Napabalikwas ako sa pagkakaupo mula sa damuhan ng hardin ng may pumukol sa ulo ko.
Bayabas?!
Naiinis na nagpalingon-lingon ako at ng walang makitang tao asar na tumingala ako sa puno ng bayabas na sinasandalan ko.
"What the-!"
My eyes widen in horror and my jaw touched the ground. My goodness!
Nandun sa taas ng puno si Gabriel habang pilit inaabot ang bunga may kalayuan sa patpating sangang kinatutungtungan!
"Bumaba ka nga dyang bata ka!"
Pigil ang hininga ko habang nakatingin sa kanya. isang ligon ang binigay nya sa akin. His cheeks seem to shine because of his sweat. Ang sarap kurutin ng matatambok na pisngi ng bata. nakapanggigigil! pero kukurutin ko talaga sya sa singit pagbaba nya! Napakakulit!
"Tita Michy, I will pick some guavas for you."
Itinuloy nya na yung pag abot sa bayabas. At sinwerte naman syang maabot yon ng hindi nahuhulog.
"Bumaba ka nga dyan! Hindi ako kumakain ng ganyan. Nagpapagod ka lang bata ka."
Tila lumamlam naman ang mga mata nito ng humarap sa akin. Parang biglang may kumurot sa dibdib ko.
Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya at muling umupo sa damuhan.
"Tita para sayo to."
Hindi ko inangat ang ulo ko para makita ang mukha ni Gab, nanatili akong nakatingin sa maputi nyang binti na hindi mababakasan ng anu mang peklat.
May mantsa ang dulo ng kanyang puting maong shorts na lumagpas lang ng tuhod.
"Why? I mean... why are you giving me those?"
Nguso ko sa bayabas na inaabot nya sakin.
"Because I want you to be my friend tita.. uncle ninong is already my friend, and we also play game. I want to play games with you too, tita."
Wala sa sariling napatingin ako sa bata. Kung sanang-shit! Not now Michielyn!
Kinagat ko ng mariin ang ibabang labi ko ng mapagmasdan kung gano kainosente ng mukha ng bata.
Napabuga nalang ako ng hangin sabay dampot ng isang bayabas sa kamay ni Gab.
Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng saya nung makita ko yung ngiti nya. Umiling ako ng ilang beses sabay kagat sa hawak kong bayabas. Napangiwi nalang ako sa tigas nung bunga.
Hay nako!
"Hindi mo ba nagustuhan tita?"
Lumamlam pa ang mga mata nito at mukhang iiyak kaya napilitan nalang akong pagtyagaan kagatin ulit at paka nguyain ang bigay nya.
"You want more tita?"
Mabilis ang naging pag-iling ko.Aba! Mahirap na at baka ipaubos nya sakin lahat ng pinitas nyang bunga na pawang mga bubut pa.
Tumayo na ko at saglit na nagpagpag ng suot kong slacks na kahapon ko pa suot. Kamusta naman ang amoy ko ngayon.
"Are we going to play na tita?"
Inabot pa nya ang laylayan ng blouse ko.
"Wala akong alam na games. Why not ask... uhm.... your uncle..."
"Drego. Uncle ninong's name is Drego Fontesa."
Drego Fontesa.....
"Let's play hide and seek tita."
Wala sa sariling napatango nalang ako habang nakatingin sa patalon talon na Gab sa harap ko.
"All you have to do is to count from 1 to 10. Then hanapin nyo na po ko nun tita. Bawal pong sumilip ha?"
Pwede ko namang tanggihan si Gab kaso may nagtutulak sakin na pasayahin ang bata. Bahala na nga!
Humarap na ko sa puno ng bayabas bago pumikit at magbilang.
"pito.... walo, siyam... sampu! Game na Gab!"
Palinga-linga ako sa paligid at maingat ding lumalapit sa mga halamanang posibleng taguan ni Gab kaso bigo akong makita sya doon.
"Game na tita!"
Mabilis ang pagtakbo ko papasok sa loob ng bahay . Dun kasi naggaling yung sigaw ni Gab.
Una akong nagtungo sa likod ng sofa, pagkatapos ay sa mga kwarto.
"Uncle ninong wag pong maingay....."
Ha! Sa cr pala sya nagtago ah!
Dahan dahan ang pagtulak ko sa pinto.
"I told you not to play inside the bathroom. Pano kung madulas ka?"
Rinig ko pa ang panenermon ni Drego sa bata bago ko tuluyang maibukas ang pinto.
"Boo!"
Oh my!
Pandesal
.... bat walang damit si Drego!
Parang bigla akong naestatwa nung makitang tanging may kaliitan pang twalya ang tumatakip lamang sa pang ibaba nya!
"Ah!"
Mabilis ang naging kilos ni Gab ng makita ako. Agad syang nagtago sa likod ni Drego. Sa pagmamadali nya nahila nya ang twalya ng uncle nya sanhi para dumausdos yun sa tiles ng cr.
What the!
"Oh Shit!"
Mabilis pa sa alas kwatrong tinabig ni Drego yung pinto pasara. Tigagal naman akong nakatingin na lang sa nakasara na ngayong pinto. Oh. My. Eyes!
Shet ng kambing naman!
Feeling ko pulang pula na yung mukha ko sa kahihiyan. Aish!
"Ang kulit mo kasi. Tignan mo anung nangyari? Puputi buhok ko sayo e!"
Para akong robot na lumakad palayo ng cr.
Pagkakaalam ko wala namang ganoong eksena sa mga taguan e. Hay! Ang mga mata ko!
Pero...
In fairness...
May maipagmamalaki.
Natapik ko ng wala sa oras ang noo ko. Anu bang iniisip ko!
"Let's play again tita?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng may humila sa laylayan ng blouse ko.
"O-ok... pero bawal na sa.... cr ha?"
----
Comments? Reactions? Violent Reactions?
*Trintrins*
