Next page

529 7 0
                                    

Nakita ko sa lalaki ang paglisik ng kanyang mga mata. “SHUT UP!!!”, sigaw nya. Hindi ako huminto sa pag-sigaw nang biglang……….

“Bog!” malakas na tunog sa mukha ko.

Bigla nya akong sinapak sa mata!! Ang sakit! Nata-meme ako sa ginawa nya sa akin. Bakit ganito, bakit siya ganon????

Hindi ako naka-sigaw. Hindi ako nakapag-salita. Hindi ko naka-galaw. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Mas bumilis din ang daloy ng mga luha ko. Ang sama ng ugali…. Dimonyo sya! Ngayon lang ako naka-tikim ng sapak sa tala ng buhay ko, galing pa sa kanya. Ang laki ng mga kamao nya.

Umiyak ako ng umiyak, halos hindi na naka-kita ang kaliwang mata ko sa sobrang lakas ng pagka-sapak nya dito.

“Bakit nyo ginagawa sakin ito? Bakit nyo ako dinakip? Ano bang kasalanan ko sa inyo? Pakawalan nyo na ako parang awa nyo na.”

Nagsalita ang lalaki:

“Wala kang kasalanan…. Kailangan lang talaga namin ng pera. Walang personalan, trabaho lang. Kaya wag kang mag-inarte dyan. Sana maintindihan mo.”

Mas bumilis ang heart-beat ko…. Sumigaw na naman ako:

“Trabaho lang”? Masasabi mo bang trabaho ang ganito? Puta naman oh, kailan pa naging trabaho ang mang-kidnap?! Walang kwentang trabaho! Walang kayong kwenta!! Walang puso!

“Sana maintindihan mo”? ang sakit sa loob ng marinig ko sa kanya ang mga katagang ito.

“Ayoko! Ayoko! Pakawalan nyo ako! Sana maintindihan ko? Walang tao ang hindi makaka-intindi sa mga ginagawa nyo. Ang sasama nyo! Dapat mabulok kayo sa impyerno!”

Tumayo ang kidnapper at sinabi:

“Bitch ka! Baka gusto mong ma-sapak ulit ha? Gusto mo yung kabila naman? Tumahimik ka!! Wala ka ng magagawa! Sa amin ka na! Gagawin mo lahat ng sasabihin namin! Sumunod ka!”

My Kidnapper, My Lover (On-going)Where stories live. Discover now