"Auuuddreeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeyyyyy" sigaw ni kuya habang paakyat ng hagdan. Rinig na rinig yug paa ni kuya Charles eh. Nasa kwarto kasi ako...
Nagmadali naman ako at lumabas ako ng kwarto..
"Whaaaat?!!" sabi ko
"Andyan na yung dalawa sa baba. Si Jason at si Fafa Xavier mo " sabi ni kuya sabay
“Fafa ka jan! Susumbong kita kay Ate Alice nababading ka na! Halaaa” sabi ko sabay tulak kay kuya.
“Suuus. Gustong gusto mo naman yung FAFA? Bumaba ka na.” Sabi niya at nagmadali na siyang bumaba
Kasi diba nung sabay kaming umuwi ni Xavier. So ayan, ngayong sabado nila napagusapang maglaro dito sa bahay. May half court kasi dito sa bahay.
Pagbaba ni kuya, pumasok na ko ng kwarto at nagayos. Binaba ko na yung libro ko sa kama at nagayos. Naka maong shorts ako at three fourths na long sleeves. Finishtail din ako ni Ate Alice bago siya umalis kanina nung dumaan siya dito.
Nung nasa may living room palang ako, rinig ko na yung talbog ng bola sa may labas.
Nakita ko sila Kuya Luke at Charles nagsasalitan, nagshooshoot. Tapos yung dalawa nakatayo sa may gilid naguusap. Nilapitan ko sila.
“Oh. Hi Jason at Xavier. Bakit di pa kayo naglalaro?”
“Hi Audrey! Eh sabi kasi netong si Xavier iintayin ka daw muna niya bago kami maglaro. Pampa GOODLUCK daw.” Sabi netong si Jason sabay siko kay Xavier
“Hoy imbentor!..” sabi ni Xavier sabay hampas sa sikmura ni Jason. “Ah. Wag kang nakikinig diyan. Ah ano, kasi nagwawarm up pa mga kuya mo.”
“Ahhh.” Sabi ko in a sarcastic way
“Ahhh ka jan? Sus. Totoo naman eh!” pagdedefend ni Xavier. HAHA. Ang kulit ng mukha eh.
“Oo nga. Ano ba sabi ko?” sabay pigil ng tawa ko
“Ano Audrey, maglalaro ba kami o magliligawan nalang kayo ni Xavier?” sigaw ni kuya Luke.
UGGHHHH. ANO BA.
Tinulak ko sila Jason at Xavier na parang nagtutulak ng nasirang kotse papunta kila kuya. Nagpabigat pa talaga silang dalawa! MGA ABNOOOY.
“Oh ayan na oh kuya sige inyo na yang dalawang yan pakasawa kayo maglaro ah? HAHAHA!” sabi ko kila kuya “Ge pasok na muna ko, goodluck!”
Biglang nagtext si Ate Alice
“Are you still at home?” text niya
“Yeah. Why?” sagot ko
“Im done with the photoshoot. Maybe we can hangout at your place?” sabi niya
“Yep. Okay. Kuya is playing bball”
“Yes nabanggit nga niya. With your suitor daw Aud? Hmmm” sabi niya!
“WHAT? NOOO. Cn you tell kuya to staaahp -_-“
“Okay. HAHA. So defensive our baby girl. Im on my way x”
EH HINDI NAMAN KASI TALAGA. SILA KUYA. PSSHHH -________-
After 15 mins dumating na si Ate Alice.
I was playing on my iPad nung dumating siya.
“Si Ma’am Alice po andyan na” sabi ni Aling Lucy