CHAPTER 11
"Anong sabi mo tungkol sakin?"
Napatingin naman ako sa nagsalita.
"Jason? I-ikaw ang team captain?"
"Oo. Ako lang naman ang team captain ng Highers na sinsabihan mo na isang irresponsable at paimportante."
"Ahh. Hehe. Sinabi ko ba yun?"
Nakakatakot yung tingin niya. Para siyang mangangain ng tao. Gulp.
"S-sorry po."
"Hoy babae! Bakit hindi mo sinabing si Jason pala ang team captain?" bulong ko kay bespi.
"Kanina pa kaya kita sinisiko pero busy ka sa speech mo."
"Eh bakit hindi ko to alam? Sabay naman kaming nagtransfer ah."
"Ayan. Busy ka kasi teh. Pati activities ng fiance mo hindi ka updated."
"Shhh. Tumahimik ka na nga. Baka may makarinig."
Para tuloy akong basang sisiw na nakayuko.
"Attention everyone, siguro naman kilala niyo na ang team captain ng Highers? Well fo those who don't knnow yet, he is Jason Lee. And he'll be the incharge for the whole training." sir Shin.
SAY WHAT! OH NO!
"Jace, do you have any words to say to our new trainees?"
Lumapit naman si Jason kay Sir sa may stage.
"I assure that all of you knew me. I'm Jason Lee, the captain of Highers. I have my rules and conditions that all of you should follow. Una sa lahat, ayoko ng pinangungunahan ako. Kapag sinabi kong training, training. Hindi sa lahat ng oras ay naglalaro kayo, dapat ding magseryoso. Ayoko sa lalampa-lampa. Ayoko ng nalelate tuwing practice. At higit sa lahat, ayoko yung hindi ako nirerespeto at sinasabihang isang irresponsableng team captain ng team na ito. If you say so, then go on and take my place."
Talagang sakin siya naka focus? Sorry naman. Hindi ko naman alam na siya pala ang team captain eh.
"Yun lang. At dahil unang araw pa lang ng training niyo, at may lumabag na sa isa sa mga rules ko.."
Waaaaaaaaaaaaaa! Ang sama niya! Sorry na nga diba?
Kaialangan talangang iemphasize na kasalan ko?
"All of you, 100 laps."
"WHAT?!"
Lahat kami ganyan ang reaksyon sa sinabi niya. Grabe naman! 100 laps?! Eh ang laki ng gym eh! Huhu.
"Pero bakit naman kami nadamay? Diba isa lang ang lumabag sa rules? Dapat siya lang ang gumawa nun!" pagpoprotesta ng mga classmates ko.
"Huhu. Bespi! 100 laps daw, Hindi ko keri to." sabi ni bespi.
"Sa tingin mo bespi keribels ko to? Hindi no. Hindi na lang sana ako nagsalita. Patay na ako."
"Who the hell ba kasi ang lumabag ng rules natin? Why are we being damay?" Grr. Ang arte talaga ni Mich.
"Kaya nga!" sabi pa ng iba.
Waaaaaaaaaa! Mommy! I'm so dead!
"Okay then. Ms. Tan, please start your 100 laps. NOW."
"Ayoko nga! That's too much! Hindi ko ka yun no!"
Ang mean niya! Fiance niya ako diba? Di dapat hindi niya ako pinahihirapan. Agree? Jusmiyo! Ni hindi ko nga kaya ang 10 round eh! 100 laps pa kaya!
"Sino ba ang nasusunod dito? Hindi ba ako?"
"But you're too much! Hindi ko naman sinsadya yung sinabi ko kanina. I was just pissed okay? Tsaka, nag sorry naman na ako ah."
"You want me to make it 150 laps?"
"What?!"
"Ayaw mo diba? Magsimula ka na."
Tinignan ko muna siya ng masama bago nagsimulang tumakbo paikot ng gym. Bwisit siya. Nakatutok tuloy sakin lahat ng atensyon nila.
"Go bespi! Push mo yan!"
Isa pa tong babaeng ito! Napaka supportive na bestfriend. 10 laps pa lang pero hindi ko na talaga kaya! Napaupo naman ako sa sibrang pagod. Lahat parin sila nakatingin sakin. Tapos biglang lumapit si monster na naka cross arms.
"Oh bat tumigil ka?" Jason.
"Eh sa pagod na ako eh. Tama na kasi yun." super pagod na talaga ako.
"Wala ka pa sa kalahati Ms. Tan."
"Can't you see that I'm tired?"
"I don't care. Rule is rule."
"Can't you spare me? Nagsorry na ako nga ako diba? Hindi pa ba sapat yun? I don't have any idea na ikaw yung captain okay? I'm your fiance anyway."
Pabulong kong sinabi yung sa last part. Tapos nag paawa effect. Sana lang tumalab. Lumapit naman siya sakin at umupo sa harap ko. Tapos bumulong.
"Personal life is different with school life. Yes, you're my fiance. But that doesn't mean na special ka."
And with that, I was left ..
NGANGA!
***
BINABASA MO ANG
Buhay Ng May Fiancé
Teen FictionMeet Anne, ang ultimate Ms. Maldita. Meet Jason, the ultimate Mr. Cold. Sa umpisa pa nga lang, hindi na sila magkasundo. Pano pa kaya kung sila'y pinagsama sa iisang bubong?