Next page

488 6 0
                                    

Pagalit na sinabe ng kidnapper.

"Ayoko. Ayokong tignan yang gawa mo."

"Ayaw mo? Ok sige, fine! Dito ka lang hanggang sa mabulok ka dito."

nanlilisik na sigaw ng kidnapper.

Nako... Mali ata ang ginawa ko. Mali ang sinabe ko.... Ginalit ko na naman ata sya. Ayoko na, ayoko na. Pumasok sa isip ko na oo nga pala, nakalimutan kong sundin ang mga utos nya para hindi na nya ulit ako saktan. Agad agad na akong nagsalita

"Sige sige, titignan ko na." bigla namang ngumiti ang kidnapper.

"Titignan mo din pala, pinainit mo pa ang ulo ko." sabi nya na parang isip bata.

Tinulungan nya akong maka-upo ng maayos at nakita ko nga ang ginawa nya. Pinunasan ko ng maigi ang hita ko kasi may mga lumalabas pang mga dugo. Nakita ko na ito ng malinaw. Nakita ko na dikit-dikit ang pagka-gawa nya dito. Cursive ba. Inferness, maganda ang pagkaka-gawa niya dito. Nagulat ako nang mabasa ko ang naka-sulat

"Belongs to BRYAN."

My Kidnapper, My Lover (On-going)Where stories live. Discover now