It's her sisters wedding.
She's happy for her sister that finally, nahanap na nito ang makakasama nito habang-buhay. Ngunit syempre, hindi siya robot para hindi makaramdam ng inggit dito.
Inggit dahil hanggang ngayon wala pa rin siyang nobyo. Meron nga ngunit sa papel lang lahat ng iyon. At nakikinita na niyang mamumuhay syang mag-isa kalaunan.
What a life! Siya ang panganay ngunit siya pa ang napag-iiwanan ng panahon.
"Sis, you're so beautiful." puri niya sa kapatid pagpasok niya sa silid nito. Her sister is wearing a nice tube white gown na bumagay sa kayumangging kulay nito.
"Sis, this is it!" excited na saad nito.
"Yes. Are you excited?" nakangiting tanong niya dito.
"Of course! I'm so excited! At last! Ito na kami't ikakasal!"
Ngumiti siya dito. "I'm so happy for you. Best wises for the both of you. Just remember I'm always here for you. Kahit naunahan mo pa ako sa pagpapakasal... I am and will always be your ate." lintik, naiiyak siya!
"Ate!" bigla siya nitong niyakap ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang pamamasa ng mga mata nito. "Thank you for everything. Kung wala ka, wala ako ngayon sa kung anuman ako ngayon. Utang na loob ko sa iyo lahat, ate." kumalas na ito sa pagkakayakap. "At saka, wag kang mag-aalala. Malapit ka na ring ikasal. Wag lang muna ngayong taon dahil sukob. Hindi bale at November naman na." natawa sila pareho.
Saktong pumasok ang kanilang ina habang sila'y nagtatawanan. "Mukhang masaya mga anak ko, ha?"
Lumapit sila dito at niyakap ito. "Mama."
"Ang mga anak ko, ikakasal na." hinalikan sila nito sa noo.
"You're always be the best mother." saad niya at hinalikan ito sa pisngi.
Naluluha na ito. "Parang-awa nyo na. Huwag nyo akong papaiyakin sayang ang make-up ko." natawa naman sila sa sinabi ng mama nila.
-----------------
Nakita niya si James na nakikipagtawanan sa papa at sa kapatid niya.
Sa pamamalagi nila roon, nakita nya ang ibang side ni James. He's so caring at marunong makisama. Minsan nagigising siya ng hating-gabi at nakayap ito sa kanya. So she just let herself enjoy his hugs. Paminsan-minsan lang naman.
And yes, they sleep together pero wala namang nangyayari. Sabi nga nito 'he respects her'.
"James." agaw pansin niya rito. Lumingon ito sa kanya at muntik nang malaglag ang kanyang panga. He's so handsome with his three-piece suit. Ito na kasi ang bestman dahil nagkaroon ng emergency ang totoong bestman. Siya naman ang maid of honor. Kaya silang dalawa rin ang partners.
"Yes, love?" she blushed. Bakit kasi hindi siya na masanay? nakagawian na kasi nitong tawagin siya sa iba't-ibang endearments. Katulad nalang ngayon, love naman. Siguro pakitang-tao lang nito iyon sa mga taong nakapaligid sa kanila.
"Aalis na tayo." bumaling siya sa ama. "Papa, aalis na ho tayo." mag-uumpisa na kasi ang seremonya.
"Sige. Halika na Tom." tawag ng papa niya sa kapatid.
"Saan mo gustong sumakay?" tanong niya kay James nang mapag-isa sila.
"Sasakyan ko nalang ang gamitin natin."
"Ok."
Pinagbuksan siya nito ng pintuan. Sweet.
He started the car's engine pero bago nito paandarin ang sasakyan, tinignan muna siya nito ng matagal. "You're so beautiful with that dress." he said. Then he drove.
Namula siya sa sinabi nito. Teka, pwede bang sumigaw?"Ikaw rin." saad niya rito habang nagdridrive ito.
Tumaas ang kilay nito. "Beautiful din?"
Natawa siya. "Nope. Dashing." Ngumiti ito. Iyong tipong rare makita.And her heart melted.
-----------
After the wedding, nasa bahay na sila para sa reception ng kasal. Ganoon kasi sa probinsya. Laging ang reception sa bahay ng babae o kaya ng lalaki pero kadalasan sa bahay ng babae.
Nandoon ang kanyang mga pinsan at mga tito't tita na kanina pa kantiyaw ng kantiyaw sa kanilang dalawa ni James pero more on sa kanya.
"Teka nga, kailan nyo ba balak magpakasal?" tanong ng kanyang Tita Mylene.
"Wala pa ho sa usapan namin Tita."
"Aba'y dapat nagpaplano na kayo. Sayang rin naman kasi ang panahon, iha. At nang makarami kayo." saad nito na ikinatawa ng mga pinsan niya na siya namang ikinapula niya.
"Huwag kayong mag-alala tita, i-aadvance na namin nang makarami." biro ni James dito. Siya naman pulang-pula na sa kahihiyan.
"Yeah, boy! Maganda yan!" suhol naman ng isa niyang pinsan. "Insan, paano ba kayo nagkakilala nitong si James?"
"Siya ang amo ko. And the rest is history."
"Ah. Pare, may ilang buwan ka pa para pag-isipan kung itutuloy mo ang kasal." sabi nito kay James.
Ngumiti si James at tinignan siya. "Wala na akong balak na mag-isip pa. Walang-wala na." the way he looked, para bang sinasabi nitong, 'I'll die if I let you go.' Pero syempre, she knew better. Palabas lang iyon lahat.
Biglang may tumunog na kutsara't tinidor. "Kiss! Kiss!" pero hindi sa mga bagong kasal ang sinasabihan noon kundi sila.
Hindi siya mapakali. Nag-isip siya ng maidadahilan niya. "Sa kasal nalang." sabi niya habang pulang-pula.
"Ang kj mo naman, insan."
Narinig niyang natawa si James.
"Toni." tawag sa kanya ni James. Lumingon siya dito and she was shocked to the next thing he did....He kissed her! HE KISSED HER!
It was a long kiss na lumapat lang ang labi nito sa kanya. Pero hindi nya mapigilan ang pamulahan. Mabuti nalang at nakaupo sila dahil kung hindi baka natumba na siya sa sahig dahil ang mga tuhod nya, naging jellies.
Ganoon pala ang pakiramdam. It feels heaven! Matapos ang halik na iyon, hinalikan uli siya nito sa noo. The people in their table cheered!
"Ang sweet naman!" saad ng tita nya.
"Isa pa! Isa pa!" sigaw ng kanyang pinsan. Kaya binigyan niya ito ng matalim na tingin. "Sabi ko nga, tama na! Tama na!" bawi nito
Oh my! She just had her very first kiss!
---------
Very short :D
bawi nalang next time.
--PV
BINABASA MO ANG
The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)
Roman d'amourAt the age of 29, Antonette has everything. Well, ALMOST. She wants to settle down. She wants to have a FAMILY. A BABY. Ang kaso, walang syang BOYFRIEND o kaya MANLILIGAW man lang! Ni wala nga syang social life! Papaano ba naman kasi siya magkakaro...