IV

14 3 5
                                    

12am. Inumaga na ko kakasunod sa kotseng sinakyan ng batang yon.

Nakakaasar! Dapat kasarapan na ng tulog ko kung hindi lang sinapian ng pasaway na espiritu ang batang yon at basta nalang sumasama kahit kanino.

Tinamaan pa ng kamalasan at naiwanan ko pa yata yung cellphone ko dun sa table kanina.

Nananakit na din ang mga binti ko sa mahabang byahe. Ang hirap pa'y lubak lubak ang daan. Malayo na nga yata to sa kabihasnan at wala man lang akong matanaw na mga bahay sa paligid.

Mabilis ang naging pagtapak ko sa preno nung biglang bumagal ang sasakyan na medyo malayo sa akin. Hindi ko hinayaang mapansin ako nitong sumusunod sa kanila dahil baka kung anung maisipan nyang gawin sa bata.

Mayamaya pa'y lumiko na naman ito sa makitid na daan na wala ni isang poste ng ilaw.

Napabuga ako ng hangin ng huminto  ang sasakyan sa harap isang lumang bahay.

Mula sa black Audi ay lumabas ang isang matangkad na lalaki na sa tantsa ko'y 5'8 ang taas. Umikot ito papunta sa kabilang pinto at doo'y binuhat ang isang bata.

Gabriel!

Nagngingitngit ang ngipin  ko sa isiping may ginawa ito sa bata kaya wala itong malay.  Paano nalang kung may balak pala ang lalaki na kunin ang mga internal organs ng bata para ibenta or rather ibigay sa anak nitong may sakit at malapit ng mamatay?!

SHIT! ano ba tong napasok kong gulo?

Ilang minuto ng wala sa paningin ko ang lalaking bumuhat kay Gabriel. Nagpaplano pa ko ng kung anong dapat gawin. Dapat maging handa ako lalo pa't may kalakihan ang pangangatawan ng lalaking kakaharapin ko.

"Kailangan ko ng kahit anong pwedeng gamitin pang depensa. "     natatarantang nagkalkal ako sa gamit ko sa likod.

Suklay, pamaypay, at lipstick.  Anak ng pating!  Ni hindi man makakapatay ng ipis tong mga to!

Aish!

Bahala na nga. Nagdasal muna ko bago lumabas sa sasakyan at tuluyang pasukin ang loob ng madilim na bahay.

Ang creepy naman, mukhang hunted house pa yata tong papasukin ko.

Mahigpit ang kapit ko sa tatlong bahay na sana man lang magamit ko laban sa kidnapper.

Juice ko!  Ano bang kagagahan tong pinasok ko?!

Pinagpapawisan na ko ng malapot habang binabagtas ang tatlong hagdan patungong terrace.  Napapapitlag ako sa langitngit na resulta ng kada hakbang ko. Letse! Kailan pa ko naging matatakutin!

Bumuga ako at buong pwersa   na sinipa ang pintuan. Kaso wrong move dahil hindi naman pala naka lock ang pinto kaya tuloy tuloy na bumagsak ako papasok sa loob ng bahay. Sabay sabay ding tumilamsik sa kung saan ang mga 'sandata' ko kuno.

Akmang ididilat ko palang ang mga mata ko ng biglang may matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Shit.

Ito na bang katapusan ko?

Pinilit ko paring idilat ang mata ko para hanapin si Gabriel kaso isang matangkad na lalaki ang nasulyapan kong papalapit sakin.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang naramdamang may tumulong luha sa mga mata ko.

"Wag mong saktan ang bata... p-pakawalan mo sya.."

Tila parang umikot ang paningin ko hanggang sa makaramdam ako ng kirot sa ulo at agarang pagdilim ng mga mata ko. Tuluyan na kong nilamon ng kadiliman.

--
Mabilis ang pagtakbo ko palayo sa panget na yon. My gulay nakakatakot pa sa nakakatakot ang mukha nya. Ang laki ng ilong nya! Nakakatakot na baka anu mang oras masinghot nya ko ng buong buo.

Nanindig ang balahibo ko ng may magaspang na kamay na humawak sakin. Help!

"Layuan mo ko! Wahhh mommy! Wag mo kong hawakan!"

Mas nanindig pa ang balahibo ko ng ngumisi sya at dahan dahang nilapit sakin ang mukha nya partikular na ang ilong nyang nagmamalaki ng sobra sobra. Tumingala pa sya at sinimulang suminghot singhot.

"Wahahaha.. magiging isa na tayo dahil sisinghutin na kita ng buong buo. "

Napatingin ako sa butas ng ilong nya. Shet!  Ang laki talaga!  Pero mas kinagulat ko pa nung mas lumaki pa yon lalo kaya nakita ko mula sa loob ang mukha ni Gabriel.

"G-gab.. gabriel? Gabriel!"

Nahigop na ng ilong nya si Gabriel! At, at ako na ang susunod!

Nilingon ko ang mga bagay na nasa likod ko, baka sakaling may pwede akong hawakan para di tuluyang tangayin ng malakas na hangin na nagmumula sa ilong ng panget na lalaking to.

Isang malaking bakal na nakausli sa pader ang nakapagbigay pag asa sakin. Dali dali akong kumapit don kasabay ng pag angat ng mga paa ko sa ere papasok sa butas ng malaking ilong.

Halos maputol putol na ang litid ko kakatili.

"Mahal wag ka ng pakipot."

Mahal?! Wag mong sabihing...

Dahan dahan ang paglingon na ginawa ko. Anak ng malaking ilong naman! Bat hanggang dito nasundan ako ni Alfredo?!

Napasigaw ako ng bonggang bongga ng matanggal ang bakal na pinagkakapitan ko sa pader. Unti unti hinihigop na ko ng malaking butas ng ilong ni Alfredo.

"Ahhhhhhhh!!!!"

--
Humahangos ako ng magdilat ng mga mata. Nasilaw pa ko sa liwanag na nagmumula sa bintanang nakabukas.

Napangiwi ako sa kumikirot kong ulo. Gosh anu bang nangyari? Bat pati yung Alfredo na yon nanggugulo sa panaginip ko. Ang samang panaginip. Isang bangungot.

Isang tikhim ang nagpalaki ng mata ko.

"Tapos ka na ba sa kamay ko? Baka gusto mo ng bitawan?"

Blue eyes... Zilj.. Kiss. Kiss?

Napalayo ako at napabitaw sa matigas na brasong buong higpit kong yakap kanikanina lang. Bat ko ba niyakap  ang braso nitong lalaking to?

"Sino ka?! Anung ginawa mo sakin? Nasan si Gabriel?!"

Mas gumaan yata ang pakiramdam ko sa pagsigaw ko.  Matry nga ulit.

"Nasaan sya?! Ilabas mo sya?!!!!"

Effective talaga. Nawawala ang kirot ng ulo ko.

"You don't need to shout woman! My nephew's sleeping so please quit  shouting like a crazy woman! Kung plano mong sirain ang bakasyon namin mapipilitan akong ibitin ka sa puno ng saresa ng nakatiwarik!"

Nephew ... bakasyon....

Oh nose!! Nasan na ba yung ilong ni Alfredo! Magpapasinghot na ko! Aish!

----
Lakas tamang update. Malungkot kasi ako kaya pangsiraulo ang update.
Leave a comment please?    

Anna MichielynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon