Chapter Twenty-one - New Year

143K 1.9K 18
                                    

Masaya ang pagsalubong nila ng Bagong Taon.

They sticked to their plans. Umalis sila ng 6:30 sa Balintawak at nag-umpisa nang bumyahe. Nagtaka nga lang siya dahil ang nagmaneho kay Sab ay si Toby. Kina Cheska naman at mommy nito ay si Karl. Kaya tatlong sasakyan lang sila ngayon. Ayos na rin iyon para tipid sa gas. Isa pa, para hindi na rin siya mag-alala sa mga ito lalo na kay Sab na disididong magmaneho kahapon. Napailing siya. Mukhang may itinatago na kanya ang mga kaibigan. Humanda ang mga ito sa kanya dahil kukulitin nya ang mga ito. Pero hindi na muna ngayon. Mas may dapat pa syang isipin kaysa pakialaman ang buhay pag-ibig ng mga ito.

Naunang magpa-alam sina Sab dahil mas mauunang daanan ang bahay ng mga ito. And yes, kasama nito si Toby na nagmamaneho pa rin hanggang ngayon. Excited tuloy siya sa kung ano ang meron sa mga ito ngayon.

Sumunod silang nagpaalam kina Cheska dahil malapit na sila sa kanto papasok sa baryo nila. Tinanong din niya si Karl kung saan sasama ito sa kanila, afterall siya rin naman ang nag-aya rito, pero ang nanay na ni Cheska ang sumagot.

"Toni, sa amin na matutulog si Karl! Ipapapikot ko pa itong anak ko eh."

Natawa sila sa sagot nito.

" 'My, naman!" wika ni Cheska sa ina.

"Ay gusto ko yan, Tita." pagsasakay ni Karl.

"Mukha mo! Hinding-hindi mangyayari 'yon!" kontra agad nito.

Inawat na niya ang mga ito bago magkapikunan. "O sya, mauna na kami. Bye Tita, Cheska, Karl, galingan mo sa pagpikot!"

"Isa ka pa!" wika sa kanya ni Cheska. "Geh, bye."

Natawa siya.

Kumaway naman si Karl kay James. Ganoon din ang ginawa ni James.

Nauna nang umalis ang mga ito. Hindi naman na malayo ang ibabyahe ng mga ito. Sakatunayan ay liliko na ang mga ito sa kabilang kanto na tanaw na tanaw niya.

Pasado alas-onse na ng gabi sila nakarating dahil huminto pa sila para kumain kanina. At as usual, sinalubong sila ng pamilya niya with open arms.

Nagkwentuhan lang sila sandali at pumanhik na rin sa taas upang matulog na.

This time, humiwalay muna siya ng kwarto kay James. Wala lang, trip lang niya. Gusto niyang magpa-miss dito. Hihi.

-----------

Kinabukasan, nagtext si Cheska na sabay-sabay na silang mag-grocery. So, they did. Nagpunta sila sa isang kilalang mall sa bayan at doon nag-grocery. Naiirita pa siya dahil panay ang tingin ng mga tao sa kanila. She really hates attention.

Tinignan niya ang mga kasama niya. Si Toby ang nagtutulak ng cart habang hawak-hawak ang kamay ni Sab.

Si Karl naman ang nagtutulak sa cart ni Cheska. Pero hindi sila holding hands ah. As if naman papayag si Cheska. Sadista 'yon e.

Sila naman ni James? Ito at nasa tabi niya habang tinutulak ng left hand nito ang cart nila. Nasa kabila naman ng hawakan ang right hand niya upang itulak din ang cart. Kung tinatanong ninyo kung nasaan iyong isa nilang kamay ay ayon, magkaholding hands!

Iyon siguro ang dahilan kung bakit sila pinagtitinginan ng mga tao o mas magandang sabihin na si James. Nangangati na nga siyang tusukin ang mga matang tumitingin sa kanila ng may malisya e. Kaya lang ayaw muna niyang makulong. Ikakasal pa sila no! O mas maganda kung lagyan niya na lang ito ng banner na nagsasabing 'Taken and soon to be married.' Pero naisip niya, mas maganda kung halikan nalang niya ito sa harap ng maraming tao para naman mamarkahan na niya ito. Isa pa, mas masarap nga naman iyon kung sakali. He-he!

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon