CHAPTER 9 - PARAPARAAN

16 0 1
                                    

Xavier’s POV

Namove ang callbacks. Instead na this Friday, naging next Friday. This Friday magkakaroon ng tune up game ang varsity team.

(Thursday)

“Tol. Diba pwede naman daw na magaya ng manunuod bukas sa tune up? Ayain naten sila Audrey at Lea.”  Tanong ni Jason habang papasok kami sa school.

“Oo. Ayos yan tol. Ikaw ah,  gusto mo si Lea noh? Napapansin ko na ah. Balita ko hinahatid mo daw yun sa kanila.” Asar ko kay Jason

“Oo tol eh. Kaya nga gusto ko manuod siya, sila bukas.” Sabi niya

“Sige tol ayain naten.”   Tango ko naman

“Ganto. Aayain mo si Lea tas aayain ko si Audrey. Para di halata na dumadamoves tayo.”   Sabi niya

“Dumadamoves TAYO ka jan? Ikaw lang yun!”  angal k okay Jason

“Itatanggi mo pa tol eh halata namang gusto mo din si Audrey pinipigil mo lang. Kotongan kita eh. Ah basta. Deal yan ah.” Sabi niya

Ayokong madaliin. Masaya ako kung ano yung friendship namin ni Audrey. Tska pagkatapos kong malaman kung bakit siya lumipat, narealize ko na dapat magingat ako. Di siya agad nagtitiwala sa mga tao. Swerte ko nga nagtiwala siya sakin.

Kaya kung may gusto o magkagusto man ako sa kanya, wag muna ngayon. Kailangang patatagin muna ang friendship. Baka kakamadali ko sa nararamadaman ko mag kanda loko loko lang.

“Oo sige.” Sabi ko tapos pumasok na kami sa room.

*Uwian

“Hindi nga pwede Xavier ang kulet!” pamamayawang ni Lea

“Dali na. Nood ka na ng tune up namin.” Sabi ko

Nagliligawan po kami ni Lea.

JOKE LANG! LAYO MEN.

“Eh bakit ba pinapapunta mo ko? Ang kulit mo eh. Tinatamad ako.” Sabi ni Lea

Kaya ko pinipilit si Lea kasi dahil kay Jason. Sabi kasi niya, kapag daw napilit ko si Lea na sumama, aayain daw niya si Audrey. Kaya sabi ko sige.

Eh kaso ang taray nitong si Lea. Ayaw pa eh.

“Wala support! Masama? Parang di tropa. Sige na Lea. Kahit taga abot ng tubig lang oh. Tska andun din si Jason.” Sabi ko 

“Teka nga” tapos bigla siya ngumiti “Parang alam ko na kung bakit moko gustong manuod..... Gusto mong manuod si Audrey noh! SInasabi ko na nga ba eh!”

“Hala. Pag inaya kita si Audrey agad dahilan? Agad agad?” pagdedeny ko kay Lea

“Hooooy Asuncion. Kinakapatid kita. Alam ko yang mga ganyan mo mga pasimple mong moves. Gusto mong magpakitang gilas kay Audrey?”

“Ang daming sinasabi. Sumama ka na kasi Lea. Manlilibre ako pagkatapos promise” sabi ko

“Sasama ako sa isang kondisyon, sagutin mo tong tanong ko. Gusto ko honest ah.” Sabi niya

Mga ganitong intro ni Lea, siguradong seryosong tanong na naman to eh!

JASON KASI EH!

“Oo sige. Basta wag lang tungkol sa Odyssey dahil di ko saulo yun.” Biro ko

“Ano na ba si Audrey sayo?” tanong niya

DUN DUN DUN

“Kaibigan.” Sabi ko

THE PIECE I WISH I DIDN'T NEEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon