Bago po kayo magbasa, I apologize kung hindi man ako nakapag-update agad. Super hectic po kasi ng schedule ko last weeks. Katatapos lang ng exam at busy nanaman sa school. Puro na lang research, survey at citation chorva chenes. At paniguradong super busy nanaman this month until next month. Ang hirap ng buhay estudyante XD. Pero no worries, I'll update parin no matter what. Salamat pala sa patuloy na nagbabasa ng storyang ito. (Kung meron man XD)
So heto na po. Sana magustuhan niyo.
CHAPTER 10
[Anne's POV]
So far so good, nalagpasan ko naman ang almost one week with Jason. Ayun, di parin mawawala ang bangayan at barahan.You know naman how bipolar much he is. Busy na din kasi kami sa school. At hanep lungs! Madaming pumipila para maging girfriend niya. katulad nito.
"Kyaaa! Si fafa Jason! Oh my gosh! Kill me! Kill me now!"
Oo teh. Wait ka lang, ready na yung kutsilyo ko.
"Be my boyfriend Jason!"
"Marry me!"
At ang mas malala?
"Rape me beybeh!"
Yucks. Lalandi. Asaness naman sila kung papatulan sila ni Jason. Sa panget lang yun pumapatol no. Haha.
Well anyway, tama na ang pagmo-monologue at malelate na ako sa klase. Nakarating naman ako ng classroom before dumating yung adviser namin.
"Good morning everyone!" bati ni Mam Padilla.
"Ngayon, may special announcement tayo galing kay Mr. Fonte."
Ano naman kayang special announcement yan?
"Good morning sa inyong lahat. By the way, My name is Shin Fonte and I am the coach of varsity."
Anong kinalaman ng varsity? Invited kaya kaming manuod ng game ng players? XD
"Siguro nagtatanong kayo kung ano yung special announcement no?" tumango yung karamihan samin.
"This year, we'll be having our 18th annual sports fest and in celebration to that, nag decide ang karamihan sa mga guro at pati na din si Principal na magkaroon ng trainings ang mga estudyante sa larangan ng iba't-ibang sports. At lahat kayo ay kailangang pumasok sa varsity."
"Yes! Ok lang sir. Kayang-kaya yan ng mga boys namin. Diba?" sabi ni unknown classmate.
"For the information of all, boys and girls are required to be part of the varsity. No excemption. At kapag pinagbuti niyo, points will be given direct to the grades."
What? Papasok kami sa Varsity? NO WAY.
"Sir, pano naman kaming mga babae? Hindi kami marunong magbasketball." pagpoprotesta ko.
"That's why we'll be having trainings miss. Para maturuan kayo at para walang rason na hindi kayo sasali. This is compulsary."
Pahiya ako dun ah. Eh pano niyo ng mapipilit ang isang taong may ayaw naman.
"If you want to graduate in this university, you should do your very best to earn high grades right?" madaming nag oo.
"Then this is one way of having one. [referring to the high grades] Kung gusto nniyong mapadali ang buhay niyo, sasali kayo sa ayaw at gusto niyo. Nakataya din dito ang grades ng kapwa niyo. We are not going just to judge you individually. This sports fest requires teamwork. We'll be comepeting with the other universities too. Kaya kapag bagsak ang isa, bagsak din lahat. Damay damay lang yan. kapag ayaw niyo naman it's your choice. Paghirapan niyong makakuha ng points."
BINABASA MO ANG
Buhay Ng May Fiancé
Teen FictionMeet Anne, ang ultimate Ms. Maldita. Meet Jason, the ultimate Mr. Cold. Sa umpisa pa nga lang, hindi na sila magkasundo. Pano pa kaya kung sila'y pinagsama sa iisang bubong?