Chapter 6: Family

28 2 0
                                    

CHAPTER SIX: "Don't worry. Mas bagay parin kayo ni Monyong mo!"

Abala si Vanessa sa pagta-type ng post article niya para sa School Paper ng SJU nang biglang mag-ring ang cellphone niya.

It's a call from Carly. Nagtatakang sinagot niya iyon."Yes, Hello?"

"Van, Vanie, Vanessa! I need your help!"

Medyo inilayo niya sa may tainga niya ang cellphone dahil sa lakas ng boses ng nasa kabilang linya."You're destroying my eardrums, Carly."

"Oh, sorry, sorry." Kalmado na ang boses nito."Vanie, may lakad ka ba bukas?"

"Bukas?" she checked the calendar."Hm. Tomorrow's Saturday. Wala akong klase. It's weekend kaya I'll be going home for dinner at my parents place. During the day, nandito lang ako sa apartment unless mag-grocery kami nina Frea. Bakit?"

Tumili na naman ito."Van, pwedeng pahinging favor? I swear. Ito lang talaga. Pwede ba?"

"As long as you stop shouting and if kaya ko, bakit naman hindi, 'di ba?"

Carly shouted once again. Napabuntong hininga nalang siya. Bawal ba itong hindi muna magsisisigaw?

"Ano ba 'yang favor mo, Ly?" maya-maya'y tanong niya.

"Eh, kasi ... Me and JC's suppose to go taste-testing to different restaurants tomorrow to finally pick our official caterer for the Ball. Kaso, nawala sa isip ko na may family gathering pala kami bukas sa Tagaytay. Hindi ko naman ma-cancel 'yong taste-test kasi naka-schedule na talaga tayo for tomorrow. Nakakahiya din doon sa mga restaurant. Kung pwede lang na hindi ako um-attend sa gathering, gagawin ko, eh. Kaso my Mom insisted since it's also my Grandparents' who-knows-how-many-years anniversary." Carly paused for awhile."Ahm, Van, can you ... Ah, you know, ikaw nalang muna ang pumalit sa akin, pwede? Promise babawi ako, I swear! I tried asking the others kaso stuck din sila bukas para sa preparation ng venue."

So ... tinuringan pa naman siyang head ng planning board tapos siya pa pala 'yong walang ginagawa? Nahiya tuloy siya."Sige. Payag na ako. Kaming dalawa ni JC, diba?"

She heard another shout."Yes, yes, yes! Bukas ng seven. Sa labas ng gate three kayo magkikita. He'll bring his car kaya don't worry sa transportation," masayang sawika nito."You're an angel talaga, Van! Thank you talaga! I owe you."

"Oo na, oo na. Tumigil ka na nga sa kakasigaw diyan. Binubulabog mo ang buong solar system, eh," saway niya dito.

"Ito naman. I'm just happy."

"That doesn't mean you have to shout. Dinaig mo pa ang mga speaker ni Lial, eh."

"Grabe ka naman, Van. Uy, anyway, ang ganda ng design mo para sa venue, ah. Inspired?"

"Inspired ka diyan. Wala nga akong ikaka-inspire sa sarili ko, eh," sagot niya saka inabot ang pizza sa gilid ng laptop niya't sinubo iyon.

"Ayan kasi. Palaging nasa huli ang pagsisi, My friend."

Napairap nalang siya. Alam niya na ang patutunguhan ng usapang iyon."Whatev's, Carly."

Ngunit hindi parin ito tumitigil."Isn't it a bit awkward? Iev's dating Nicole who's Niccolo's little sister."

Napataas ang isang kilay niya."Ano namang kina-awkward 'non? Hindi naman nagkakalayo ang edad ni Nicky at ni Iev. Ikaw talaga, Carly."

"Eh, kasi ... You're friends with Niccolo. Don't you think he should--"

"Carly. 'Wag nating pakealaman ang mga bagay na hindi natin concern," she said trying to stop her friend from blabbering about the issue."O siya, tomorrow at seven, gate three. I'll be there. Tatapusin ko na muna 'tong ginagawa ko. Bye na."

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon