Hindi pa man ako lasing ay may hungover na ako.. "eat first." Nakatataka agad sa utak ko yung sinabi nya yun..bakit ba kapag nagbitaw sya ng salita sa akin..may epekto..ano bang nangyayari sa akin...
Tahimika lang sya nung matapos kong makaen yung ibinigay nya..kinuha naman agad ni ate toya ang pinagkainan ko at ngumiti sa akin nagthank you naman ako sa kanya at uminom muna ng tubig..
Pahinga muna ako..busog pa ako..tumayo ako at lumayo ng konti sa pwesto nagsisimula na rin kasing umingay sa mga kwentuhan at tawanan..
Natawa ako ng nakitang naglalaro si mark at sam na naghuhulihan ng kamay sa pag palo..yung magkapatong yung dalawa nilang kamay tapos hinuhuli para mapalo..kapag napalo ay iinum ng ng dalawang shots at papaluin sa noo kaya naman seryoso ang itsura ng dalawa..
Tawa naman ng tawa sina kuya manuel sa dalawa pati narin si eric at evan..nagpustahan pa ang dalawa ng 5pesos sa kung sino ang makakaunang makapalo..mga baliw talaga..may sariling mundo naman ang mga basketball players..pinaguusapan yung laban kanina na pinanalo nila dahil sa MVP na si jake..palagi naman..
Nakatayo lang akong nagpapahinga para bumaba yung mga kinaen ko msyado kasing marami ang pinakaen sa akin ni jake..ano ba tingin nya sa akin baboy?? Na kaylangan hindi tinitipid sa pagkaen..??oh mukha na akong kalanaay sa kapayatan ko??kaya naaawa sya akin na baka konting bangga lang ay mababali na??haay nako..sa inis ko sa mga naiisip ko ay lumapit ako kay kuya manuel pero hindi ako umupo..
"Kuya penge isang stick." Sabi ko na nakalahad ang kamay ko sa kanya..tumaas ang isang kilay nito sa akin ganun din si ate toya na katabi nya..
"Diba tumigil kana??bakit nanghihingi ka ngayon??" Iritang sabi ni kuya manuel..at hinawakan agad ang isang pack ng sigarilyo.
"Oo nga.ngayon lang kuya plss isa lang promise.."Sabi ko at nagpaawa pa ako..ganun din ang ginawa ko kay ate toya ng nakatingin sya ng masama sa akin..
Matagal pa bago nila ako pagbigyan..hindi talaga nila ako matitiis..
"Last na yan huh tenten.." sermon ng dalawa..ngumiti ako at itinaas ang kanang kamay ..parang nagpapanatang makabayan..
"Yes po." Sabi ko at kumuha ng isang stick at sinindihan..
Lumayo ako ng konti sa garden...
Malawak itong tambayan namin mas malaki pa nga ito sa bahay namin eeh my dalawang kwarto sa taas at isa sa baba para sa mga hindi inaasahang bisita..isang kwarto para sa boys at isa para sa girls..
Twing Weekend talaga dito kami nagkikita kita..at natutulog kapag nalasing na..
Sumandal ako sa pader ng bahay habang humihithit sa sigarilyo ko..nasanay ako dati na pagkatapos kong kumaen at busog na busog ako ay maninigarilyo..buti natigil nung-haay
Nasa gilid ako ng bahay at medyo madilim dito ayoko kasing makita nila akong naninigarilyo..
Kaya naman nagulat ako ng may magsalita.
"Akala ko tinigil mo na yan??" Seryosong tanong nya..hindi ko makita ang mukha nya dahil madilim dito pero alam kong si jake ito..kilala ko ang boses nya dahil matagal na kaming magbabarkada..
Hindi ko na sya tinignan..at tumingin sa mga halaman ni ate toya habang naninigarilyo..pagbuga ko ng usok ay sinagot ko sya ng tanong
"Bat nandito ka??baka hanapin ka ng mga kasama mo??" Sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin at hithit ulit sa sigarilyo at buga ng usok..nararamdaman kong nakatingin sya sa akin pero dinededma ko..ano bang problema nya??
"Stop that." Sabi nya nakakainis na sya huh??tinapon ko ang sigarilyo ko pagkatapos ko ibuga yung usok..nakakunot ang noo akong tumingin sa kanya kahit alam kong hindi nya mkikita ang nakasimangot kong mukha..
-thanks for reading-
Hehe pagtyagaan nyo muna yan lang nakayanan haha..😁😀