III

14 2 0
                                    

"Come on mom. Pwede naman matapos yang party na yan kahit pa wala ako. "

Kanina ko pa hinahampas yung manibela ng sasakyan ko para pigilin yung inis ko sa mag asawang pumepeste ng buhay ko starting 5 years ago.

" We'll wait for you."

Mas mariin yung pagkakasabi ngayon ni mommy di tulad kanina. Aangil na naman sana ko kaso pinatayan  na nya ko ng phone.

Nakagat ko nalang ng mariin yung labi ko saka mas binagalan pa ang pagdadrive. Ilang busina ang natanggap ko sa mga drivers na kasunod ko pero pakealam ko ba. Maya maya'y napalingon ako sa mga taong naglalakad sa kalsada. Napapangisi nalang ako pano ba naman mas mabilis pa ang lakad nila kesa sa pagdadrive ko.

Pinagtitinginan na  tong black Audi ko . Heavy tinted naman kaya hindi nila ko makikilala.

Pero kahit ganong kabagal ang pagdadrive ko nakarating padin ako sa impyerno- I mean sa bahay ng mga Hidalgo.

Nakasimangot akong bumaba sa sasakyan ko saka tamad na nagmartsa papasok sa malaking bahay na balita ko'y ang mag asawa pa ang magkatulong na nagdisenyo.

Saglit akong sumulyap sa wrist watch ko. 8:15pm.

Muli kong binalik ang tingin sa bahay na nasa harap ko. Ito yung tipo ng bahay na gugustuhing tirhan ng isang buong pamilya. Napakalamig sa mata ng kulay beige na pintura nito.  Simple pero maganda - este panget! Ang panget ng bahay!

Marahan akong pumasok sa bahay at hinahanda ang sarili ko sa magiging sermon ni mom.

"Finally she's here. Let's start the party!"

Ano daw ?!

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa mga batang tila  biglang nabuhay mula sa pagkakadukdok sa maliliit na lamesang para sa kanila. 

"Our first game is 'bring me!'"

Nagtilian naman ang mga tsanak.

Seriously?! 

Magsisimula palang talaga sila ???

Isang tikhim mula sa gilid ko ang nagpabalik sakin sa wisyo.

"You made it Michy  .."

Hindi ko alam kung lilingunin ko ba yung nagsalita. Parang biglang naging sariwa na naman lahat ng nangyari. Nahihirapan akong huminga. Feeling ko nakakulong ako sa napakasikip na lugar.

"She made it,yes. But my dear anung nangyari't ginabi ka?"

Inangat ko ang tingin ko para hanapin si mom. At ayun, nakataas ang isang kilay pero bakas naman ang pigil na ngiti sa labi.

Sa tabi nya nakatayo si Ziljan. Hindi na ko nag abala pang tapunan sya ng tingin. Hindi nya deserve ang sulyap ko. Para lang sa gwapo ang mata ko at hindi sya gwapo. Panget sya!

"Mom i'm famish."

Nakasimangot akong lumapit at yumakap kay mommy.

"Ikaw talaga para ka paring bata. "

Nagpatianod nalang ako kay mommy nung yakagin sa kitchen. Hindi rin lingid sakin na nakasunod samin si Ziljan.

"Please  serve  the food for kids yaya Isa. Pakitulungan nalang muna sya kuya Ambo asikasuhin ko lang ang birthday boy sa kwarto nya."

Nabungaran namin si Bree sa kusina na abala sa pag aayos ng kung anu-ano.  Napairap nalang ako nung makitang lumapit sa kanya si Ziljan at yakapin sya sa likod.

Go get a room!

"Oh couz nakarating ka!"

Gusto ko sabihing wala ako dito kaso takot ako sa batok ni mommy.

Peke ang ngiting ginawa ko. Kung wala lang talagang ibang tao dito asa silang ngitian ko sila.

"Tita i'll just go upstairs gigisingin ko lang si Gabriel."

Tumango naman si mommy. Inabala ko naman ang sarili ko sa pagtingin ng pwedeng kainin. 

Gabriel... hmm, yun pala ang pangalan ng anak nila. 

Hindi naman sa walang nagsasabi ng pangalan ng pa... pa... pamang... damn. Ng batang yon .  kainis lang isipin na kadugo ko pa ang naging bunga ng kataksilan ng dalawang taong sumira ng buhay ko.

"Wag mo namang titigan ng masama yang spaghetti. "

Napasinghap sya sa nagsalita sa gilid nya. Marahang nilingon nya ang lapastangang nagpasiklab pa ng itim na aura na nakapalibot sa kanya. Nakangiti pa to ng todo.  Feeling close ang kumag!

Isang ismid ang binigay ko kay Ziljan bago nagpasyang dumampot nalang ng sandwich sabay labas sa kusina.

"Happy birthday to you. Happy birthday dear Gabriel, happy birthday to you!"

Hindi ko na napigilan ang paghikab ko. Mag 10pm na at nasa huling part na ng party. Kalokang mga bata keliliit pa nagpupuyat na.

Pasimple akong sinilip ang mga taong nasa paligid ko. Halos lahat ay busy sa kanya kanyang pinaggagawa sa buhay. Ang iba'y nag aabot ng regalo sa birthday boy. Ang iba naman pasimpleng dinadampi ang daliri sa tatlong patong na chocolate cake.

Kinuha ko ang pagkakataon para tunguhin na ang sasakyang ipinarada ko sa labas. 

Nasa madilim na parte ang sasakyan ko dahil halos punuin ng ibat ibang sasakyan ang parking maski ang gilid ng kalsada.

Sumakay na ko ng kotse at akmang paaandarin na ang black audi ko ng matanaw ang paglabas ng isang bata mula sa gate ng mga Hidalgo.

Kunot noong tinanaw ko ang batang palingon lingon at tila may hinahanap. Ng matamaan ang mukha nito ng liwanag na nagmumula sa isang paparating na sasakyan na tulad lang din ng sakin ay saka ko lang namukhaan kung sino ang bata.

Si Gabriel. 

Ano namang ginagawa nito sa labas ng mag isa? Wala talagang kwenta ang mga magulang nito para hayaan ang bata na basta nalang lumabas lalo pa't gabing gabi na.

Mas tumindi pa ang pagkakakunot ng noo ko nung huminto sa tapat ng bata ang sasakyan at walang kakurap kurap na sumakay don ang bata saka mabilis na umibis ang sasakyan palayo sa bahay ng mga Hidalgo.

Shit. Bakit sumakay dun ang batang yon?!

Wala sa sariling pinaandar ko ang sasakyan saka mabilis na sumunod sa tumangay kay Gabriel.

"Walang kwentang mga magulang walang kaalam alam sa nangyayari sa anak nila."

Mahigpit ang hawak ko sa manibela habang patuloy na tinatanaw ang itim ring sasakyan na may kalayuan na sa kanya.

I am doing this not because I care for the child. For their child. Hindi ko kailanman matatanggap ni ituturing ang batang yon bilang pamangkin ko.

Kukunin ko lang ang bata pabalik at ipapamukha kay Ziljan at Bree kung gano sila kapabayang magulang.

--
Medyo hinahabaan ko po yung update since di ako makapag update ng tuloy tuloy. Sorna.

Leave a comment. :) 

Anna MichielynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon