Chapter Eight - Another Solution

145K 2.2K 27
                                    

James' POV

After talking with his parents, he stayed a little longer in his room to think.

He needs to find a girl that could pretend to be his girlfriend for awhile. Of course, it wouldn't be difficult for him lalo at mayaman siya, gwapo, matalino, matangkad...almost perfect kumbaga. Pero ang problema, kailangan niyang makahanap ng babaeng walang gusto sa kanya. Iyong babaeng wala nang habol sa kanya pagkatapos ng plano nilang pagpapanggap.

Nasa malalim siya pag-iisip nang biglang tumunog ang phone niya. It's an unregistered number calling.

"Yes?" bati niya dito.

The other person on the line chuckled. "Hanggang ngayon pa ba ganyan pa rin ang pagbati mo?"

Napangiti siya. "Damn you."

"Wow! I miss you too, pare!" tumawa ito. "Ikaw ba, hindi mo ako namiss?"

"Hindi." sagot niya pero halata sa tinig ang pagkatuwa. "Kailan ka dumating?"

"Noong nakaraang araw pa. Hindi ko muna kayo tinawagan dahil gusto ko munang magpahinga. Alam ko kasing hindi nyo ako pagpapahingain kapag tinawagan ko kayo agad."

Tumawa siya. "Gago."

"And I love you too."

"Sira-ulo." tumawa ang nasa kabilang linya.

"Oy, ano? Lakad tayo mamaya?"

He smirked. "Bahala ka kung maglalakad ka. Basta ako sasakay ng kotse ko."

Natawa ito. "Grabe pare! Hindi pa rin nagbabago mga jokes mo! Years had passed and yet, wala pa ring progreso! Korni pa rin."

"Shut up." pagpapatahimik niya rito. "Saan ba tayo mamaya?"

"Text ko nalang sayo mamaya. Hindi ko pa rin alam eh. Tawagan ko muna 'yong isang tsonggo. Natawagan ko na kasi 'yong isa."

"Tarantado ka talaga Montemayor!"

Tumawa na naman ito. "See you later, Almeda!"

The other line ended up the call bago pa siya makapagsalita ulit. It was Toby. One of his college bestfriends. Nakilala nya ang mga ito-Toby and Karl- sa Harvard. They got along so well. Siguro dahil na rin sa Pilipino nilang dugo and they share the same interest kaya sila naging ganoon kalapit sa isa't-isa. Nagkakilala silang tatlo dahil iisa lamang ang building ng apartment kung saan sila nakatira.

Toby took up Law. Karl took up Pharmacy bago nito maisipang mag-Medisina. While he took up Business Administration.

Toby stayed there for good dahil nandoon rin naman ang pamilya nito. At ngayon,nandito ito sa Pilipinas na ipinagtataka niya dahil ang alam niya wala na itong balak bumalik pa. Parang may pinagtataguan ito. But whatever his reason is, wala na siyang pakialam doon. He's just happy he returned.

Nagpaalam na siya sa mga magulang niya pagkatapos ng kanilang pag-uusap. Umuwi muna siya sa kaniyang condo unit. He wanted to rest for awhile. Dahil ngayon lang niya naramdaman ang pagod niya sa buong linggong pagtatrabaho.

-----------------

"Ang sexy!" narinig niyang saad ni Toby sumipol pa ito.

He's with Toby and Karl. Nasa isang bar sila kung saan naging tambayan na nila. Lagi na sila sa bar na iyon kaya't nagkaroon sila ng VIP access. And VIPs should have the bests that's why they are here sitting at the soft sofa. At nakatingin sa mga nagdadaanang tao at sa mga tao sa ibaba nila. They are at the second floor kaya kitang-kita mo sa kinaroroonan nila ang mga tao sa first floor.

Kanina pa sila roon kaya kanina pa sila nakapagkumustahan at ngayon na sawa na sa mga pagmumukha ng isa't-isa, ayan at nagkanya-kanya na sila ng mga gagawin upang may mapaglibangan. But he just sit there and drink silently. Dahil hanggang ngayon wala parin siyang naiisip na solusyon sa problema nya.

Binatukan ito ni Karl. "Napakababaero mo talaga! Kaya ka laging napapahamak!"

"Hey! I'm just admiring the gifts of God to us! Tsaka isa ka rin namang babaero!"Binatukan ito ni Toby. "Tado 'to! Makapagsalita kala mo kung sinong santo."

"Hindi naman gaya mong sobrang babaero." Karl said.

Toby just ignored him.

Kinalabit siya ni Karl nang mapansin nitong tahimik lang siya. "Hey man, what's bothering you?"

"Damn! English, men! English!" sabat ni Toby. Karl just gave him a talk-again-and-you're-dead-look. Toby just shrugged his shoulders and grinned.

"I need to find a woman."

Tumaas ang kilay nito. Napatingin din sa kanya si Toby.

"Do not give me that looks, monkeys. Kailangan ko ng babaeng pwedeng magpanggap na maging girlfriend ko kahit isang buwan."

"Bakit?"

"My loving father wants me to get married to the daughter of his bestfriend. Of course I refused! I told him that I am dating someone and planning to take it to the next level."

Napatango naman ang mga ito.

"That would be very easy for you. Hindi na yan pinoproblema pa."

"The thing here is ayoko ng babaeng magkakaroon ng feelings sa akin, Karl. Para kapag tapos na ang pagpapanggap, hindi na niya ako hahabul-habulin."

"Ay problema nga yan, pare. Alam mo naman tayo, mga naggwagwapuhan. Mahihirapan tayong hindi i-resist ng mga kababaihan." mayabang na sabi ni Toby.

" So you need to find a girl that has no feelings on you. What about your secretary? Hindi naman 'yon makakatagal kung may feelings siya sayo 'diba?" saad ni Karl. He knew her secretary dahil nagpupunta rin naman ito sa kumpanya niya.

Napaisip siya.Oo nga. Ang kaisa-isang babaeng hindi niya nakitaan ng pagkagusto sa kanya..or just he thought?

"Hot, girls." narinig niyang saad ni Toby. But he just ignored it. Lahat naman ng babae para dito ay hot.

"Toni? Si Toni ba iyon?" tamango siya dahil akala niya tinatanong nito kung ano ang pangalan nito. "No. What I mean is, is that Toni?" sinundan niya ang tingin nito only to find out that Toni is sitting near to them looking like a goddess on her dress. May mga kasama itong dalawang babae na kapwa rin magaganda. But all his attention is on Toni. ALONE.

"You, guys, knew them?!"

Nakatingin lang siya kay Toni kaya si Karl na ang sumagot. "Nope. Just her. The one wearing black."

"Who is she?"

"She's my secretary." sagot niya dito habang nakatingin pa rin sa kanyang sekretarya.

"F*ck! My ex!" rinig niyang sabi ni Toby pero hindi na niya ito pinansin. Busy siya sa pagtingin sa kanyang sekrtarya

----------------

Sorry sa errors. I'm just using my tablet so.....

Anyways, enjoy! haha! sorry for the lateeee update! Simula na kasi ng pasukan and I'm on my last year na as a college student (sana nga at last yeae ko na hahahaha) at busy busyhan sa thesis, exams, quizzes, internships, etc. HIHI.

--PV

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon