PROLOGUE
Ang daysary, weeksary, monthsary o anniversary,ay hindi batayan upang masabi mong nagmamahalan nga kayo ng parter mo.
Maaaring nasa iisang bubong nga kayo, pero magkaiba naman ang nararamdaman niyo.
Maaaring magksama nga kayo , pero iba naman ang nasa isip niyo.
Maaaring binansagan nga kayong 'COUPLE' , ngunit taliwas ito sa nararamdaman niyo.
Pano pa masasabing nagmamahalan ang isang couple kung iisa lang ang nagmamahal?
Kung ikaw lang ang lumalaban?
Gagawin mo ba ang lahat mahalin ka lang ng taong mahal mo?
Makakaya mo pa bang masaktan ng paulit-ulit?
Makakaya mo pa bang tiisin ang sakit ng pagkakatali sa taong di naman kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo?
Ipaglalaban mo pa ba siya?
O susuko ka na lang bigla?
Dahil sa bawat panahon na ipinaparamdam mo sa kanya kung gaano siya kahalaga , maaaring magbago ang ihip ng tadhana.
***
BINABASA MO ANG
Buhay Ng May Fiancé
Teen FictionMeet Anne, ang ultimate Ms. Maldita. Meet Jason, the ultimate Mr. Cold. Sa umpisa pa nga lang, hindi na sila magkasundo. Pano pa kaya kung sila'y pinagsama sa iisang bubong?