CHAPTER 3 - THE X FACTOR

25 0 0
                                    

Umorder na kami ni Xavier sa cafe. We ordered Mocha Frappe. Choco cake sakin at cheesecake sa kanya.

Siya rin nga pala nagdala ng bag ko, siya nagbayad, at tinnulungan niya din ako sa upuan. Simple pero bihira nalang yung ganyan. May pagka gentleman padin.

“So what are we going to talk about?” Tanong ko.

“Inaway ka ba ni Chloe kanina?” sabi niya.

SABI KO NA EH NAKATINGIN SILA KANINA.

“Naaah. It was nothing. I can handle her”

“Ah. Kala ko inaway ka eh. Alam kong di dapat nakikisali ang mga lalake sa mga ganyan ng babae. Pero sabihan mo lang ako Aud ah. Andito lang ako.”

“Walang away. Pagod na ko sa ganon. Thank you ah. For being my friend kahit papano.”

“Kahit papano?” tanong niya

“Kahit ang misteryoso mo. Kahit na minsan pag Math niloloko loko mo ko. Hehe.

I don’t have time to argue with Chloe.”

Napakamot siya sa batok at buhok.

“Bakit?” tanong ko.

“Baka kasi paginitan ka non. Alam mo kasi Aud, maraming nagkakacrush sayo. Maraming gustong maging kaibigan ka. Kumbaga ikaw ang parang ‘IT GIRL’ ngayon ng St. Claire. Dati kasi parang siya yon. Kahit mga tropa ko may crush sayo eh. Kaya yun lang. Concern lang ako.”

“Thank you, but, I’m not scared. Pero grabe naman yung IT GIRL. Seriously? HAHA You must be kidding’

“Eh di wag kang maniwala. Totoo naman. Kilala ko kasi yon si Chloe. Lahat ng nalilink sakin inaaway non. Lahat nalang kasi eh”

“Oww. Bakit? May past kayo? HAHA. JOKE.”  Biro ko

“Oo.” Sagot niya. Bigla siyang nagmukhang seryoso as in. :O

“Oh. Sorry. Mag ex kayo? Oh I see.” Sabi ko

“Yep. Okay lang” sagot niya

“Asuncion, do you mind if I ask you something personal?” tanong ko.

“Audrey, kung tungkol sa English yan o sa grammar o  spelling please wag nalang okay?” sabi niya sabay ngisi.

“Hindi! Bakit kayo naghiwalay? You two look good together. Varsity player, and, the muse. You have the looks naman. Siya rin meron. You seem nice naman.”

“She cheated” sabi niya.

Ano ba. Girls. Hindi ko maintindihan yung ibang girls. Bakit kailangang mag cheat? Bakit hindi makuntento. Lalo na pag matino naman yung inyo. WHY? Just because maganda ka, does not mean na you can collect and collect. Lalo na kapag may boyfriend ka na. Some girls just can’t calm their t*ts. Ugggh.

Nakarelate agad ako kay Xavier eh. Been there, experienced that, don’t wanna go back.

“Ay. That’s why. Bakit naman niya gagawin yon. Eh mukha ka namang matino. So, may bitterness pa kayo sa isa’t isa?” tanong ko...

“May panghihinayang. Hindi dahil mahal ko pa siya. Kundi dahil sayang yung oras at efforts na ginawa ko para sa kanya. Sineryoso ko yon. Buti nalang di ako nabaliw sa pag ibig don. Pero, minahal ko yun. MINAHAL.” Sabi niya.

“I understand. I have been cheated on too. Kaya mo yan Xavier.” Sagot ko..

“Niloko ka ng ex mo? Aba. Ang tanga naman nun? AT ano ka ba, nakamove on na ko dun. Pero, grabe. Niloko ka ng ex mo? Kaya ka lumipat dito noh?”

“No.” I lied. “Buti naman nakamove on ka na. Sarap sa feeling noh?” Sabi ko nalang.

“Yep. So, ayun Audrey. Ayoko na di masyadong makaistorbo sayo. Halika na, hated na kita. Baka mamaya daragin pa ko ng mga body guards mo. Mahirap na.” Sabi niya sabay tawa

“Sira ulo to ooh.” Sabi ko sabay irap.

“Tao ka pala? Nag sasalitang kalye ka pala? WOW.” Biro pa niya.

“Ano ba. Sus Chloe ka lang eh” sabay hampas ko ng libro sa kanya.

“Luh. Tigil mo nga yan. Iwan kita dito sa kalsada.”

THE PIECE I WISH I DIDN'T NEEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon