Chapter 13 : Dwight

136 6 2
                                    

CHAPTER 13

***

"Ahm, ayos ka lang ba talaga?" tanong ko kay Dwight. Nasa clinic kasi kami ngayon.

"Oo naman. Malayo to sa bituka no. Haha."

"I'm sorry talaga ha?"

"Uh. It's okay. And wag mo sanang mamasamain ah? Pero could you stop telling me you're sorry? Yan kasi ang pinaka-ayaw kong salitang naririnig eh."

"A-I'm sorry. I-I mean, d-di ko talaga sinasadya. Haist. Grabe talagang kahihiyan yung kanina."

"Normal lang yan haha." sabi niya sabay gulo ng buhok ko? Heey!

"Ano nga ulit pangalan mo?" tanong niya.

"Uh. Roxanne pero tawagin mo na lang akong Anne." tapos nginitian ko siya.

"Anne?"

"Yes."

"ANNEganda naman ng pangalan mo. Kasing ganda mo."

Enedew? Emerged!

"Haha. Di rin." Feeling ko tuloy nagba-blush ako. Haha

"Ba't ka namumula?" mapang-asar niyang tanong.

"Kasi mainit." Totoo naman ah.

"Hot kasi ako no?"

"Che! Tumigil ka na nga!" Nagtawanan lang kami. Loko-loko din pala tong lalakeng to eh. Haha. Nagkwentuhan lang kami about things nung biglang pumasok yung nurse.

"Ah, ikaw ba si Anne?" tanong niya sakin. Ay hindi baka Anne ang pangalan ni Dwight. K.

"Ako nga po. Bakit po?"

"Pinapasabi pala ni Sir Shin na dumaan ka daw ng gym mamaya bago ka umuwi."

Patay na! Naku. Baka mamaya tanggalin niya ako! Nakakasalalay paman din dito yung grades ko. HALA!

"A-ah. Sige po salamat."

Humarap ako kay Dwight para magpaalam.

"Uhm, Dwight una na ako ha? Pinapatawag kasi ako ni Sir Shin eh. And pasensya na talaga." Grabe. Ano kayang sasabihin ni sir?

Tatanggalin niya na kaya ako? Pano na yan? Pano na yung grades ko? Eh di babagsak ako nito. Hindi ako makakagraduate.

"Gusto mo samahan na lang kita?"

Hindi ako makakahanap ng trabaho. Hindi ako makakain. Papayat ako. Magkakasakit ako. 

"Anne?"

Maoospital ako tapos wala akong pambayad. Tapos gagala nalang ako sa edsa. Mamamalimos ako? Hindi ko kaya yun! Tapos kakain ako ng tira at panis? Tapos may nakita akong bente sa kalsada. Tapos tumakbo ako para kunin yun. Sayang pang cornetto. 

"Huy anne?"

Tapos nung tumakbo ako, may parating na sasakyan. Tapos nabundol ako. Tapos wala na, patay na ako. So ganito na lang magiging future ko? Masasayang lang yung kagandahan ko ng ganun-ganun lang? Huhu. Hindi ko keri to! Ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan! Teka. Hindi naman ako si Gabriela Silang no.

"Anne!"

"Ay Anne!"

"Haha! Nakakatawa ka talaga. Kanina pa kita kinakausap pero lutang ka ata."

Napakamot na lang ako sa batok ko.

"Ah ganun ba? Pasensya na ah? Hindi ko kasi maiwasang hindi mag-isip kung anong mangyayari mamaya kapag kinausap ako ni Sir Shin. Muka pa naman siyang bad mood ngayon tapos nakita niya pa yung kahihiyang ginawa ko kanina tapos hindi ko pa tapos yung evaluation ko tapos yu-"

"Relax. Relax ka lang. Sobra ka namang maparanoid. Ganto na lang, samahan na lang kita sakanaya." sabi niya.

