Chapter Five - Problem

161K 2.8K 26
                                    

Three months have passed. She's in a mall right now to unwind. It's her one way to relax.

She's at the grocery store when she saw a happy family. Sa palaga'y niyay mas matanda pa siya kaysa sa mag-asawa. The father's carrying cute little boy na sapalagay niya'y 2 years old. Halata mata ng mga ito ang saya. Saya ng pagkakaroon ng isang magandang pamilya.

"Hey baby, do you love daddy?" narinig niyang tanong ng ama sa anak.

"Yesh." sagot ng bata habang ngumunguya ng marsh mallows.

"How about mommy? Do you love mommy, baby?" tanong ng ina sa anak.

"No."

Natawa ang ama sa sagot ng anak. "Hahaha! Anak ng.. lika baby, bili tayo ng candies."

"Sige pagtulungan ninyo ako. Ganyan naman kayo lagi eh. Pinagtutulungan ninyo akong mag-ama." Nagtatampo kunwaring saad ng nanay.

"Hahaha! Ito naman si honey hindi na mabiro. Love, sweet, darling, chocopie, misis, wag ka nang magtampo. Hindi ka man mahal ng anak natin, nandito naman akong kayang ibigay ang pagmamahal sayo ng dalawang tao. Love you, love." sabay smack kiss sa lips ng babae.

Namula naman ang babae sa tinuran ng lalaki. "Hoy! PDA 'tong unggoy na 'to."

"Gustong-gusto mo naman."

"Ewan ko sayo." Tinignan nito ang bata. "Baby, do you love mommy?"

May ibinulong ang tatay sa anak.

"Yes mommy. I love you. Pahingi pambili ng toys."

Natawa na naman ang asawang lalaki.

"Ikaw talaga kung anu-ano tinuturomo sa bata." Kinuro't-kurot nito ang asawa. Pero ang kurot na iyon ay halatang may kasamang pagmamahal.

"Hahahaha! I love you, love." Sabay kiss ulit. Pero sa noo naman na ng babae ngayon.

Tumalikod na siya. Eh sa hindi ko mapigilang mainggit eh.

Siya kaya kalian magkakaroon ng ganoon kasayang pamilya?

--------

Alas syete na nang makarating siya sa bahay niya. She checked her phone. It has 8 missed calls from Antonya, her sister.

Bigla siyang kinabahan. Hindi naman tatawag ng ganoon ang kanyang kapatid kung hindi ito importante.

She dialled her sister's number. After 4 rings, sinagot na ito ng kabilang linya.

"Hi ate! Kumusta?" masayang bati nito.

"Ayos naman. Bakit ka tumatawag? May nangyari ba kina Papa at Mama?" nag-aalalang tanong niya dito.

"Ay wala naman ate! Ayos na ayos nga sila eh." masiglang sagot nito sa kanya.

"So, bakit ka tumatawag?"

"Ate, ikakasal na kasi ako!" tila kinikilig na sabi nito.

Nagulat siya sa sinabi nito. "I-ika...ikakasal ka na?"

"Oo ate. Bakit parang malungkot ka at ikakasal na ako?"

"Hindi naman. Nabigla lang. Ang bata-bata mo pa para ikasal."

"Ate naman. 25 na ako, hello?! Hindi na bata 'yon 'no!"

"Bakit parang ang bilis naman? Buntis ka ba?" naku wag naman sana kung hindi mapapatay kitang haliparut ka!

Tumawaito sa kabilang linya. "Ate naman! Por que ikakasal,buntis agad? Di ba pwedeng nagmamahalan muna at ayaw nang pakawalan ang isa't-isa?"

"Ang korny mo, alam mo 'yon?"

"Ay oo te. Ganyan nga rin sinabi nina mama at papa saakin. Well, ganyan talaga nagmamahal." Naiimagine niyang kinikilig na naman ang kapatid niya.

"O siya. Kailan naman ang kasal?"

"Sa November 28, Ate."

" Ha?! Ang bilis naman yata masyado. Less than a month nalang ha."

"Uy Ate! Matagal na 'yon para sa amin, 'no!"

Napakamot nalang siya ng batok. "O siya. Pakausap sandali kina Mama."

"Hello, anak?" sagot ng mama niya.

"Ma, ikakasal na raw si Tonya?"

"Ah oo. Namanhikan na kanina sina Eduard eh." Sabi nito na ang tinutukoy ang kasinatahan ng kanyang kapatid.

"Ang bilis naman yata, 'Ma. Ang babata pa nila ah."

"Anong bata? Kami nga ng Papa mo, nagpakasal kami nang kami'y beinte-uno anyos. Kaya hindi na'yon bata, anak. Nasasabi mo lang na mga bata pa sila dahil wala ka pang asawa. Kailan mo ba balak magkaroon ng pamilya, anak? Aba'y naunahan ka pa ni Tonya, ha."

Ito na naman po kami. "'Ma,darating din tayo diyan."

"At kalian naman darating 'yon? Kung matatanda nakami? Kung lulumpo-lumpo? Aba Antonette! Pangarap ko pang kami makarga ang apo ko sayo!"

"Opo, 'Ma. Wag kayong mag-alala. May ipapakilala ako sainyo pagdating ko diyan." Syet! Did I just say that?

"Talaga?!" Biglang sumaya ang boses nito. Nakonsensya naman siya sa pagsisinungaling niya. Gusto sana niyang bawiin pero wag nalang. Masaya na ang mama niya, eh.

"Opo, 'Ma. Nasaan pala si Papa?"

"Naku! Nadoon at pinagmamayabang na ang nalalapit na kasal ng kapatid mo. Naku sigurado ako't matutuwa 'yon dahil sa wakas may ipapakilala ka na rin sa amin ng Papa mo. Alam mo bang sabi na sabik na kaming magka-apo? Naku! Nae-excite ako, Toni!"

Napabuntong-hininga nalang siya. Ramdam niya ang saya ng Mama niya. Naku paano ko ba 'to malulusutan?

"Sige po 'Ma. Kita-kita nalang po tayo sa kasal. Love you, 'Ma"

"Sige, anak.Mag-iingat ka lagi, ha? Love you too. O siya at ako'y nae-excite na talaga."

Binaba na niya ang phone. Shemay, Antonette Darang! Kailangan mong malusutan 'to!

-----

Gash! haha! Ayan! Mahaba-haba na ngayon. Kailangan kong bumawi e. Nainspire kasi ako dahil may tatlong votes tsaka 90+ na reads! haha! Actually na-type ko na 'yong other parts dati palang nung nasa Laguna pa ako (nag-intern kasi ako dun) kaso hindi ko mai-publish dahil unang-una, walang internet tsaka busy hehe. O sya. Sana magustuhan nyo.

Vote. Like. Comment. Spread the LOVVVVEEEEE!

Weeeehhhh!

--PV

The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon