Two days before her sister's wedding napagpasyahan nilang dalawa ni James na umuwi na sa probinsya nila. Wala rin naman kasi silang masyadong gagawin sa opisina.
Opisina... Speaking of opisina, alam na rin ng mga katrabaho nya na 'engaged' na silang dalawa. May mga ibang napataas ang kilay pero karamihan naman ay masaya para sa kanila.
Everything is going smoothly according to their plans. Napagkasundunan na rin nila ang tungkol sa baby.
Napagkasunduan nilang magiging ama ito sa bata pero nasa kanyang poder ito kung sakali mang dumating ang panahon na dapat na silang maghiwalay.
Hindi man iyon ang pinangarap niyang buhay, wala na siyang magagawa pa. Tila iyon na kasi ang nakatadhana sa kanya--Ang maging isang single mom. She sighed at that thought.
Minsan may mga bagay talaga tayong gusto pero hindi maibigay sa atin ng nasa itaas. Pero madalas, lahat ng ayaw natin, iyon ang nakatadhana sa atin. Masakit mang isipin pero ganoon talaga ang buhay.
On their way back to Pangasinan, napagpasyahan muna nilang kumain sa Tarlac. Gutom na kasi ito. Sabagay, ganoon din naman siya.
Habang hinihintay ang kanilang order, may inilabas itong maliit na kulay maroon na box. "Here. Wear this." tumaas ang kilay niya. "Wear this para malaman na nilang malapit na tayong ikasal. Nang sa ganoon ay hindi na sila mabigla pa sakaling ikasal man tayo next week."
"What? Next week? That fast?" gulat na tanong niya.
"Hey, chill. SAKALI lang naman." Tumango siya.
Kinuha nito ang kamay niya at isinuot nito sa palasingsingan niya ang isang silver ring na may korteng puso na napalilibutan ng diamonds. Maganda. Magangdang-maganda. At kinikilig siya. Hay, kung sana totoo ang pagpapanggap nila. Pero katulad nga ng nabanggit, isa lang iyong PAGPAPANGGAP. Napasimangot siya sa naisip.
"Why? Don't you like it?" tanong nito nang mapansing nakasimangot siya.
"N-No! I love it! Pero Sir, hindi nyo naman kailangan pang gumastos ng mahal para lang sa set-up natin. Ayos na ako sa lubid o kahit wala pa."
"How many times do I have to tell you to call me James, Toni? One more thing, I want the bests of all the bests. Kaya ko ibinigay sayo iyan ay dahil gusto kong maging kapanipaniwala itong ginagawa natin. And everybody knows that so I don't think giving you nothing would help us in succeeding our plans. Besides, you don't have to worry about the cost of that ring. I can buy thousands of those if I want to." Oo nga pala. Nakalimutan niyang isa pala ito sa mga pinakamakapangyarihang tao sa bansa.
She sighed. "O-okay, James." tumango ito sa kanya.
-----------
Tanghali na nang makarating sila. Sinalubong agad silang kanyang ina.
Niyakap siya nito ng mahigpit. "Jusko bata ka! Namiss kita! Kung hindi pa ikakasal ang kaptid mo, malamang hindi ka pa rito uuwi." may bahid ng pagtatampo sa boses nito.
Nagmano siya rito. "Ma naman. Uuwi naman po ako. Marami lang kaming ginagawa sa opisina." tumikhim si James sa likuran niya. "Ay Ma, si James po, f...fiancee ko po." medyo nautal pa siya sa pagkakasabi ng 'fiancee". Dapat pala sinasanay na niya iyon.
"Magandang umaga ho, Tita."
"Feeling close 'tong sungit na 'to." piping usal niya.
"F...Fi...Fiancee?" nauutal rin na saad ng ina niya. Noon lamang yata nito napansin ang singsing na nasa daliri niya.
Inakbayan siya nito. "Opo Tita. Pasensya na ho at medyo biglaan. Ayaw ko na po kasing pakawalan si Toni." wika nitong nakangiti. Hinalikan pa siya nito sa kanyang sentido.
BINABASA MO ANG
The Virgin's Boss (Completed and Slightly Edited)
RomanceAt the age of 29, Antonette has everything. Well, ALMOST. She wants to settle down. She wants to have a FAMILY. A BABY. Ang kaso, walang syang BOYFRIEND o kaya MANLILIGAW man lang! Ni wala nga syang social life! Papaano ba naman kasi siya magkakaro...