"Huh? Ako? Sasamahan mo?" Ba't niya ako sasamahan?

"Oo." sabay ngiti. Grabe ang dimples. Sino ba namang makakatanggi dito. Jusko!

"A-ah sige." As what I've said, let's grab the opportunity. Bwaha!

So yun, okay naman na si Dwight kaya dumiretso kami ng gym para makausap si Sir Shin.

***

"Pero Sir!" 

"Wala ng pero pero Anne! Ikaw na lang ang hindi pa nakakapag evaluation ngayon. Tapos na sila sa basics at maglalaro na sila next week."

"Pero sir this friday na talaga? Hindi pa pwedeng sa saturday na lang or sa sunday or monday or pwede namang kahit hindi na sir." I smiled at him.

"Oh sige, wag na lang ha? Bahala ka na sa grades mo iha ah?"

"Huwaaaaaaaa! Sir naman eeeeh. Eh sa hindi nga po talaga ako marunong." pagpoprotesta ko.

"Kaya ka nga tuturuan ni Jason eh, para matuto ka."

"Eh bakit pa po kasi si Jason sir? Pwede namang si Dwight na lang."

Aish! Napatakip ako sa bibig ko. Nandito nga pala si Dwight. Baka mamaya isipin niya na siya ang gusto kong magturo sakin kahit totoo naman.

"Oo nga sir. Bakit hindi na lang ako ang magturo sakanya? Tutal busy naman si captain this week. Diba Anne?" sabay ngiti niya sakin. Kyaaaaaaa.

"Oh sige, bahala ka na Dwight sakanya. Pag palpak pa siya sa friday, malalagot ka sakin. Naintindihan mo?"

"Sir yes sir!" Iba rin talaga tong si Dwight. Nakuha pa niya talagang mag salute kay Sir. Haha.

"Huy! Ba't ka pa kasi nagvolunteer? Pano ka na niyan pag pumpalpak ako? Edi mas malala pa yung kasalanan ko sayo?"

"Hindi yan. Tsaka ikaw kaya nagsuggest na ako na lang magututuro sayo." sabay kindat. Bwisit to. Nangpapakilig ish.

After kaming kausapin ni Sir Shin, napagdesisyunan ko ng umuwi. Gabi narin naman kasi. Kaso itong si Dwight, wala pa yatang balak umuwi. Parang buntot sa kakasunod -.- Nung nasa may gate na kami, huminto ako at bumaling sakanya.

"Uh, Dwight?"

"Hmm?" 

Ayan na naman siya sa ngiti niya. Bakit ba ngiti ng ngiti tong lalakeng to. Haist that attractive dimple. Dumagdag pa yung itsura niya ngayon. Nasa likod yung dalawang kamay niya tapos nakatingin sakin ng diretso.

"Di ka pa ba uuwi? Sorry ah pero hanggang kailan mo ba ako susundan?" straight forward kong tanong sakanya. Tumawa lang siya.

"Haha. Actually gusto lang sana kitang ihatid sa inyo, kung okay lang sayo?"

Ha? What? No way! Baka makita niya si Jason! Di niya pwedeng malaman ang set-up namin. Patay ako kapag nagkataon.

"Ha? Hindi kasi pwede eh. At malapit lang naman yung bahay namin and besides kaya ko namang umuwi mag-isa." pagdadahilan ko.

"Ah ganun ba?"

Muka naman siyang nadismaya pero agad itong bumawi ng ngiti. Nginitian ko nalang din siya.

"Oh sige, una na ako. Ingat ka sa pag-uwi ah?" sabi niya sabay gulo ng buhok ko. Hobby niya talaga ang manggulo ng buhok no? Haha.

Tumango na lang ako at hinintay ko siyang makalayo. Pero bago pa man ako makalabas ng gate, nahagip ng mata ko si Jason. At aba! Kung makatingin ng masama wagas! Ang lakas maka snob! 

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay Ng May FiancéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon