*Chapter 6

491 7 0
                                    

Matagal tagal din akong naka-higa sa kama. Parang patay at hindi gumagalaw. Bumalik na ang kidnapper at agad na lumapit sa akin. Itinayo nya ako at inalalayan na pumasok sa kabilang kwarto. Nang makarating na kami sa kwartong iyon, napansin ko na pumipili sya ng damit na pang babae. Hindi ko alam kung para saan iyon. Habang pumipili sya, meron siyang tinanong sa akin

"So... anong pangalan mo?"

ANO? Seryoso ba siya?? Ayokong sabihin ang pangalan ko sa kanya. Wala syang karapatan. Ano yun, pagkatapos nya akong saktan at gahasain ay ibibigay ko na lang basta-basta ang pangalan ko na parang walang nangyari? No way

"Please, pakawalan mo na ako dito." sagot ko

"Oh, ang weird naman ng pangalan mo." ngiti sa akin ng kidnapper.

"Kung sasagot ka lang sana ng maayos ay wala tayong magiging problema. Hindi kita sasaktan kung magbe-behave ka." habol na sinabe nya.

Napag-isip isip ko na tama siya. Hindi nya ako sasaktan o gagalawin kung magtitino ako. Tama, susundin ko kung ano man ang ipag-utos nya sa gayon ay hindi nya ako suntukin at makakarecover ako sa mga pinagpagagawa nya sa akin. Pag ok na ulit ang katawan ko, doon ko na lang ulit susubukang tumakas.

"So... anong pangalan mo?" Tanong ulit ng kidnapper.

"Pano mo nagagawa sa babae ang ganito? Nagagawa mo akong saktan." nang-gigigil na ako sa galit sa kanya. Gusto ko siyang sipain ng malakas!

"Alam mo.... Mas masaya kung lalo kang nasasaktan." Napa-hakbang ako patalikod sa sinabi nyang iyon. Kailangan kong lumayo sa kanya. Sadista sya masyado. Natatakot ako kung ano man ang susunod nyang gagawin sa akin.

"Gusto ko na talagang umuwi. Please let me go." ito na naman ako, nagmamakaawa. Napatigil siya sa paghahanap nung sinabi ko iyon. Lumapit ang kidnapper sakin at saka hinakawan ng mahigpit ang mga braso ko. 

My Kidnapper, My Lover (On-going)Where stories live. Discover now