CHAPTER 5
[Anne's POV]
''And this will be your room. Ayan kitang-kita ang pool, may sliding glass door and there's the terrace. Over there is your comfort room. May bath tub and jacuzzi na jan for your convenience. That's your wardrobe, sofa, tv, casette player, study table, and so on. Just explore it yourself. And the most beautiful part? Here. Tanan! It's your bed! With laces and comforters na yan as you can see and it's very comfortable to sleep for the both of you. This is house is very great right?''
Ansabe kooo?
NGANGA.
Grabe. Planado talaga lahat? Ang super super ganda ng bahay. Ang galing mamili ni Tita Janet. (Mom ni Jason) I can't believe it. Pero duh. Patutulugin daw kami sa iisang kwarto.
THERE'S NO NO NO WAY!
''What do you think Anne?' Do you like it?''
''Ah yes tita. Napakaganda po.'' sabay smile sa kanya.
''Pero tita pwede po bang separate kami ng kwarto ni Jason?''
Please po. Pumayag ka na. Ayokong makatabi ang sademonyong nilalang. Baka kung ano pang gawin niya sakin eh.
''No way! Kaya nga master's bedroom to diba? Because it is exclusively and intended for the two of you. And besides, ikakasal naman na kayo. So no worries.''
Nakangiti at naka puppy eyes pa si tita. Ayoko talaga!
''Mom. Don't you know the word privacy?'' Jason. (Buhay pa pala to. XD)
''Anak naman. Ipagkakait niyo pa ba samin ng parents niyo ang kaligayahan namin? Minsan na nga lang ako magrequest sa inyo, you'll just dissapoint me?''
Naku po. Ayun. Maluha-luha si tita. Nakakaguilty. Eh pano pinagka abalahan niya tong bahay. From the best architectures and architectural structures, interior and exterior designs, furnitures, pools, at marami pang iba. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya. Kaya no choice ako. For the sake of tita Jane, with all my pride and beauty, fine! Payag na akong makasama si Jason sa iisang kwarto but this doesn't mean na magkatabi kami sa kama ah? Mga utak niyo.
''Sige na po tita. We'll share the same room po.''
Pinandilatan ko naman si Jason at mukang nagets naman niya yung look na 'maki ride ka na lang'.
''Fine. Do what you want.''
''Really? Yes! That's a deal ah. Dapat magkatabi kayo ok?''
Ngumiti lang ako.
''Oh siya. I'll leave you na. Goodbye Anne! Bye baby! Goodluck. Lavyea!''
Baby? HAHA. Ok. Nagwave na si tita tas sinimulan nya yung engine ng sasakyan niya. Ayun nakaalis na din sa wakas. Pagkasara ko ng gate, pumasok na ako, pagbukas ko ng pinto ..
''Ay bisugong palaka!''
Nagulat ako. Obvioous naman diba? Eh paano pangit na pagmumuka lang naman ni Jason lang naman ang bumungad sakin.
''Ano ba?! Ba't ka nanggugulat?!'' sigaw ko sa kanya.
''Ginulat kita? Excuse me nakatayo nga lang ako dito eh. OA mo.'' putik talaga to.
''Eh ano ba kasing gingawa mo jan?''
''Mag-usap tayo. Just to clarify things up.''
''Tanga ka ba? Ano sa tingin mo tong ginagawa natin? HIndi ba to nag-uusap? Tch.'' totoo naman eh.
''Stop playing around will you?''
May pa singkit-singkit pa siya ng matang nalalaman. Maasar nga.
''Playing around? Where's the playground? Playing with whom? You? So ano ka? Laruan?''
I said with matching evil smile and grin.
''ISA!''
Sigaw niya. Natakot naman daw ako dun.
''Eh ano nga kasi yun! Kanina ka pa paligoy-ligoy eh! Straight to the point na nga kasi! Bwisit to!''
Ang dami dami pa kasi niyang ka ek ekang nalalaman eh. Sipain ko kaya?
''About what mom said earlier.''
Oh anong point?
''Oh so?'' Mataray na tanong ko.
''We'll be in separate rooms dahil ayokong makatabi ang isang babaeng walang kasing sama ang ugali at baka marape pa ako.''
LAWAK NG IMAGINATION!
Sabihin niyo nga? Sang lupalop ng earth niya nahugot yang mga pinagsasabi niya?
''Excuse me lang ha? Bakit sa tingin mo gusto kitang makatabi? Umoo lang ako kanina para wala ng masabi yung nanay mo. Tanga. At bakit ko naman gugustong matabi sayo? As if naman gusto ko. In your stupid face.''
''Asus. Kunyari ka pa. If I know..''
Bigla siyang lumapit sakin, ako naman napa atras. Ay malamang, alangan namang papalapit siya sakin, lalapit din ako sa kanya? Hanggang sa nacorner ako sa may pinto. Palapit parin siya ng palapit. Oh my god. Don't tell me he will kiss me? Yucks eww! Pero kinakabahan ako. Lumapit pa siya tas niligay niya yung kanang kamay niya sa may pader at as in 3 inches nalang ang agwat namin. Shocks.
''A-anong g-gawin mo?''
Gosh. Why am I even stummering? Lumapit pa siya as in, ako naman pumikit na.
1 sec. 2 secs. 5 secs? Bakit walang dumdampi sa labi ko? Ikikiss niya ko diba? Ang tagal ah.
''HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!''
Putik! Ang hambog? Ayun tatawa-tawa habang hawak yung tyan! Bwisit.
''Anong akala mo? Ikikiss kita? HAHAHA! ASA!''
Caps lock kasi wagas-wagasan lang. Leche. Sige tawa pa.
''Sige tawa pa hanggang sa malagutan ka ng hininga.''
''Bitin ba? Sinasabi ko na nga ba eh. Crush mo ko.''
Sabi niya at tumalikod na.
''Oo. Crush kita.''
Napahinto naman siya sa sinabi ko. Akala niya ah? Sige. Lumapit ako sa kanya hanggang sa magkatapat na kami. I did my very seductive smile at biglang napalitan ng isang super-scien look.
''Crush kita? In your dreams! Kahit ikaw pa ang kahuli-hulihang lalake sa mundo, hinding-hindi ako magkakagusto sayo! Leche!''
Sabay sipa sa binti niya. Achievement to men! Mwahaha!
Day 1 with him?
IT'S A NIGHTMARE.
***
BINABASA MO ANG
Buhay Ng May Fiancé
Teen FictionMeet Anne, ang ultimate Ms. Maldita. Meet Jason, the ultimate Mr. Cold. Sa umpisa pa nga lang, hindi na sila magkasundo. Pano pa kaya kung sila'y pinagsama sa iisang bubong?