"Ano bang pake alam mo??" May iritaayon na sa boses ko ng sinabi ko iyon..napailing nalang ako at naglakad na para malagpasan sya pero hinawakan nya ang braso..napatingin ako sa kanya..
"Plss tigilan mo na ying paninigarilyo.hindi maganda.hindi bagay sayo" Sabi nya na ikinatawa ko..ahahaha seryoso???at may plss pa huh??pa fall ka talaga jake..kaya ang dami mong girlfriend's eeh??peto himalang wla syang dala ngayong babae??
Natawa ako tumango sa kanya..
"Opo last na talaga iyon..ok na??" Sabi ko..tipid naman syang ngumiti sa akin..
Hinawakan ko ang braso nya para makapunta na sa barkada..wala nan suang reklamo..nakakapgtakang sobrang tahimik ni jake ngayon..usualy maingay ito lalo na kapag tungkol sa basketball ang usapan..
Nag sigawan ang barkada ng makitang papalapit na kami sa kanila..kumunot naman ang noo ko at umiling ..magsisimula nanaman sila..
"Ayan na ang soon to be couple.." sigaw ni sam nakisabay naman ang iba sa pang aasar nila..umupo ako at tumabi naman sa akin si jake..
"Tumigil nga kayo..!!" Saway ko sa kanila..
"Ano kaba tenten.hindi kana nasanay" sabi ni ate toya..umiling ulit ako.
"Oo nga naman ten.tska bagay naman talaga kayo ni jake eeh iiiiihhhwoooo.."sigaw ni bella mga lasing na sila at alam kong lasing narin si jake dahil pulang pula ng ang leeg at tenga nito..
Pagkatapos sabihin ni bella iyon ay nagsimula nanaman silang asarin kami ni jake na may gusto daw ako kay jake..at ganun din daw ito sa akin..hindi ko nalang pinatulan ang mga sinasabi nila dahila alam ko mga lasing na sila..nawala lang ang pang aasar sa amin ng tumayo ang isang barkada ni jake na basketball player din at lumapit sa akin..medyo nahihilo na rin ako...napatingin ako sa lalaki ng nasa harapan ko na ito..
"Hi!ako nga pala si vince."sabi nito at naglahad ng kamay sa akin ..hindi naman ako isnabera kaya tinanggap ko iyon..
"Christine." Sabi ko ng nakangiti..napansin kong hindi nya parin binibitawan ang kamay ko kaya napakunot ang noo ko..at hinatak ang kamay ko pero ayaw nya talaga bitawan..
Natanggal lang ang pagkakahawak nito ng hatakin ni jake ang kamay ko dito..
Natawa naman ng mahina si vince na umiling at umalis na para bumalik sa inuupuan nya..nakipag apiran pa ito sa mga kabarkada at nagtawanan..
"Tagay mo na.."sabi ni jake..tumango ako..
"Ok.."sabi ko at ininom ang sinalin sa baso ko..
"Kaya mo paba??" Tanong ni jake..tumango lang ako kahit mejo hilo na ako..
Nagkwentuhan kami tungkol sa laro nila kanina..nalaman kong next month na ang championship inaaya nya ang barkada na manood.. pumayag naman ang lahat dahil saturday naman iyon ng hapon...
Nagtatawan na kming dalawa dahil kung ano ano nalang ang napag uusapan namin..
Pinagttripan din namin yung ibang kasama namin na tulog na sa sobrang kalasingan..si bella kumakanta na habang nakasandal sa sofa at nakapikit sa tabi nya naman ay si mika nakasandal sa balikan ni bella tulog na...
Kamo ni jake kumuha ng dahon at kiniliti sila para magising ..tawa kami ng tawa ng naiistorbo namin sila sa pag tulog..nang mapagod kami ni jake ay umupo na ulit kami..nahihilo na talaga ako kaya muntik pa ako matumba..
Buti nalang nahawakan agad ni jake ang beywang ko..pinaupo nya ako ng maayos..
"Mag dahan dahan ka nga..lasing kana eh." Sabi nya..umiling ako
"Hindi..kaya ko pa.."sabi koa at umayos ng upo sabay inom sa shot ko..ganun din ang ginawa nya..umiling sya at tumayo para tumabi sa akin..
Siniksik nya ang sarili nya para magkasya sya..umurong naman ako kaya nabulabog yung mga natutulog..at nagusugan para magkasya kami..
Kinwento nya sa akin na nadapa sya sa kanto kasi natulala daw sya sa isang babae habang naglalakad sya...tawa naman ako ng tawa sa katangan nya..
"Grabe ka ang tanga mo naman..hahaha."tawa ko at umiiling hindi makapaniwala..
"Ano ka'ba jen,ganun talaga kapag titig na titig ka sa babaeng gusto mo."sabi nya habang natatawa
"Sinong jen??yung tinititigan mo??"ahaha sabi ko kumunot naman ang noo nya
"Hindi ba jen ang pangalan mo??"nakakunot pa ang noo nya
Binatukan ko nga..
"Tenten po christine ang pangalan ko..bakit ba palgi ka nalang nagkakamali huh???" Sabi ko..nakaramdam nanaman ako ng hilo.
Isinandal ko ang ulo ko sa sandalan ganun din ang ginawa ni jake ng nakapikit at nakangiti..pumikit na rin ako..umiikot na ang paningin ko kahit nakapikit..
Gnun lang ang pwesto namin ng magsalita ulit sya.
"Masarap ka palang kausap.." sabi ni jake nakapikit lang ako ayoko tumingin sa kanya..bigla nalng nawala yung hilo ko at parang kinabahan ako sa sunod na sasabihin nya.."kasi dati,tamang kwentuhan lang..pero ngayon iba.ang saya ko.kahit magdamag tayong mag usap..ok sakin" nawala na talaga ang pagkalasing ko at mas bumilis ang tibok ng puso ko..ano ba itong sinasabi nito....
"Alam mo bang may sikreto ako.." napadilat akp ng marinig ko iyon at tumingin sa kanya..at nadatnan kong nakatingin din sya sa akin...mapungay na ang mata nya dahil sa kalasingan..
Seryoso syang nakatitig sa mga mata ko..ganun din ako sa kanya..naghihintay sa sunod nyang sasabihin kahit sobrang bilis ng tibok ng puso ko..at pinagpapawisan na..
"Matagal na kitang gusto."