“New school, new life. First Day tomorrow. ;)” *facebook status
(Mary commented on your status)
“Mamimiss ka namin Audrey! Galingan mo jan sa new school mo ah? Love you girl!”
Ang sweet talaga nitong si Mary. Sana kahit na lilipat na ko ng school eh kahit papano magkita parin kami paminsan minsan. Sa totoo lang, siya lang kasi yung totoong kaibigan ko eh. Pagkatapos ng lahat ng nangyari nung 3rd year, dun ko nalaman kung sino talaga yung mga totoo kong kaibigan at mga peke lang....
Ako nga pala si Audrey, Audrey Vellasco ;)
Incoming 4th year high school student na ako sa St. Claire University.
Alam ko alanganin,4th year na lilipat pa?
Eh kailangan eh. Haay...
Sana maging masaya bukas sa first day of classes ko. Kabado to the highest level! Grabe. Ngayon ko nalang ulit maeexperience na maging new student.
Sana kahit papano may makausap naman ako. At sana, iba ang St. Claire sa dati kong school.
Please lang, sana mas maging maganda ang year ko. Sana tama ang napili kong school para sa paglimot ko sa mga nakakalungkot na nangyare noon.
Senior year, I hope you’ll be amazing!
So ayun, tapos narin ako magayos nga gamit. Di pa naman kelangan ng sobrang daming gamit, panigurado namang wala pang magkaklaseng teacher. Chill muna. ;)
Habang nagaayos ako ng gamit kanina, may buraot na biglang nagparamdam...
“Audrey, kamusta ka na? totoo bang lilipat ka na? Grabe ngayon ko lang nalaman! Goodluck sayo ah.”
ANG KAPAL NAMAN PO.
Text ni Marc yan. Ex ko. Psssh.
Kung makapagtext, parang walang nangyari. Parang close kami. Eh ni hindi ko na nga yan kinausap simula ng mga nangyare. Kung mangamusta? Wow. Idol talaga.
“Salamat”
Yan sinabi ko.
Maraming ibig sabihin yang “Salamat” na yan!
Salamat, at di ko na siya makikita..
Salamat, at makakapagsimula na ulit ako ng bagong buhay..
Salamat, at mapapalitan na ng mga bagong magagandang memories ang sakit na pinaramdam sakin ni Marc. SALAMAT ST. CLAIRE! ;)
*kinabukasan
First Day of Classes
“Ma’am Audrey, handa na po ang maghahatid sainyo.” Sabi ni Aling Lucy
“Ah, sige po. Pakisabi nalang po kay Mama na nakaalis na ko. Ayaw ko na po kasi siyang istorbohin. Mahimbing po tulog eh!” sabi ko.
“Sige po Ma’am, ingat po”
“Goodmorning Ma’am Audrey!” bati sakin ni Mang Ernesto.
Love na love naming yang si Mang Ernesto. Simula Grade 6 ako yan na driver namin. Mabait at tapat yan. Sarap pang kakwentuhan! ;)
“Goodmorning rin po” bati ko sa kanya,
Pumasok na ko sa kotse at bumusina na si Mang Ernesto para isignal sa mga kasambahay namin na aalis na kami.
“Daan po muna tayo sa convenience store malapit sa labasan bago po tayo dumiretso sa school.”
“Aahh. Bibili ka po ng kitkat ma’am? Kabado po kayo noh?”