Hindi pa ko nakainom pero parang nalalasing na ko sa mga halik nya.
Yes he's a total stranger but i can't hide the fact that he's a good kisser .
Napapikit nalang ako ng mas lumalim pa yung halik nya.
Darn! Go back to your senses Anna!Ramdam ko na ang panglalambot ng mga tuhod ko and anytime dadausdos nalang ako sa malamig na tiles.
Automatic ang pagbukas ng mata ko ng maramdaman ko yung kamay nyang humahaplos na ngayon sa bewang ko.
Daig ko pang nag ice bucket challenge sa panginginig na naramdaman ko.
Buong pwersa kong isiningit sa pagitan namin ang magkabilang kamay ko sabay pabalya syang itinulak.
My goodness! Hinalikan ako ng isang estranghero, at ang masaklap, ginantihan ko ang paghalik nya. Aish!
Natutop ko yung noo ko sa kagagahang ginawa ko. Kasalanan to ni.... ni... ni Alfredo! Oo yung gurang na yon!
Kung di nya sana tinanggihan yung proposal ko para sa business partnership sana namin hindi sana ako maiistress!
At kung di sana ko stressed, hindi ako pupunta sa PLUTO .
At kung di sana ko pumuntang pluto hindi ako basta mahahalikan nalang ng isang estranghero.
At kung di sana ko nasarapan sa halik nya, di ko sana tinugon yung mga halik na binigay nya.
Peste talagang gurang na yon. Makalbo na sana ng tuluyan!
"Hey. Looks like you've enjoyed the kiss. "
Tila natulos naman ako sa kinatatayuan. Napaatras ako ng isa pero pader na agad ang sumapo sa likod ko.
Pilit kong inaaninag yung mukha nya pero bigo parin ako kaya pinili ko nalang na titigan ang bughaw na mga mata nya na nagpapaalala sakin kay prince.. kay Ziljan."Sino ka? Bakit mo ko .... hinalikan?"
Muling nanigas ang katawan ko nung lumapit na naman sya sakin. Naramdaman ko ang pag angat ng magkabila nyang braso at pagdikit ng mga ito sa pader na kinasasandalan ko. Feeling ko isa akong presong nakakulong sa matitigas nyang bisig.
Nilapit nya din yung mukha nya sa mukha ko kaya tumama ang matangos nyang ilong sa may kaliitan kong ilong. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga. Gusto kong tumakbo palayo pero ayaw makisama ng katawan ko.
"I can't believe that asshole. Her wife may be a pro when it comes to kissing but there's something about your lips that makes a man go insane. It's quite addicting."
Isang pagak na tawa pa ang pinakawalan nya bago muling ibaba ang kanyang labi sa nakaawang kong bibig saka parang balewalang iniwan akong natutulala sa gitna ng dilim.
-
Last night was a nightmare.
Una nahalikan ako ng kung sinong pontio pilato, at nung palabas na ko nakabungguan ko naman si Ziljan with Bree and an unfamiliar man having the same color of Ziljan's eyes.
What's with those freaking blue eyes! Nagsipagkalat naman yata sila.
Napaayos ako ng upo ng tumikhim ang lalake sa harap ko na unti-unti ng numinipis ang buhok sa bumbunan.
"So, payag ka na ba Irog? Come on your not getting any younger. My offer will benefit the two of us. Alam naman nating pareho na sa bansang to yung company nating dalawa ang mahigpit na magkatunggali. So if we combine our great ideas malamang magclick tayo not just locally but also in other countries. "
May point naman talaga tong si Alfredo sa mga pinagsasabi nya. For three consecutive years halos magpalitan lang sa pwesto ang mga companies namen sa Philippine's Best Furniture Companies.
My designs embrace the touch of modernity while AFC or Alfredo's Furniture Company has the signature of the traditional furnitures na talaga namang kinagigiliwan ng mga mamamayan and AFC also displays antique furnitures that catches the interest of foreign buyers.
Ang kaso hindi ko lang talaga maatim na kailangan ko muna syang maging asawa bago magmerge ang company namin.
Kaloka sya! Matanda pa nga sya sa daddy ko e. At ako pa talagang sasabihan nyang not getting any younger. Baka magpatiwakal si mommy pag nalamang ikakasal ako sa gurang na to.
"Pwede ba Mr. Go business partner ang hanap ko at hindi asawa. Hinindian mo ang proposal ko kaya hihindian ko din ang sayo. Now I guess we're done with this, I know you're a busy man and I as well have meetings to attend."
Isang singhal ang pinakawalan ni gurang bago lumabas sa office ko.
Ilang minuto palang akong natahimik sa office ko bigla na na naman akong nakarinig ng marahang katok kasunod ang pagbukas ng pinto.
Isang tikhim ang nagpaangat sakin mula sa pagkakadukdok sa ilang papel na pinipirmahan.
"Good morning ma'am, your mother's outside. She wants to talk to you."
"Send her in Myrna."
Marahan kong hinaplos ang bahagyang lukot ng coat ko bago matamis na ngumiti kay mommy.
Agaran ang pagtayo ko upang salubungin sya ng yakap.
"I miss you dear. How are you!"
Masiglang pasimula ni mama.
"I'm fine mom. What brought you here?"
Madalang lang kasi talagang pumunta dito si mommy dahil narin sa hindi sya yung tipo ng tao na iiwanan ang garden nya sa bahay.
"Masyado ka naman yatang pormal pati sakin dear? Remember we're not talking about business here."
Napangisi nalang ako kay mom.
"Anyway, your cousin Bree invited us to attend your nephew's 5th birthday."
Oh damn!
"This time I want you to come. Kahit na may iringan kayo ng pinsan mo, still, pamangkin mo padin yun. Wag mong idamay yung bata sa problema nyo. "
Hindi ko magawang tignan si mom. Yes I know walang kinalaman yung bata pero kasi.. kung walang naging involve na bata hindi naman kami maghihiwalay ni prince.
"I'm busy mom. Kailangan ko pang umattend-"
"Cancel them. I am expecting you tonight Anna Michelyn. "
Wala na kong nagawa nung tumayo si mama at lumakad palabas ng office.
Double damn!!
Ilang okasyon na bang hindi ko inattenand para makaiwas sa kanila?!
Tumayo ako at pinagsisipa yung inosenteng upuan.
Argh!!! Nakakaasar!
---
Ang hirap mag update pag data lang ang gamit . kaloka -____-
Leave a comment please???
