Tawa nalang ang maririnig sa amin at kantahan dahil nag arkela ng videoke..
Tawa kami ng tawa habang kumakanta si mark na wala sa tono...at kumakanta ng bulaklak at sumasayaw pa..hagalpak talaga ang tawa namin..
Lasing na kaming lahat pero wala paring sumusuko..
Naramdaman kong tumabi sa akin si jake..
"Kenken tabi tayo." Sabi nito ng nakangiti..
"Ano ka'ba naman tenten ang pangalan ko..kung ano ano ang itinatawag mo sa akin . " sabi ko pero hindi nya pinansin at ikinwento nanaman nya yung pagkakadapa nya sa kanto dahil sa babaeng tinititigan nya ng araw na yun..
Pagkatapos nya akong tawagin sa iba ibang pangalan at ikwento nanaman ang tungkol sa pagkakadapa nya ay halata na ang pagkakalasing nya dahil ng tumingin sya sa mga mata ko ay hindi na ito makapag focus..mapupungay na rin ang mga mata nya sa kalasingan.
"Alam mo bang may sikreto ako.." sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko..
Bigla nanamang nawala ang pagka lasing ko..ano nanaman bang sikreto nya??marami ba??at bakit sa akin nya sasabihin??umirap ako..
"Mukhang marami kang sikreto ah??haha" medyo natatawang sabi ko at nag iwas ng tingin..
Hindi nya pinansin ang sinabi ko..
"Ang sarap mong kausap..matagal na tayong magkaibigan pero ikaw yung hindi ko masyadong close..isnabera ka kasi kapag hindi ka nakainom eeh" medyo natatawang sabi nya
Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya..
'Hoy ang kapal mo!ikaw kaya jn ang hindi namamansin.." sabi ko at pinapalo palo ko sya ..
Sinasangga naman nya yung bawat hampas ko sa kanya kaya hindi sya talaga natatamaan..nang paghampas ko ulit ay nahuli na nya ang kamay ko kaya napatigil ako..
Tumingin nanaman sya sa mga mata ko
"Pero kahit ganon ka,gustong gusto parin kita."sabi nya at sumandal na sa inuupuan at pumikit ng nakangiti..
Ako??
Anong nangyari sa akin??
Hindi ko alam kasi pakiramdam ko gusto kong sumigaw na ayaw ko dahil baka magtaka sila sa akin..pero naninikip ang dibdib ko.pakiramdam ko hindi ako makahinga sa sobrang paninikip nito..mamamatay ako kapag hindi ako huminga..
Buntong hininga..
Yun lang ang nagawa ko para mailigtas ako sa pagkamatay..
Napatitig ako sa kay jake na nakapikit habang nakangiti..
Jake totoo ba yung sinabi mo??
Eeh ano naman pakialam ko kung totoo??
Oo gusto kita dati..pero dati pa yun..
Umiling ako at pinipilit alisin sa isip ko ang mga sinabi ni jake..dahil lasing sya.
Hindi totoo iyon..
Tumayo na ako para makapunta na sa kwarto ng tawagin ako ni jake..
"Saan ka pupunta??"tanong nya kaya napatingin ako sa kanya..akala ko nakatulog na sya dun.
"Sa kwarto inaantok na ako eeh.."umiwas ako ng tingin..naiilang na ako..
"Sabay na ako..nandun na din naman si jack.."sabi nya at tumayo na rin na medyo pagewang gewang pa..
Nauna na akong malakad sa kanya papasok ng bahay at paakyat ng second floor..pero naabutan nya parin ako..
Ng bubuksan ko na ang pinto ng kwarto namin
"Totoo ang sinabi ko christine..mahal kita"sabi nito at pumasok na rin sa kwarto nila..
At ako??
naestatwa na sa kinatayuan ko..
Anong ginagawa mo sa akin jake..