Kanina pa tulog si Gab na katabi ko ngayon pero ako, heto't mulat na mulat pa.
Hindi ko na sya nagawang tanggihan nung habang kumakain kami ay nakiusap syang matulog sa tabi ko.
Siguro nga dapat ko ng alisin yung pader na ginawa ko sa pagitan namin ng bata.
Wala naman syang kinalaman sa pagtataksil na ginawa sakin ng mga magulang nya.
Masyado yatang naging matigas yung puso ko kaya pati sarili kong pamangkin pinagbuntungan ko ng galit ko.
Dahan-dahan akong bumaba ng kama. Sasabog na yung pantog ko kaya patakbo ko ng tinungo ang cr.
Shit....
Tutuloy ba ko o hindi?
Nasa harap ng cr si Drego at mukhang kalalabas nya lang.
Shit. Shit!
Nakagat ko yung labi ko nung bigla ko nalang maalala yung nangyari kanina.
Pasensya na pantog pero mukhang kailangan muna nating magtiis sa ngayon.
Tumalikod na ko para sana bumalik nalang sa kwarto nung magsalita sya.
"Michy gagamit ka ng cr?"
Harudyosko! Nagawa pa talaga nya kong kausapin matapos kong makita yung.... yun!
"Hey. Ayus ka lang? Tulog na si Gab?"
Bahala na nga! Siya nga hindi nahiya sa nangyari! Sya naman nakitaan hindi ako!
"Ah... oo. Oo tulog na si Gab kaya pupunta sana kong cr."
Mukha na siguro akong constipated sa itsura ko ngayon.
Nagsimula na kong maglakad ulit pabalik ng cr. magvi-violet na yata ako kakapigil ng hininga ko!
"Forget it."
Ay peklat!
Marahan ang ginawa kong paglingon sa kanya. Matamang nakatutok sakin yung bughaw na mga mata nya.
"A-anu yun?"
nagbuga sya ng hangin bago inilang hakbang yung pagitan namin.
Halos manginig pa ko nung hawiin nya yung buhok na nakatabing sa mukha ko.
"Yung nangyari kanina. Yung nakita mo. Kalimutan mo na."
Bahagya pang humaplos yung kamay nya sa pisngi ko bago sya marahang lumayo sakin.
"Bakit?"
Bakit mo ko nilalangding lalaki ka?
Gusto ko sanang idagdag kaso nakakahipnotismo kasi yung paraan ng pagtingin nya.
Pareho sila ni Zilj na blue yung mata pero may iba sa mga mata nya.... hindi ko lang maunawaan kung ano.
"Bakit? Para di ka na mailang. Pero kung hindi mo gustong kalimutan, well, i can't blame you."
Anu daw?
Ganun ba ko kabobo para di sya maintindihan o masyado akong nalunod sa bughaw na mga mata nya?
"Hindi ko gets..."
Parang matatawa naman to sa sinabi ko.
"Hindi mo gets ang alin?"
Aba't malandi talaga! Pangiti-ngiti pa sya!
"Never mind. Anyway, kailangan ko ng gumamit ng banyo. Sana?"
Nung tumango sya, mabilis pa sa alas kwatrong nakapasok ako ng banyo.
Letse umatras yung ihi ko! Wala ni patak na lumabas!
Hindi pa muna ko tumayo sa trono dahil masyado pa kong busy kaka-analyze kung bakit ako nilalandi ng Drego na yun kanina.
Hindi ako assuming! Sadyang napaka-obvious lang naman kasi talaga nung kalandian nya. Kalalaking tao pa naman.
Aba hindi ibig sabihing may pinagmamalaki sya makukuha nalang nya ko ng ganun-ganun nalang. Pangarap ko naman kahit papano na mayaman yung makatuluyan ko. Mayaman ba sya?!
Sabagay, pinsan nya si Ziljan and mayaman yung kumag na yon so maybe mayaman din si Drego. Alangan namang ako pa yung bumuhay sa kanya pag nagkatuluyan kami no!
Ay gaga! Ang layo ng narating ko ah! Magkatuluyan agad? Agad-agad?
Natigil ang pag-arangkada ng kagagahan ko nung may biglang kumatok sa pinto.
"Ay pekas!"
"Hey Michy ayus ka lang?"
Anu na namang kailangan nya?! Mabilisan kong itinaas yung slacks ko. Isang araw pa, manggigitata na talaga ko.
Mga nakatuping damit yung nabungaran ko pagkabukas ng pinto.
"Alam ko hindi ka na komportable dyan sa suot mo."
Ngumuso pa sya sa damit ko na kahapon ko pa suot.
"Salamat. Kanino to?"
Inabot ko na yung ipapaheram nyang damit sakin. Sa wakas makakaligo na ko! Isa kang anghel Drego.
Malanding anghel pala. Humaplos na naman kasi yung kamay nya sa kamay ko pagkaabot ko nung damit.
"Sa kapatid ko yan. Dadalhin ko nalang sa kwarto mo yung ibang damit nya na pwede mong isuot."
"Hindi ba sya magagalit na susuotin ko yung damit nya?"
Umiling lang sya bago nagpaalam na kukunin nya na yung iba pang damit.
Ipinatong ko muna yung bigay ni Drego sa taas ng maliit na cabinet ng mga shampoo at sabon.
Lagpas isang oras din yata yung ginugol ko sa pagligo bago napagpasyahang magbihis na. Hindi naman halatang namiss kong maligo no?
"What the fudge...."
Maong na short na humaba lang yata sa panty. Bakit ganito?! Hindi naman sa di ako nagsusuot ng ganito, in fact marami rin akong shorts na ganito, ang kaso naiilang pa ko sa prisensya ni Drego!
Tinignan ko pa yung ibang isusuot ko.
Hanging blouse na white. Okay naman to. keri lang.
Floral na bra. Ayus lang matatakpan naman ng blouse.
Ay pusit!
Nanlaki yung mga mata ko sa huling piraso ng damit na pinaheram sakin.
Thong?
Hindi ako nagsusuot ng ganitoooo! Kapirasong sinulid sa likod! Pucha! Sasakalin ko talaga yung nakaimbento nito!\
Pikit-mata ko nalang sinuot isa-isa. Feeling ko tuloy may pa-booking ako ngayong gabi sa outfit ko.
Pagkalabas ko ng banyo nagsitaasan yung balahibo ko nung umihip yung hangin. Mabilis kong nayakap yung katawan ko.
Tengene eng lemeg!!!
---
trintrins :)