It's 22nd of December.
Wala na silang pasok ngayon. Long vacation for the employees at preparation na rin sa Christmas Party nila. Kaya kahapon, Lunes, halos hindi sila magkamayaw sa dami ng ginagawa! Lalo na siya dahil bilang sekrearya ni James, tungkulin niyang i-discuss dito lahat ng nangyari habang wala ito at ibigay dito ang mga dokumentong kailangan nitong pirmahan. Idagdag pa sa kabusyhan niya ang pakikipag-usap sa kinuha nilang event organizer.
Kaya heto siya ngayon, nakahiga sa kanyang kama habang kumakain ng Kettle corn na ibinigay sa kanya ni Cheska noong nagkita sila. It is one of their favorite foods lalo na kapag nanonood sila ng mga movies. She wonder kung makakapanood pa sila ng movies kapag may asawa na siya?
She sighed. Hindi naman siguro siya ikukulong ni James sa magiging bahay nila.
Her thoughts was interrupted by a call.
Boss calling...
Her heart beats fast! Malaki na talaga ang epekto nito sa kanya.
"Magandang tanghali, sir!" masiglang bati niya dito.
"Yeah. Where are you?"
"Bahay po. Why?"
"Good. I'm here in front of your house."
"What?!"Agad siyang bumangon at nagpunta sa veranda ng kanyang kwarto. Then there he is, standing at nakashades pa. "What are you doing in front of my house?" tanong niya dito.
Lumingon ito sa direksyon niya. "Can you at least go downstairs at ipagbukas ako ng gate? Toni, mainit." tila naiinis na wika nito.
Oo nga naman. Kahit kasi December na ay napaka-init pa rin ng panahon lalo na at tanghaling tapat.
"Yeah, right. Wait." the call ended. Dali-dali siyang bumaba. Sa pagmamadali niya, hindi niya nakita ang nakaharang na naging dahilan upang masaktan ang hinlalaki niya sa paa.
She silently cursed at upang makabawi, tinadyakan niya ang upuan. Kaya ayon at dumoble ang sakit ng paa niya.
"Katangahan nga naman, oo!" wika niya.
Paika-ika siyang lumapit sa gate.
"Pasok kayo, sir." paanyaya niya dito.
Napansin siguro nito ang paglalakad niya kanina dahil nakakunot ang noo nito habang tinitignan siya.
"What happened to you?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
"Ah wala. Tatanga-tanga kasi iyong upuan. Nakita na ngang parating ako, hindi pa gumilid."
"You're so careless. Look, it's already bleeding." ngayon lang niya napansin na dumudugo na pala ang hinlalaki niya.
"Ah wala ito." she smiled trying to hide the pain.
"Don't smile like that."
"Ay bakit, sir? Nagagandahan kayo sa akin?" tanong niya dito sa mapanuksong tinig.
Tinignan siya nito na parang isa siyang baliw. "Because you look retarded. Tignan mo nga iyang ngiti mo. It didn't even reach your eyes. Come on. Linisan na natin iyan at baka lumalala pa."
Napasimangot siya doon. Akala pa naman niya nagagandahan ito sa kanya. "Wala ito, Sir. Kaya ko na to. Isa pa, malayo sa bituka." nag-approve sign pa siya dito.
"Anong gusto mo, ilapit natin? No more buts, Toni."
She sighed. "Fine."
BINABASA MO ANG
The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)
RomansaAt the age of 29, Antonette has everything. Well, ALMOST. She wants to settle down. She wants to have a FAMILY. A BABY. Ang kaso, walang syang BOYFRIEND o kaya MANLILIGAW man lang! Ni wala nga syang social life! Papaano ba naman kasi siya magkakaro...