Nung gabing yun..hindi ako nakatulog..umuwi ako sa bahay na ang laki ng eyebags ko...hindi rin ako nakapasok sa trabaho nung monday..pero nung tuesday hanggang friday ay nakapasok naman ako..
Pauwi na ako..parang ayaw ko pumunta sa tambayan dahil alam kong nandun si jake..
Kapag naiisip ko yung mga sinabi ni jake..bumabalik yung pagkagusto ko sa kanya na nilumot na ng panahon..
Kahit naman na matagal na kaming magbabarkada si jake ang hindi ko masyadong nilalapitan dahil nga may gusto ako sa kanya..si jack kasundo ko naman pero si jake??kamakaylan lang lumapit sa akin nung una nyang sinabi na matagal na daw nya akong gusto..
Humiga muna ako sa kama..natutulala ako kapag naaalala ko yung mga sinasabi nya..
Ginulo ko ang buhok ko sa stress na dala sa akin ni jake..
Huminga ako ng malalim bago bumangon sa pagkakahiga para makaligo at makakaen muna bago dumiretso sa tambayan..
Habang papalapit ako sa tambayan napansin kong may nakatayo sa tapat ng gate..patuloy lang ako sa paglalakad..dededmahin ko nalang muna sya..
Lumingon sya sa akin ng mapansin nya ako..napahinto ako ng pag baling nya ng tingin sa akin ay ang lawak ng ngiti nya..
Naramdaman ko nanaman ang pag alburuto ng puso ko..
Nakakainis na talaga..ano ba naman ito..
Nakahinto lang ako na nakatingin sa kanya..hindi ako makagalaw kinakabahan ako na hindi ko maintindihan..
Nakangiti parin sya tapos biglang kumunot ang noo nya..siguro dahil napansin nyang nakahinto lang ako kaya sya na ang naglakad papalapit sa akin..
Sa gulat ko sa paglakad nya ay napaatras ako..ng nasa harapan ko na sya ay ngumiti nanaman sya ng malawak..nakatitig lang ako sa mukha nya..
Kahit mejo madilim dito sa pwesto namin ay nakikita ko ng malinaw ang mukha nya..HD kumbaga..
Nahihibang naba ako??kasi kumikinang sya sa paningin ko eeh..
Nagising ako sa kabaliwan ko ng may tumulak sa akin sa likod kaya napasubsob ako sa dibdib ni jake..my god ang bango nya..
ahahaha feel na feel mo yung dibdib tenten?? Napatayo ako ng maayos sa narinig kong boses ni ate toya..
Narinig ko namang tumawa si kuya manuel..ganun din si jake na nakatingin sa akin..bigla akong nakaramdam ng hiya..
Hindi noh!! Sabi ko at biglang lakad papasok ng bahay..
Dumiretso ako sa banyo at naghilamos..
My god ano ba naman ang nagyayari sa akin..shiit ka talaga jake..
Paglabas ko ay pumunta na ako sa garden..
Kumpleto..at may nadagdag na isa..
Si vince.
Uupo na sana ako ng tawagin ako ni vince
Hey christine dito ka nalang umupo oh.. sabi ni vince na nakangiti..itinuturo nya ang katabing upuan nya..
Ngumiti ako sa kanya at tumango dahil siksikan na din naman sa uupuan ko sana..palapit na ako sa pwesto ni vince ng may humatak sa akin paupo sa tabi ni ate toya sa sofa..
Napatingin ako sa humatak sa akin..
Dyan ka nalang.. sabi ni jake na nakatayo..pinalitan ko ang pwesto nya..
Ok.thanks sabi ko at kumuha ng baso ko..
Napatingin ako kay vince na nakatingin sa akin..sumenyas ako sa kanya na ok na ako sa pwesto ko..tumango naman sya at ngumiti ng bigo..
Pinag usapan na ang plano para sa kasal ni ate toya at kuya manuel..kung anong motif ng kasal kung saan gaganapin at kung ano ano pa..excited na kaming lahat..ng nawala ang topic doon ay inaya ako ni ate toya para kumuha ng pulutan..
Habang abala kami sa pag aayos ng mga dadalhin na pulutan,biglang pumasok si jake.napatingin kami pareho ni ate toya sa kanya dahil gumigewang na sya sa paglalakad.
Ano jake kaya mo pa? Tanong ni ate toya sa kanya..umupo sya at tumango pero sa akin nakatingin..bago sumagot
Kaya ko pa naman ate toya..pero konti nalang makakasapak sa ako.. sabi nito na nagpakunot ng noo namin ni ate toya..
Huh??ano bang sinasabi mo??may kaaway kaba sa barkada?? Seryosong tanong ni ate toya kay jake..na naka titig lang sa akin..umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili ko..
Hindi naman sa barkada ate..
tenten. Napatalon ako sa gulat ng tawagin ako ni jake.
Napatingin muna ako kay ate toya na nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay bago tumango at tumingin kay jake..napabaling na din ako ng tingin kay jake ..
Ooh jake lasing kana..magpahinga kana kaya.. sabi ko ..mapupungay na ang mga mata nya na nakatingin sa akin..nakaramdam nanaman ako ng kaba sa paraan ng pagtingin nya kaya napaiwas ako ng tingin..
Bakit hindi mo ako pinapansin??kanina pa ako nakatingin sayo pero hindi mo ko pinapansin.. hindi ako nakatingin sa kanya habang sinasabi nya ito..nagkatinginan kami ni ate toya..
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na titig parin sya sa akin..para bang inaabangan nya na tumingin ako sa kanya.
Hindi mo rin ako kinakausap.. bigalang naging malungkot ang tono ng boses nya kaya napabaling ako ng tingin sa kanya..
Hindi ako makapagsalita.. ano ba ang dapat kong isagot sa mga sinasabi nya???
Habang nag iisip ako ay nagsalita si ate toya.
Ehhmm ako nalang ang magdadala nito..magusap na muna kayo.. sabi ni ate toya ng nakangiti sa akin.
Kumunot naman ang noo ko..umiling ako at tinignan si jake na nakayuko..
Nilapitan ko sya..
Magpahinga kana jake lasing kana.. sabi ko ..
Hindi pa ako lasing.. sabi nya..nakayuko parin..
Lasing kana..ihahatid na kita sa kwarto nyo..sabi ko..hinatak ko ang kamay nya para makatayo..
Pero hinatak nya pabalik ang kamay ko kaya napalapit ako sa kanya..naramdaman ko ang init na nang gagaling sa kanya..
Nasa bandang tyan ko ang ulo nya dahil naka upo pa sya..
Ano ba jake..tara na lasing kana eeh..hahatid na kita sa kwarto nyo.. sabi ko..hinahampas ko ng isang kamay ko ang balikat nya dahil hawak nya pa ang isang kamay ko..palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang tumatagal na magkalapit kami.
Napahinto ako sa pagpalo sa kanya ng bigla nya yakapin ang tyan ko..nakasubsub lang ang mukha nya at nararamdaman ko ang init ng paghinga nya..
Hindi na talaga ako makagalaw..ano ba jake..parang biglang sumakit yung puso ko..dahil siguro sa sobrang bilis ng tibok nito..
Pansinin mo na ulit ako..plss wag mo ko iwasan..