"It's not you, it's me."
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Wala na bang mas gagasgas pa sa line na yan? Ano ba Zilj ?!"
Napasabunot naman sya sa ulo nya.
Hindi ko sya maintindihan. We should be celebrating our first year anniversary pero heto kami sa gitna ng kalsada sa ilalim ng tirik na tirik na araw, nagbabangayan.
He's been weird since Monday so hinayaan ko sya because I thought he needed space.
Pero peklat naman! Friday na pero ganyan parin sya.
He didn't even bother to great me or kiss me like he always do during our monthsaries.
"Anna naman..."
"Don't call me Anna!"
Because you always call me princess... have you forgotten?"Please don't make this hard for me. "
Umiling lang ako.
"I can't understand... may problema ba tayo? Ano bang nagawa ko? "
Sya naman ngayon ang umiling. Pawisan na ko't sumasakit na yung balat ko sa sikat ng araw pero wala na kong pakialam. Masayang man yung glutathione keme lang.
"I... I can no longer be your prince.. "
Hindi ako nagsalita. Hinihintay ko lang na sabihin nyang joke lang or dagdagan ng kung anong banat para pakiligin ako.
Nakatitig lang ako sa bughaw na mga mata nya. Hindi ko inaalis yung tingin sa mata nya.. pero umiwas sya.
Mas gusto nya pang titigan yung sasakyan nya kesa sakin.
"Hey... stop this nonsense. Umuwi na tayo prince...."
Akmang papasok na ko sa sasakyan nung magsalita ulit sya. His words crushed my heart into million pieces.
"I need to marry Brittany.. she's pregnant.. and I.. I am the father.. "
Ang sakit naman ng joke na yun. Peklat ha! Hindi nakakatawa..
"Umayos ka prince.. Hindi na ko natutuwa. "
Tuluyan na kong pumasok sa loob ng kotse.
Ilang minuto akong naghintay bago sya sumunod. Akala ko balak pa nyang magmoment sa gitna ng kalsada.
Tahimik lang kami habang nagdadrive sya. Kaso di ko matagalan yung ganito.. hindi naman kasi kami ganito, madalas kahit walang kwenta pag uusapan namin.
Nagbilang nalang ako ng mga puno sa dinadaanan namin. Effective naman kasi nakarating kami sa bahay ko ng hindi ko namamalayan.
Agad na kong bumaba sabay bukas ng gate. But to my surprise, hindi si yaya yung sumalubong sakin.
"Michelyn.. I need to tell you something."
It's Britanny, my cousin.
Wala akong balak makipag usap sa kanya ngayon dahil nag iinit ng bongga ang tuktuk ng bangs ko, baka di ko sya matantsa.
"Come on Bree. I already told her. You need to take a rest. Hindi makakabuti sayo kung- "
"Wala kang sinabi."
Nagdidilim na yung paningin ko at gusto ko ng sapakin yung lalakeng nasa likuran ko.
"I will tell you everything couz."
Akmang hahawakan ako ni Brittany kaya tinaasan ko sya ng kilay.
Nakakainis sya! Bakit ba kasi mas maganda sya sakin!! Mas maputi. Mas sexy. Mas malaki ang ammm... ang Boobs!
Uratex na yung foam ng bra ko kaso talo padin!
"Wag ka namang ganyan Michelyn. Wag mo namang pairalin yang makitid mong utak. Look I am trying to explain everything. Pwede bang makinig ka-"
"I am not talking to you Bree! "
Pabalya kong nilingon yung nasa likod ko."Now.You.Tell.Me.Everything.... prince. "
Yamot naman syang lumapit sakin. Hinawakan nya pa ko sa magkabilang balikat.
"Come on cess. Sinabi ko naman na. I need to be a responsible man . Magkakababy na kame. I need to be a good father. I need-"
Hindi ko na napigilan yung sarili ko. I slapped him hard. Nangiginig ako sa galit. Narinig ko pa yung pag awat ni Bree. Matalim ang mga titig na binigay ko kay Ziljan.
Namumungay ang mata nyang nakatitig sakin bakas ang pagkagulat sa ginawa ko.
"You're trying to be a good man kaya niloko mo ko. Kaya binuntis mo ang pinsan ko. Kaya ginago nyo ko. Seriously? ! Sa tingin mo sa gagawin mong pagpapaka ama sa batang bunga ng pagtataksil mo magiging mabuti kang tao? Damn you Zilj! Damn the two of you! You cheated on me! You're hurting me! Ganyan ba ang good man na sinasabi mo?! "
Kinagat ko ng mariin yung labi ko para pigilan yung pagpatak ng luha ko. I wont let them see me cry.
Mabilis kong tinungo ang pinto ng bahay ko .
"Umalis na kayo. Ngayon pa lang naaawa na ko sa magiging anak nyo. Napakamalas nyang kayo ang magulang nya. "
Isang lingon pa ang ginawa ko kaya nakita kong kuyom ang mga kamay ni Zilj habang nakayuko. Nanginginig ang kanyang mga balikat. Si Bree naman ay nakaupo na sa bermuda habang kipkip ang mukha sa magkabilang kamay.
Pilit kong tinatagan yung sarili ko gusto ko silang yakapin pero pano naman yung sakit na nararamdaman ko?
Tumalikod na ko at pabalibag na sinara ang pinto.
