Nagising ako na nasa kama na ako..panaginip lang ba yung kagabi??
Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maligo..may mga gamit naman kami dito kaya walang problema.
10am na pala??anong oras ba kami natapos kagabi??tska paano ako nakapunta sa kwarto??
Pagkatapos kong magbihis ay itinali ko na ang buhok ko kahit hindi pa nakasuklay..bumaba na ako at habang pababa ako ay narinig ko ang ingay sa baba dahil sa tawanan..
Naabutan ko silang nagtatawanan sa sala habang kumakaen dahil hindi rin naman kami kakasya sa dining area nandito parin kasi yung mga barkada nila jake ...
Naalala ko nanaman yung sinabi ni jake kagabi??totoo ba yun??o lasing lang sya kaya nya nasabi yun??haaay hindi ko na alam..inalis ko muna yun sa isip ko at umupo sa tabi ni bella na hinihilot pa ang sentido nya may hangover pa siguro..
"Pahinga ka muna." Sabi ko at sumubo ng kanin at ulam galing sa plato nya..nginitian nya ako
"Ok lang ako..tska hinihintay lang namin si ate toya tska kuta manuel..may sasabihin daw.." sabi nya sa akin..tumango naman ako..
"Tungkol saan naman daw??diba dapat kagabi pa??" Tanong ko..nagkibit balikat nalang sya..
Ilang sandali lang dumating na nga ang dalawa ng nakangiti..nagsimba pala sila..
Nakangiti amg dalawa na humarang sa tv kaya naiirita si sam at binato sila ng ulan..ibinalik naman ito ni kuya manuel kay nakisali na kaming lahat..tawa kami ng tawa sa kalokohan namin..hanggang sa pinatigil na kami ni ate toya..
"Guys wait!!!tama na nga yan!!!"saway nito kaya nagsitigil kami peri tawa parin ng tawa..
"Gusto naming sabihin na magpapakasal na kami ni manuel." Natahimik kaming lahat sa sinabi ni ate toya..napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa sa harapan at
"What??talaga OMG i'm so excited na ate iiihh!!: sigaw ni bella at mika at nagtatalon sa saya..lumapit naman ako kay ate toya at kuya manuel at niyakap silang dalawa..
"Eto nalang talaga hinihintay naman eeh congrats " sabi ko at niyakap sila ng mahigpit..masaya ako para sa kanilang dalawa..matagal na silang mag jowa kaya naman masaya kami na silang dalawa na talaga forever..
Natapos ang araw na iyon na puro masasayang bagay lang ang napag usapan at next week daw ay mag celebrate daw sagot ng couple ang lahat ng gasto..sino ba naman sa amin ang tatanggi??syempre payag ang lahat..
Hindi din kami nakapag usap ni jake tungkol sa sinabi nya dahil pagkatapos ng balita nila ate toya ay nagpaalam na sila kasama ang barkada nya na umuwi ..
Hindi parin nawawala sa isip ko ying sinabi nya na matagal na syang may gusto sa akin..
Totoo kaya??
Ano naman kung ganun nga??
Ano bang pakialam ko kung ganun nga??
Sa limang araw na pag pasok sa trabahi at pag uwi ay yun lang ang nasa isip ko..hindi ko alam kung bakit..
Hindi kaya dahil may gusto din ako sa kanya kaya hindi ko maialis sa isip ko na sinabi nya sa aking may gusto sya sa akin??
Ayoko munang mag feeling baka mamaya dala lang ng kalasingan kaya nya nasabi iyon..ang kapal naman yata ng mukha ko??ayoko muna itanong sa kanya kahit kating kati na ang dila ko magtanong..
Friday..
Pagkarating ng bahay ay naligo at nagbihis na ako para makapunta na sa tambayan..tawag narin kasi ng tawag sila mika at bella na nadun na sila at ako nalang ang hinihintay..kaya nagmadali talaga ako..
Papasok na ako ng gate ng may tumawag sa akin..lumingon ako para makita kung sino ito..at talaga naman naaalala ko ang sinabi nya...
"Tenten ..kanina ka'pa??"tanong nito.. natulala muna ako bago umiling..
"Aah hindi kakarating ko lang.."sabi ko .at pumasok na sa bahay..
Naiilang ako..hindi ko alam kung bakit..nakakainis baka mamaya ako lang ang ganito at sya casual lang..kainis napapadyak ako sa inis at nagulat ng nakasunod pala sya sa akin..
"Hoy tenten ok ka lang??ahehe" natatawang tanong nito..umirap ako
"Oo naman..may naisip lang akong nakak inis.." sabi ko.
Umupo muna ako sa sofa..ayokong dumiretso sa garden dahil tatagayan agad ako dun..pahinga muna ako..nakakaen narin naman ako sa bahay eeh..
"Hindi ka'pa pupunta sa garden??" Tanong nya
"Maya na..kakaen ko lang eeh pahinga muna.." sabi ko ..kahir malakas nanaman ang kabog ng puso ko..kinakabahan ba ako dahila baka maalala nya ang sinabi nya??haaay ewan..
Naglakad sya papalapit sa akin at binuksan nya ang tv..
"Urong ka nga manonood ako..hintayin ko muna si jack.."sabi nito ..umurong naman ako kahit maluwag naman talaga ang mahabang sofa.. tumabi sya malapit sa akin..
Sumandal muna ako at pinahinga ang likod ko..habang nakatingin sa tv..pero bigla akong napapatingin sa likod ni jake..mabilis ko namang binabalik ang tingin ko sa tv kapag gumagalaw sya..natatakot ako na baka mahuli nya ako na nakatingin sa kanya..
"Kamusta ang trabaho mo??" Tanong ni jake na hindi lumilingon sa akin..
"Aah ok lang ..masakit lang sa binti tska sa likod kasi nakatayo palagi.."sabi ko na nakatingin sa kanya ..
"Naninigarilyo ka pa'ba??"
"Matagal ng hindi no.."
"Nanigarilyo ka kaya nung nakaraan.." sabi nya ..so naaalala nya yun??so may posibilidad na naaalala nya din yung sinabi nya sa akin??pero ayoko magtanong..
"Last na yun.." sabi ko..
"Eh kapag nahuli kita ulit??anong gagawin ko sayo.?" Sabi nya nang lumingon sya sa akin..napaiwas naman ako agad ng tingin..
"Ewan ko sayo,?tsaka last na talaga yun.." sabi ko..ng hindi tumitingin sa kanya.
"Basta kapag nahuli kita ulit.,!! Hindi ko na narinig ang huling sinabi nya dahil iniwan ko na sya doon..
Dahil yung puso ko ayaw na paawat sa malakas na pag tibok...
Buti at wala akong sakit sa puso..
Kung hindi inatake na talaga ako sa puso..