

Pumalakpak ulit si Tonette."Bongga!" Bumaling na ito sa kanya."And you, Van?"

"I ... Ah, ahm, yeah. It's okay."

'Talaga? Okay? Sure ka, ha?' sarkastikong singit ng isang bahagi ng isip niya.'Pakatatag lang, Van.'

Nagpatuloy sila sa pagpa-practice. Napaka-awkward para sa kanya ng sitwasyon nila ni Iev ngayon. Hindi ito nagsasalita. Hindi ngumingiti pero hindi rin naman ito nagsusungit.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon