*Chapter 7

492 6 0
                                    

Tama ba ang nakita ko? Bryan ang pangalan nya? Hmmm. Bakit magkaparehas sila ng pangalan nung janitor sa opisina namin? Siya ba ito?? O co-incidence lang? Hindi ko siya makilala dahil hanggang ngayon ay naka-takip pa rin ang mukha nya ng maskara na itim

"Nagustuhan mo ba?" tanong ng kidnapper.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Hindi ko nagustuhan ang paglagay niya ng pangalan nya sa hita ko. Hindi ko nagustuhan ang sakit na naramdaman ko. Pero maganda naman ang pagka-gawa niya. Hindi ko lang talaga alam ang isasagot ko. Kung "oo", baka lagyan na naman nya ulit ako ng tattoo. Kung "hindi", baka naman sapakin na naman nya ako

Hindi ako sumagot............

"Wag mong hayaang ulitin ko sa iyo ang tanong ko!" sigaw nya

"Oo, oo nagustuhan ko. Nagustuhan ko"

"Very good." Ngiti nya

Nagtataka parin ako kung bakit Bryan din ang pangalan nya. Siguro sobrang dami lang talaga ng magkakaparehas na pangalan sa mundong ito.

"Bryan? So Bryan ang pangalan mo?" nagtatakang tanong ko

Ngumiti sya ng malaki sa akin. "Oo."

Makikita mo sa mukha ko kung paano ako nagtataka. Makikita mong tulala na naman ako. Ilang minuto lang din sa pagkakataong iyon ay narinig naming dalawa na kumulo ang tyan ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Inalok nya ako na pumunta sa kitchen para gawan ako ng sandwich.

Habang ginagawan nya ako ng sandwich sa kitchen........ Pina-upo nya ako.

"Baka pwede mo ng sabihin sa akin kung ano ang pangalan mo?"

Nagtanong na naman siya. Akala ko ay makakalimutan na nya yun pero hindi.

Kung maka-tanong naman sya ay para kaming magkaibigan.

My Kidnapper, My Lover (On-going)Where stories live. Discover now