VIII

11 3 1
                                    

Naglalakad ako sa isang madilim na pasilyo. Pawisan na ko sa mabilis na mga hakbang na ginagawa ko. Hindi ko alam kung may humahabol ba sakin o ako mismo yung humahabol.

Lumakas yung mga yabag ng paa mula sa likuran. May humigit sakin. Hindi na ko makagalaw pa. Malamig na sahig ang sumapo ng likod ko. Parang may dumagan sakin.

Ang dilim dilim pero may nakikita akong pares ng bughaw mata na matamang nakatitig sakin ngayon.

Mainit na palad ang humahaplos sa pisngi ko.

"Zilj?"

Natakot ako nung mawala yung pares ng mga mata. Pero ilang segundo lang ay may dumampi ng malambot na bagay sa labi ko. Maingat ang paggalaw. Hindi ko nagawang ipikit ang mata dahil hindi ko parin makita yung bughaw na mata.

Ilang segundo...

Dumoble yata yung bilis ng tibok ng puso ko nung makita ko uli sya.. sya.. sino nga ba sya?

"Not Ziljan...."

Naging malalim yung halik nya na hindi ko alam kung bakit ko tinugon. Pilit kong inabot yung mukha nya. Hindi ko magawang makilala kung sino sya.

Pero yung mga mata nya...

"Dre-Drego?"

Bigkas ko nung maghiwalay yung labi namin. Hindi nya ko sinagot basta nilapat nya lang ulit yung labi nya sakin at dun naramdaman ko yung ngiti nya.

"Drego..."

"Tita Michy... tita... wake up na."

Mahihinang pagtapik sa braso ko ang nagpagising sakin.

Nakangiting Gab ang bumungad sakin pagdilat ko.

"Tita Michy aalis na daw po sabi ni uncle ninong."

Masyado yatang napasarap yung tulog ko kaya wala sa sariling nayakapko si Gab. Hay... Someday magkakaroon din ako ng little Gab ko.

Pero hindi kay Alfredo! Not gonna happen even in my nightmare.

"Uuwi na ba tayo?"

I have trusted employees kaya I am confident na kahit wala ako dun kahapon, ginawa parin nila yung mga trabaho nila pero dahil masyado na kong napamahal sa trabaho ko, hindi ko rin gugustuhing hindi pumasok ng matagal.

"Not yet tita. We usually stay here for a week. Masaya po kasi dito meron pong ilog dun sa favorite place namin ni uncle ninong. He promised me na magsuswimming daw po kami today kaya po ginising nya po ko ng maaga."

Nanlaki naman yung mata ko bigla. Anak ka nang pusit naman! Nakita nya kong natutulog?! Wala pa naman akong kumot dahil sinolo ni Gab. Manyak talaga yung lalaking yon!

"So it means galing dito si Drego kanina?"

Napaupo na ko sa iritasyon sa lalaking yon.

"Yes tita. He's waking you up nga din po pero hindi po kayo nagising."

Yung lalaking yon!

"And we have a secret po tita. Pero secret lang po namin ni uncle ninong."

Pilyong ngumiti pa si Gab. Anu na namang kalokohan yung ginawa ng lalaking yon! Masama ang kutob ko sa secret nilang yun!

"It's not right to keep secrets most specially to tita, kaya tell me your secret na. Promise i won't tell Drego na alam ko yung secret nyo."

Mabilid namang umiling yung bata. Aba! Well trained ni Drego!

"It's a secret tita."

I rolled my eyes in frustration. Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Gab.

"Please sweetie? Pag hindi mo sinabi, hindi ako sasama magswimming. Sige ka hindi na din tayo maglalaro. Hindi na tayo friends."

Bigla namang parang iiyak si Gab sa mga pinagsasabi ko.

"Wag mong harassin yung bata. It's non-sense, kalimutan mo na yung sikretong sinasabi nya. Mag ayus ka na, ikaw nalang hinihintay namin."

Sabay pa kaming napalingon ni Gab sa may pinto. Nakamaong shorts ito na pinarisan ng puting hapit na tshirt. Bakat tuloy yung katawan nya.

Umatras na yata yung dila ko. Kahapon ihi, ngayon dila. Anong susunod?

Napatuwid ako ng upo nung pumasok sya sa kwarto diretso kay Gab. Naaamoy ko tuloy sya. Bat ang bango nya ang aga aga pa.

Pasimple ko ding hinila yung unan patakip sa nakadisplay kong legs.

Tumikhim muna ko bago magsalita. Pinilit ko ding makipagtitigan sa mata nya.

"Hindi ako sasama at hindi rin ako papayag na tumagal dito ng isang linggo. Kailangan ako sa company ko."

Hindi ko mabasa yung iniisip nya. Bwisit na lalaki! Maduduling na ko kakatitig sa kanya.

"Hintayin mo nalang kami sa labas Gab. Mag uusap lang kami ng tita mo."

Agad namang lumabas ng kwarto si Gab. Napasinghap ako nung umupo sa tabi ko si Drego. As in tabi talaga kaya nakadikit yung braso nya sa binti ko.

Goosebumps!

"Lu-lumayo ka nga!"

Hinampas ko pa sya sa braso kaso tamad nya lang akong tinignan.

"Wag ka ngang maarte, naligo na ko ikaw hindi pa. Hindi ka pa nga nagtoothbrush."

Pangisi-ngisi pa sya habang hinuhuli yung kamay ko na humahampas sa kanya.

"Anung! Wala akong bad breath no!"

Nahuli nya na yung mga kamay ko kaya tinapunan ko nalang sya ng death glare.

Nanlaki yung mga mata ko nung bahagya nya kong itulak pahiga.

"Hoy! A-ano ba! Hoy!"

Pulang-pula na yung mukha ko sa pangtitrip nya! Inilalapit nya kasi yung mukha nya sakin ng dahan dahan. Ramdam ko rin yung bigat nya sa marahang pagdagan nya sakin.

"I thought you wan't to know our secret. Hinaharass mo pa nga yung bata kanina malaman mo lang yung sikreto namin."

Pilit kong iniiwas yung mukha ko sa kanya. Naninindig yung balahibo ko sa hininga nyang tumatama sa mukha ko. Hindi ko nadin maisipa yung mga paa ko dahil dinaganan nya.

"Bwisit ka Drego layuan mo kong manyak ka! Ano bang sikreto nyo ni Gab ha? Oras na makawala ako dito ipapa salvage kita!"

Pangisi ngisi lang naman sya kaya lumilitaw yung pantay pantay nyang mga ngipin. Babangasin ko na talaga mukha nito!

"I'm scared..."

Pang-iinis nya pa.

"Sabihin mo na kasi! Oo na papayag na kong sumama san man kayo pumunta ni Gab mamaya!"

"And you'll stay as long as we're here? Hindi ka na magpapauwe? And you'll cook meal for us?"\

Abat!

"Abuso ka ah!"

"Okay I won't tell you-"

"Fine! I fucking agree!"

Napangiti naman sya sa sinabi ko. Kinulong nya ng isang kamay nya yung dalawang kamay ko saka itinaas sa ulo ko. Yung isang kamay naman nya tumakip sa mga mata ko.

"What the-"

"This is our secret..."

And i held my breath for seconds for what he did.

He....

He claimed my lips!

------

Leave a comment?

Vote?

~Trintrins :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Anna MichielynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon