"You're tita Michy right?"
Tuloy tuloy lang ang subo ko sa sinangag at itlog na inihain ni Mr.Blue eyes 2.0 . malay ko ba kasi kung anung pangalan nya. Alangan namang itanong ko. Anu sya gwapo?!
Isang sipa mula sa ilalim ng lamesa ang nagpatigil sakin sa pagnguya.
"Damn! Masakit yun ha!"
Halata ang pagkagulat ng bata sa harap ko at pagkunot naman ng kilay ng lalaki sa tabi nya.
"Careful of your words lady, may bata sa harap mo."
Tinignan ko ang bata na ngayon ay nakayuko nalang at nilalaro ang pagkain sa harap nya.
"The hell I care mister. "
Matalim ang matang ipinukol ko sa lalaki. Nkipaglabanan naman to ng titig sakin.
"Kumakain ang tao bigla mo nalang sisipain. Anu bang problema mo?"
Pigil ko na ang sarili kong wag sumigaw pero nandun parin ang diin sa bawat salitang binitiwan ko .
"The child is talking to you miss! Bingi ka ba?!"
Nagpanting yata ang dalawang tenga ko sa sinabi nya. Aba't ipapahiya pa ko sa bata!
"Hindi ako bingi! Narinig ko sya!"
"E yun naman pala bat di ka man lang sumasagot?!"
"Anu bang pakialam mo-"
Natigil lang ang biritan namin ng inis sa isa't isa ng tumayo ang bata sa harap nya.
"Uncle ninong, tita Michy wag na po kayong mag away hindi na po ako magtatanong. Sorry na po."
Ng iangat nito ang mukha namumula ang pisngi nito at halatang pigil pigil ang pagtulo ng luha. Napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya.
"I'm sorry Gab. Kumain ka na ulit mag uusap lang kami sa labas."
Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Inabot ko nalang ang coffee ko at akmang iinom ng may sumipa na naman sakin mula sa ilalim ng lamesa.
Pinanlakihan ko ng mata ang may sala na ngayon ay nakatayo na.
"Let's talk woman."
Wala na kong nagawa kundi padabog na sumunod sa kanya papuntang terrace.
"Sang parte ba ng mundo kinaladkad ang batang yon ha?"
Nakatalikod sya sakin at nakatanaw sa hardin na hindi naman kagandahan sa harapan nitong bahay. Napakasimple. Parang sa probinsya.
"Wala man lang telepono. At ang nakatutuwa pa, may cellphone ka nga wala namang signal na masagap!"
Kung hindi lang talaga to nagpakilalang uncle slash ninong ng batang yon, iisipin ko talagang kinidnap nya yung paslit. Kaso kanina nilinaw nya, at sinang ayunan naman ng bata that they're here for a vacation.
At sa kabayanihang pagsagip sana sa batang yon, heto ako't hindi makauwi pabalik.
"Pwede ba Michelyn nandito ka na lang rin kasama namin pakitunguhan mo na lang ng maayos yung bata. Pamangkin mo sya. Kadugo."
Medyo nagulat pa ko sa pagtawag nya sakin gamit ang pangalan ko pero mas tumatak sakin yung pagbanggit nya sa relasyon meron ako sa batang yon.
Wala syang alam sa mga pinagdaanan ko. Hindi sya yung sumalo ng bawat sakit na binigay ng mga magulang ng batang yan sakin. My pain doesn't only happened 5 years ago. But rather, it started at that year and until now I am still suffering. Hindi nya alam that every time I look at the child all I can see is Ziljan! Ang tatay ng bata! His stupid cousin!
"If you could just lend me your car aalis ako ngayon din.D-don't worry ipapahatid ko rin naman pabalik sa driver ko."
Mariin ang pagkakatikom ng mga kamay ko. Gusto kong umalis at magkulong sa kwarto ko.
"No."
No? Nag rereklamo sya sa inaasal ko tapos hindi naman sya papayag na umalis ako!
"Come on mister. Kung kakayanin pa sana ng sasakyan ko na makapangalahati lang sa daan pabalik hindi ko na hihiramin yang sasakyan mo pero nakita mo naman diba ? Wala na kong natitirang gas!"
Parang walang pakialam ang itsura nito nung lingunin ako. Nakaanggat pa ang isa nitong kilay at tila napapantastikuhang napangiti ng nang uuyam pagkaraan. Pag ako nainis aahitin ko kilay nya!
"Sino ba kasing nagsabing mag alala ka sa pamangkin mo na nagawa mo pa syang sundan hanggang dito not minding na tatlong oras kang nagdrive matiyak lang na nasa mabuting kamay sya?"
Ngumisi pa ito kaya mas naging gwap- panget pa lalo ito.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo. I have my reasons kaya nandito ako ngayon at wala akong balak sabihin sayo kung anu man yon."
Walang emosyon kong sabi. Pag aalala? Ha! impossible!
"Pwes magtyaga ka kasama kami. Ikaw ang nagdala ng sarili mo dito kaya ayusin mo ang pakikitungo mo lalo na sa pamangkin mo!"
Idiniin nya talaga ang salitang pamangkin bago pabalyang pumasok sa bahay. Napangiwi pa ko ng pumaspas pabalik ang pinto kasabay ng pagkalaglag muli ng isa na namang paso na nahagip nito.
Nanginig ako sa isiping iyong pinto at ang nasaging paso ang sya ring tumama sa ulo ko kanina. Mabuti't mas matigas ang ulo ko sa pasong iyon .
-----