CHAPTER 10 - TUNE UP (PART 1)

16 0 0
                                    

AUDREY’S POV

Manunuod kami ng Tune up game nila Xavier mamaya after classes. Buti nalang at wala masyadong homeworks.

Trip ko din yung nanunuod ng basketball games kahit wala naman akong alam sa rules ng basketball. Basta’t nakakashoot, cheer lang ako ng cheer! HAHA

Pero sa tingin ko eh magaling naman tong si Xavier at Jason maglaro. Mga heartthrob nga sa school eh dahil don.

Naeexcite ako makitang maglaro ang dalawa kong bagong tropang lalake. Syempre masasabi kong mas matimbang si Xavier, pero support! Go St. Claire!

*LUNCHTIME

Kumakain kami ni Lea sa cafeteria. Naririnig rinig naming yung usapan ng mga tao tungkol sa tune up. Malakas din raw kasi ang St. Gregory, ang makakalaban nilang team. Kahit tune up palang talaga puspusan na yung pag papapractice eh.

Tapos biglang lumapit sa table namin si Ian.

May dalang rose!

“Ayan na naman yung manliligaw mong di makaintindi ng salitang BASTED.” Pagtataray ni Lea.

“Hi Audrey” tapos inabot niya sakin yung rose.

“Uhh thanks?” sabi ko kay Ian

“Nuod ka ng game maya ah. Panuorin mo ko. Gagalingan ko para sayo. ;)” sabi niya

“Uhm. Manunuod kami kasi inaya kami nila Xavier.” Sabi ko

“Sus. Magaling na yun para sayo? Nuod ka ng game, makikita mo. Sige, see you!” sabi niya tapos umalis narin sila ng mga alipores niya.

“Ang hangin Lea wooo bumabagyo grabeeeee!!!”  biro ko tapos inuga uga ko pa yung table. Eh ang yabang kasi! Nakakainis. Laging ganun yun eh tuwing mababanggit ko si Xavier, may pangkontra agad.

Dumating nadin sa wakas sila Jason at Xavier.

“Oh san kayo galing?” tanong ni Lea.

“Ah may inayos lang kami.” Sabi ni Jason

Tapos kumain nadin sila. Eh nauna na ko. Pinaglaru laruan ko nalang yung rose habang nagkukwentuhan kami.

TAPOS

 “Nawala lang ako saglit, may nanligaw na naman sayo. Ang dami naman niyang mga yan, di ba yan mauubos? August palang oh.”Sabi bigla ni Xavier tapos naging straight face yung itsura niya. Yung ganito: “:/” (okay di straight kasi nagfoform ng bagong emoticon pero ganyan!)

“Aw. Nagseselos po si Koya! Hala ka Audrey lagooot!” asar ni Jason tapos nag “lalagot” sign pa! :P

“Nuks ang ganda mo gurl!” tapos umapir naman sakin si Lea.

“Hala grabe.” sabi ko tapos napatingin ako kay Xavier na biglang nanahimik.

“Selos? Dun? Di rin.” Sabi ni Xavier tapos umiling iling. “Tingan niyo oh talagang pinaglalaruan yung rose tsk, talagang pinapamukhang may manliligaw oh!”  biro ni Xavier tapos ngumit ngiti sakin.

“Aynako. Ewan ko sa inyo.” Sabi ko.

“Mamaya nga pala diba half day tayo ngayon. Pwedeng umuwi muna kayong dalawa para magpalit kung gusto niyo tas balik nalang kayo dito sa school para manuod.”  Sabi ni Jason.

“Ah ganun ba. O cge text text nalang tayo.” Sabi ko 

Sa bahay kami nagayos ni Lea. Nagshower kami tapos nagbihis at nagayos.

Nagaayos kami ni Lea biglang nagring yung phone ko..

Im at a payphone

Trying to call home

All of my change I’ve spent on you

*Xavier is calling

“Uy Aud”

“Oh bakit Xavier?”

“Ah in 30 mins magsastart na yung game ah. Marami rami din pala manunuod”

“Ah sige pupunta na kami”

“Ingat kayo Aud ah. Bye princess”

“Princess? Err. Bye Xavier”

“Princess? Naks. Si Xavier talaga!” sabi ni Lea

“Oh ano na naman? Kayo ni Jason lagi niyo kaming inaasar.” Sabi ko

“Girl may tatanong nga ako sayo.”

“Oh ano yun Lea?”

“Pano kapag may gusto sayo si Xavier?”

“Tsk. Magaksundo lang talaga kami. Yun lang yun.”

“Ang layo ng sagot mo sa tanong ko eh!”

“Wala. Dahil hindi mangyayare yun!”

“Sayang. Bagay pa naman kayo. Mas gusto ko kayo kaysa sa kanila ni Chloe”

“Bagay? Siguro. Pero walang kami. At malayo yun. Okay gurl? Kaya tara na at abangan na naten sila sa baba.” Sabi ko kay Lea.

“Ah basta. Gusto ko kayong dalawa. I can feel it” pahabol pa ni Lea. Ay ang kulit!

THE PIECE I WISH I DIDN'T NEEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon