CHAPTER 11 - VARSITY TUNE UP PART2

30 1 2
                                    

Hi! Thank you sa patuloy na pagbabasa ng story ko! Sobra akong natutuwa sa nangyayareng mga eksena. Kaya sana wag kayong bibitiw ah? Medyo matagal tong story na to. Yun kasi yung goal ko eh. Tapos na kasi akong mag ONE SHOT story. Yung BAKIT IKAW PA?! :bd

FEEL FREE TO COMMENT, VOTE AND BE A FAN! THANK YOU!

Sabay sabay na tayong kiligin sa apat na to, lalo na kila Audrey at Xavier.

PS: Wala po akong ganoon kalawak na kaalaman sa basketball. HAHAHA mwa mwa :*

~

Audrey’s POV

Dumiretso kami sa court ng school.

Medyo marami ngang andito. Meron ding galing dun sa St. Gregory. Mukhang matinding laban to.

“Lea, ganito ba talaga? Tune up palang ah?” tanong ko kay Lea.

“Oo. Eh kasi champion ang St. Claire last year. Laging nakakabanggan ng St. Claire yang St. Gregory. Sobrang ganda ng laban kapag sila yung maglalaro.” Sabi ni Lea

Ah kaya pala.

Tapos pumunta kami dun sa may side ng St. Claire. Pinuntahan namin sila Xavier na nakaupo sa may bench.

“Uy Audrey!” bati ni Xavier

“Hey. Goodluck Asuncion. Hoy Jason galingan niyo ah?” sabi ko ng maangas. :P

“Oo gagalingan ko anjan si Lea eh.”  Sabi ni Jason. :O :”> Namula si Lea eh! :”> 

“Ah uhmm. Goodluck Jason. Cheecheer namin kayo.” Sabi ni Lea.

Ang cute nilang dalawa! :”>

“Ah Aud dito kayo upo para malapit kayo samin.” Sabi ni Xavier tapos pinaupo niya kami dun sa upper level nung upuan sa court. So parang nasa “baba” namin sila. BASTA GETS NIYO YUN. Bleachers kasi yung upuan eh! :bd

“Wala akong ganong alam sa rules, puro shoot lang alam ko kaya galingan mo ah.” Sabi ko kay Xavier. Ngiti naman ang loko.

“Ah ganun ba. Oo naman! Para sayo to. Naks” sabi ni Xavier tas may pakabog kabog pa ng dibdib! “Diyan ka lang Aud ah.”

“Yes. Go go go!” sabi ko

“Tol tara na tawag na tayo ni Coach”  tawag ni Jason “Ah Aud, salamat ah, buti andito si Lea”

O MY TO THE GOSH TALAGA! :”>

“Yiiie. Galingan mo uy wag puro harot. HAHA. Anjan lucky charm mo pre.” Sabi ko tapos nagtawanan kami. Kumaway nadin sila ni Xavier tas ayun kinausap nasila ng coach.

Nung  1st quarter lamang kami ng 6. Nung 2nd quarter lamang sila ng 8. Eto na patapos na ang 3rd quarter at ang score ay all 52!

Jusko natetense ako sa laro.

Meron kasing isang player sa St. Gregory, #4, ang gaspang maglaro. Basta ang ano, ang harsh na ewan. Basta! Nafoul nga eh kasi ano... TAKTE BASTA FOUL DI KO ALAM TAWAG BASTA INVOLVED SI JASON NUNG 3RD QUARTER. YUN. HAHAHAHA.

Tapos yung  #10 naman lagi nakabantay kay Xavier! As in gwarjadong gwarjado.

Namamaos na kami ni Lea dito eh.

Nung naano si Jason nung 3rd quarter akala mo di na makakatayo eh kung makareact si Lea.

“AY GRABE YUN AUD OH FOUL YON ANG PANGET MAGLARO GRABE! PATAY SAKIN YUN SARAP KOTONGAN NANGGAGANON BAWAL YON BAWAL!”

THE PIECE I WISH I DIDN'T NEEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon