Pagkatapos sabihin ni jake ang salitang iyon ay nakatulog na sya..
Naabutan kami ni ate toya na ganun ang itsura namin ni jake..
Tinulungan ako ni ate toya sa pagdala kay jake sa kwartong nakalaan sa boys.
Nang makababa ay tahimik akong umupo sa sofa..hindi ako lumilingon kay ate toya dahil alam kong nakatingin sya sa akin..
Marahil iniisip nyang may kung ano sa amin ni jake..dun sya nagkakamali..dahil wala..walang kami..
Isinandal ko and ulo ko at ipinikit ang mga mata..
Naalala ko yung mga sinabi ni jake..
Totoo ba yun??
O dala lang ng alak??
Baka hindi nya lang masabi sa akin kapag hindi sya lasing??
Baka torpe??
Napa dilat ako ng mag salita si ate toya..
"Tanongin mo sya."sabi nito
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya..nababasa nya ba ang nasa isip ko??
"H-huh??" Nagtataka kong tanong pero mejo kabado na..
"Kung ano man ang gumugulo sa isip mo.itanong mo na sa kanya."sabi nya nang seryoso..
"Tanongin mo si jake para hindi kana naguguluhan.."sabi nya ulit pero nakangiti na..
Nagulat ako sa sinabi nya..
Hindi kaya narinig nya yung mga sinabi ni jake??
"A-ano kaba ate..w-wala naman akong iniisip eeh"sabi ko at nag iwas ng tingin sa nakangiti nyang mukha.
"Wala talaga ate.."sabi ko ulit dahil ramdam na ramdam ko yung tingin nya sa akin...
Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad na para paakyat ng kwarto namin..
Lumingon ako sa kanya pagkalagpas ko..
"Matutulog na ako ate toya..inaantok na ako eh..night"sabi ko at nagdiretso na paakyat pero bago ako makalayo ay napahinto ako sa huling sinabi nya..
"Ok..but i think he likes you..no hindi pala..i think he loves you.."sabi ni ate toya..
Na hindi nagpatulog sa akin..