Chapter 9-2: Everyone intervenes

30 2 0
                                    

CHAPTER NINE 2: "Remember our buddy Grey?"

Nagkakasiyahan ang munting grupo nina Luiex sa The Chamber-isang bar na pagmamay-ari ng pinsan ni Xynn. Naisipan nilang magtipon-tipon doon because from the looks of it, they're all just bored with each of their lives. So they decided to get together and ... Well, mess each others boring life. Ano pa nga ba?

"Hoy! Bawal ka niyan, bata. Mag-iced tea ka nalang muna!" Inagaw ni Avex ang baso ng alak na iinumin na sana ni Kyder at pinalitan iyon ng isang basong puno ng iced tea. Kyder was the youngest of their bunch.

"Oo, nga. Bawal sa mga minor 'yan," segunda ni Xandros."Baka mamaya mai-report kami sa Bantay Bata. Gusto mo ng tubig?" Inilahad naman nito ang isang baso ng malamig na tubig."Teka, paano ka nga ulit nakapasok dito? Bawal ang mga bata dito, ah."

Siyempre, hindi naman magpapaungos si Kyder sa mga ito. They've grown not to take any of their inside jokes seriously. In short, wala silang pikunan. Sanay na sila sa isa't-isa."Anong bata? Baby faced lang 'to, mga tsong. Inggit lang kayo. Mga matatanda talaga, oo." Umiling-iling pa ito.

Luminga-linga sa paligid si Janus."Matatanda? Sinong matatanda? Kayo? Ay, oo. Ang guwapo ko nga naman talaga."

"Connect?"

"Wala. Ang guwapo ko lang talaga."

"Pwe! Naiihi ako sa'yo, bro."

"Ano? 'Wag mong sabihing kinikilig ka sa mga sinabi ko?" Pumalatak si Janus."Sabi na nga ba't may lihim ka ring pagnanasa sa kakisigan ko, Evan beybe!"

Binato lang ito ni Evan ng isang sliced lemon."Gago ka! Si Xynn ang 'kras' ko." Nilingon nito ang kanilang nananahimik na leader."Xynn, my labs! Pa-kiss!"

Ito naman ang binato ni Xynn ng iilang sliced lemons."Ulol. Hindi tayo talo."

"Hindi siya maka-bromance, aking sinisinta," muli'y wika ni Janus."Paano ba 'yan?"

"All is fair in love and war, Xynn. Don't you know?" madramang tanong ni Evan."Ouch. Masakit sa dibdib. Mamamatay na ata ako. Uno, i-CPR mo nga ako dali! Muah. Muah."

Hindi ito pinansin ng tinawag. Ngunit tinapik-tapik naman ni Avex ang bakanteng puwesto sa gilid nito."Ika'y pumarito nang ating malunasan ang iyong karamdaman na dulot ng iyong kasawian." Ngumisi ito."Uy, rhyme 'yon! Sa tingin ko talaga, great great grandfather ko si Balagtas. I'm so proud of myself."

"Don't talk, Avex. Mas lalo lang nawawalan ng sense ang usapan nating ito, eh."

"Oy, May sense ako, ah."

"Weh?"

"Oo. Sa katunayan meron nga akong five senses, eh. Sense of sight, sense of smell, sense of touch--"

Nagkanya-kanya na sila ng bato rito ng mga bagay na puwedeng maibato.

"Joke mo, 'tol, bulok!"

"Okay lang. Cute naman." Nag-pose pa ito dahilan ng pag-ulan na naman ng kung anu-anong bagay papunta sa direksiyon nito. Nagmukha na tuloy itong life-sized lemon ... Basurahan. Napailing nalang siya. Sino nga bang mag-aakala na sa loob ng kanilang paaralan, ang grupo nila ang pinaka-nirerespeto at pinaka-tinitingala ng lahat? They're Chronus Governors yet, there they are. Daig pa ang mga bata kung magbiruan. Goes to show, behind their paramount and pantheon images, they're still human. They laugh, and they joke.

"Oo nga pala," ani Xandros. Napalingon sila dito."Bakit kulang tayo? Where's Iev?" Himalang gising ito nang mga oras na iyon. Luminga-linga pa ito sa paligid."Hindi ba darating ang isang 'yon?"

"Bakit? Nami-miss mo?"

"Oo, bakit? Selos ka?"

Madramang hinawakan ni Avex ang dibdib nito."Palagi mo nalang talagang pinagdurusa ang aking damdamin, Hapon ka. You're so masama. Pakiss nga."

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon