Next page

505 6 0
                                    

"Hindi ba sabi ko na dito ka lang? Hindi ka makakatakas sa akin. Akin ka lang. Tumigil ka na sa kakasalita or else sasapakin ko ulit yang mukha mo!" Nanlilisik ang kanyang mata sa pagkakataong iyon. Seryoso sa bawat salitang kanyang binibigkas. "OKAY?" pahabol nya

Bumalik sya sa closet para makuha na ang damit na napili niya. inabot nya sakin at ipinasoot. Black tube at skirt. Para saan naman kaya ito at kailangan ko pang suotin tong mga damit na ito.

"Tara, may gagawin tayo." sabi ng kidnapper.

"Huh? San tayo pupunta? Anong gagawin mo sakin?"

Wala akong makita sa paligid. Palagay ko ay gabi na iyon at nakapatay halos lahat ng mga ilaw.

"Malalaman mo....." ngiti ng kidnapper

Ano na naman ba ito?? Wag naman sana nyang gawin ang ginawa niyang pang-hahalay sa akin. Sobrang kinakabahan ako ng oras na iyon. Halos wala pa akong makita. Ginagabayan nya lang ako palakad at hawak nya sa likod ang mga posas sa kamay ko

Itinulak niya ako sa isang silid at inihampas ng malakas ang pinto. Kinabahan ako dahil nakita ko na may kama na naman doon. Pinaupo nya ako sa kama at ipinosas sa mga rehas nito. Wala parin saming dalawa ang nagsasalita hanggang sa binasag na nya ang katahimikan

"Ahmmm pano ba ito. Pano ko ba ipapakita sayo na akin ka lang."

Tinignan nya ako ng matagal. Nag-iisip.

"Ah alam ko na. Bakit hindi natin ukitin sa hita mo ang pangalan ko?"

"Ukitin??"

sabi ko na may halong panlalaki ng mata.

"Don't worry, hindi ako mag-iiwan ng peklat dyan sa hita mo."

Hindi literal na ukit ang gagawin nya sa akin. Pero ano? ano yon?

Unti-unting tumayo na ang kidnapper sa kama.

"Babalik ako."

My Kidnapper, My Lover (On-going)Where stories live. Discover now