amats

8 0 0
                                    


Sa sumunod na linggo na pagkikita ng barkada tahimik laman ako at hindi nakikipag sabayan sa kwentuhan nila..hindi rin ako masyado umiinom wala kasi akong gana..

Isang linggo na akong hindi pinapatulog kakaisip kay jake..hindi ko alam kung bakit pinuproblema ko pa yung mga sinabi nya..isa pa yung sinabi ni ate toya na nagpa gulo sa isip ko..

Hindi ko naman talaga dapat problemahin iyon..pero dahil matagal ko ng gusto si jake ay parang gusto kong umasa na ganun din ang tingin nya sa akin..

Tulala lang ako sa mga kaibigan kong nagtatawan..napagkasunduan kasi na mag movie marathon habang umiinom..

Pinagtatawan nila yung character sa movie na babae kahit umiiyak ito dahil sa bestfriend nya..nainlove kasi sya sa lalaking bestfriend nya..

"Tang ina mo mahal na mahal kita matagal na tang ina mo!!!"sabi ng babaeng character..

Dahil dun nagtawanan sila lalo..ewan ko ba sa mga ito sa sobrang kalasingan siguro ay wala ng magawa pati pinapanood namin pinagttripan..

Napailing nalang ako..

Biglang pinatay ni ate toya ang tv..

"Ok horror naman.."sabi ni ate toya..

"Ate warm bodies nalang."sabi ko..

"Eeh love story din iyun eeh.."reklamo ni mark

"Oo nga wag na yun!!wrong turn mas maganda..!!"sabi naman ni evan ng nakangiti

"Yuck kadiri kaya yun!!"sabi ni mari

"Ok kung magtatalo lang kayo wag na tayo manood mag inuman nalang.."sabi ni ate toya..

Pumayag naman ang lahat..sayang maganda pa naman yung warm bodies..kainis..

"Ok guys sa labas tayo para mas maluwag.."sigaw ni kuya manuel.

Nagsitayuan na sila para makalipat sa garden at doon ipag patuloy ang pag inom..nanatili lanh akong nakaupo hanggang sa unti unti na silang nauubos dito sa sala..

Nakaupo lang ako at nakatulala walang pumapasok sa isip ko..parang gusto ko nalang matulog sa kwarto at wag ng uminom..

Nakakawalang gana kung iisipin ko pa sya..

Magkakababata kaming magkakaibigan at elementary palang talaga ay gusto ko na sya..

Magaling kasi syang magbasket ball at dahil din dun ay maraming nagkakagusto sa kanyang magagandang babae..

gusto ko sya pero hindi ko pinapahalata ayoko kasing mailang sya sa akin..bihira lang din kaming magpansinan..kasi nahihiya ako na baka kapag naging madaldal ako sa harap nya ay maturn off sya sa akin..

Ginulo ko ang buhok ko sa mga naalala ko..

Ayokong mag assume na may gusto sya sa akin.kumpara sa mga naging gf nya mas maganda sila sa akin..marami din namang nagsabing maganda ako pero hindi ako naniniwala kasi karamhinan sa kanila ay mga kaibigan ko o kaya ay mga nagpaparamdam para manligaw..mga nang uuto ayoko naman magpauto noh.

Napatalon ako sa gulat ng may biglang umupo sa tabi ko..

Inayos ko agad ang ginulo kong buhok at umiwas ng tingin sa lalaking nasa tabi ko..

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay umayos ako ng upo..

Lasing na siguro??

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 11, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Drunk In LoveWhere stories live. Discover now