*Chapter 3

500 4 0
                                    

Anong oras na ba? Hindi ko alam kung umaga na ba o gabi. Masyadong kulob ang kwarto kaya ni aninag ng araw ay wala kang makikita. Kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na gutom. Uhaw na uhaw. Nami-miss ko ng kumain doon sa turo-turo malapit sa opisina namin. Rice all-you-can. May coke at may libreng sabaw ng sinigang.

Niyugyog ko ang ulo ko para medyo gumilid ang mga buhaghag kong buhok at may napansin ako sa lapag. Totoo ba itong nakikita ko? Siguro nahulog ito nung ma-ma kanina sa lakas ng pagkaka-sapak nya sakin. Sana ito na ang sulusyon para maka-takas ako dito. Thank you Lord!

My Kidnapper, My Lover (On-going)Where stories live. Discover now