*Chapter 1

680 8 2
                                    

* DANICA's POV

“Don’t worry (vibrate!) about the things (vibrate! )… coz every little thing (vibrate!) is gonna be alright (vibrate!)….”

5am nang mag-alarm ang cellphone ko, may halo pang vibration... Paborito kong kanta ang “Don’t worry, be happy” kaya ginawa ko syang ringtone ng alarm ko. Umaga pa lang ay inilalagay ko sa isip ko ang kataga nyang “everything is gonna be alright”. Sa dami kasi ng problema sa buhay, di ko maiwasan na makinig na lang sa mensahe ng isang kanta para kumalma ang pagkatao ko kahit saglit man lang.

Ayun na, nag-alarm na. Haaaaay ang aga naman. Gigising na ako. Hihikab at magtatanggal ng mga panis na laway. Magpupunas ng mga mantika sa mukha sa sobrang init. Mag-aalis ng muta. Tatayo na at maghahanda. Magpla-plantsa ng damit habang kumakanta. Magluluto ng tapa, sinangag at itlog. Mag-iinit ng tubig pang paligo. Maliligo, kakain at magsisipilyo. Magbibihis, magpapa-ganda at hihingi ng pamasahe kay nanay…. Ganyan ako pagka-gising na pagka-gising ko, automatic ko na siyang gawin araw-araw.

Pero sa pagkakataong ito, kinausap ko ang aking nakatatandang kapatid para ipa-alala sa kanya ang kasunduan namin na susunduin nya ako mamaya sa opisina.

“Kuya, wag kang mawawala mamaya. Susunduin mo ako. Yung usapan natin ah! Unahin mo na muna akong sunduin kesa dyan sa jontis mong girlfriend.” seryosong sabi ko kay kuya.

Ito na, ready na ako. Aalis na ako. Papasok na naman sa malayong opisina. Trabaho na naman. Bya-byahe na naman. Sasakay na naman sa mga masisikip na bus at MRT. Kung mamalasin ka ay may putok pa yung makakatabi mo, o minsan mabaho pa ang hininga. Nakaka-irita. Makikita ko na naman ang high-blood kong boss na walang ginawa kundi ang sumigaw sigaw at ibato ang mga maling papers. Kakain na naman sa turo-turo para makatipid. *Sigh* paulit-ulit, nakaka-bobo. Ganito halos araw-araw….

Nakarating na ako sa opisina. As usual, haggard na haggard na naman ako. Ang gulo ng buhok ko dahil sa hangin na nasagap ko sa bus kanina. Halos natunaw na ang mga make-up ko sa mukha dahil sa taas at matirik na init ng araw. Ang aga aga ang init agad! Ang sakit pa ng paa ko dahil sa bagong sapatos na bili ni nanay. Hindi kasi branded kaya ang tigas tigas sa paa. Bwiset! Bwiset talaga! Wala na, hindi na ako mukhang disente tignan!….

My Kidnapper, My Lover (On-going)Where stories live. Discover now