Kakauwi ko lang galing sa trabaho ay nagmadali na akong maligo at magbihis para makapunta dito sa tambayan..
Sumalampak agad ako sa sofa dahil masakit pa ang katawan ko..
Napatingin ako sa bumukas na pinto ng kwarto ng lumabas doon sina Mark,evan,erik at sam na nagtatawanan pa..hindi yata nila ako napansin kaya nagsalita ako
"San na yung iba??" Tanong kong nagpabaling ng tingin nila..hindi talaga ako napansin..hmp
"Uy!dyan ka'na pala Tenten" sabi ni sam at lumapit sa akin para akbayan ako..umirap naman ako sa kanya.."Nasa garden na sila hinihintay nalang sina JAKE tsaka barkada nya.." nakangiti sya sa akin tumataas baba pa ang mga kilay.."aaaray naman!!" Angal nya dahil siniko ko sya..
"Talagang COPSLOCK??huh tigilan nyo na nga kami!!"sabi ko at tinalikuran ko na sila para magpunta sa garden..medyo tahimik pa ibig sabihin wala pang mga tama sa utak ang mga ito..
"Aaaahh andyan na si tenten" sigaw ni mari at yakap sa akin na akala mo ang tagal naming hindi nagkita eh magkatapat lang naman ang bahay namin..napailing nalang ako habang natatawa sa itsura nya lasing na ito sure ako..mahina ito eeh..
Sumunod naman sina mika,ellen,jane,ate toya at bella na pinaka matindi sa aming mga babae sa inuman..pangalawa lang ako..😀
"Ang tagal mo kanina pa kami dito lasing na nga si mari oh." Boro ni bella at nagbeso sa akin ganun din ang ibang babae..
"Hooy bella hindi pa kaya ako lasing!!baka ikaw!!naka isang bote kana ata eeh??" Sabi naman ni mari kay bella na pabalik na sa inuupuan kanina..umirap nalng si mari dahil hindi na sya narinig ni bella
"Anong oras ba kayo nag simula??kakarating ko lang kasi galing trabaho." Sabi ko sa kanila at naglakad na kami para makaupo na sa pabilog naming sofa..hindi ko lang alam kung kakasya kami ngayon ..mukhang marami kami ngayon dahil ang sabi ni ate toya ay aayain daw ni jake yung mga kasama nya sa basketball..si jake at ang kapatid nyang si jack ang barkada namin eeh..
"Kanina pa.. tinext kami ni ate toya kasi may ibabalita daw sya..lahat naman tayo tinex aah" chika ni ella ang tsismosa sa amin..tumango nalang ako at napatingin sa mga paparating ..unang pumasok sina mark at sumunod si jake at jack kasama ang mga barkada nila sa basketball..
Nakatingin lang ako sa mga nagpapasukang mga basketball players ng mapabaling ang tingin ko kay jack at jake..
Nagulat ako ng makitang nakatingin si jake sa akin...tinapik sya ni jack at may ibinulong dito tapos ay tumawa..naalis ang tingin nya sa akin at ngumiti sa kapatid habang umiiling..
"Hooy!problema???" Nagulat ako sa tapik ni mika sa noo ko..hindi ko pala naalis ang tingin ko kay jake asar..yari nanaman ako pag nagkalasingan..
"Huh??aah pagod lang kaya natutulala ako..sakit pa likod ko" sabi ko sabay hilot ng konti sa beywang ko..kumunot naman ang noo nya at ngumiti..
"Pahilot mo kay jake yan,sigurado mawawala yan ahaha" nagsimula na si mika yari na ..malakas pa naman ang bunganga nito..
"Sinong magpapahilot kay jake??" Biglang singint ni jack at kumindat sa aakin...inirapan ko nalang sya..tandem talaga sila ni mika pag dating sa pang aasar eeh..pag umpugin ko kaya itong dalawa??
"Tigilan nyo nga ako!" Sabi ko at kinuha ang baso ko na sinalinan na ng alak ni kuya manuel na jowa ni ate toya..ininom ko agad yun at naramdaman ko talaga ang pag init ng lalamunan ko paputa sa sikmura ko..shiit hindi pa pala ako kumakaen..
Napahawak ako sa tyan ko ng mramdaman ko ang gutom..tatayo na sana ako ng may nagtapat ng pagkaen sa harapan ko..
Napatingala ako sa may hawak nito..
Si jake..
Napairap ako..
Kaya kami inaasar eeh..
Dahil dulo na ako nakaupo ay kumuha sya ng isang upuan at umupo sa tabi ko..pero hindi dikit na dikit huh..inilapag nya sa lamesa ang pagkaen at seryosong nakatingin sa akin..tumaas ang isa nyang kilay
"Eat first."sabi nya
-thank po-